Karleen: Nicka nakita mo ba si Shantal? Kanina ko pa kasi hinahanap e. Manhihuram sana ako ng t-shirt.
Nicka: umalis sya kanina e. Teka wala pa rin ba?
Karleen: wala pa siguro. Hindi ko pa nakikita e.
Nicka: naku nasan na kaya sya. Tara sabihin natin sa barkada. Nag-aalala na ko e.
(roaring)
Nicka: guys wala pa si Shantal. Umuulan na, baka kung mapaano sya.
Calem: ANO? kanina pa sya umalis ah.
Adrian: hahanapin ko sya.
"umalis agad si Adrian para hanapin sya. Sumunod agad akong umalis para hanapin si Shabtal. Baka kung mapaano yun, di ko talaga mapapatawad ang sarili ko. Kasalanan ko to e, dapat di ko na sya inaway kanina edi sana hindi sya umalis. Mahina pa naman sya sa direksyon, baka naligaw na yun. Naku Shantal, mamamatay ako sa pag-aalala."
Calem: SHANTAL!!!!!!!!!!!!!!!
SHANTAL NASAAN KA???
SHANTAL!!!!!
Shantal: tulong......tu-tulong!!!!
Calem: Shantal? Nasaan ka?
Shantal: nandito ako..
"Naglakad ako papunta dun sa pinanggagalingan ng boses nya. Sa pagsasalita nya mukhang may iniinda syang sakit. Don't worry hon malapit na ko"
Calem: Shantal anong nangyari sayo? Halika pumasan ka sakin.
" napilayan sya at halos hindi na makalakad. Nakakaawa talaga ang itsura nya."
Shantal: natalapid ako sa malaking ugat ng puno. Ang sakit sakit talaga buti na lang dumating ka.
Calem: talagang darating ako dahil hindi naman ako papayag na may mangyari sayong masama.
Kasalanan ko to e, di na dapat kita inaway kanina.
Shantal: hindi mo kasalanan. Ako naman talaga e, umalis ako ng bahay ng walang kasama at hindi man lang nagsabi kung saan pupunta e mahina pa naman ako sa pagtanda ng mga dinadaanan ko.
Calem: tama na okay. Ang importante nakita na kita. Magagamot na natin yang paa mo.
Shantal: hmmm....
Calem: grabe 2 beses na kong nasugod sa ulan dahil sayo. :))
Shantal: pasensya kana.
Calem: okay lang yun. Masaya nga ako e.:)
Shantal: alam mo ba ibig sabihin nyan?
Calem: ano?
Shantal: ang ulan ay katulad ng pagmamahal ko sayo, hindi man parating umuulan pero alam natin na kaylan man hindi mawawala ang ulan. Sumikat man ang araw, may panahon pa rin na darating para sa tag- ulan. At ang pagmamahal ko sayo hindi mawawala, hindi man tayo magkasama pero alam nating dalawa na hindi mawawala ang pag-ibig natin. Lagi lang itong nandito sa puso natin.
Calem: kaya lagi kong magiging masaya pag naulan dahil ang ulan ay katulad ng pagmamahal mo sakin.
" kahit masakit na ang paa nya, nagagawa nya pa ring pasiyahin ako. Nakarating na kami sa bahay at nakatulog na pala sya sa likod ko. Agad syang inasikaso ni Nicka pagkarating na pagkarating namin.!
Nicka: ihiga mo na sya dun sa kwarto. Papalitan ko na sya ng damit.
" inihiga ko sya agad, halatang halata ang hirap at pagod nya. Sobrang dumi na nya at basang basa pa. Naisip ko na ring magpalit muna ng damit para pagkatapos syang bihisan ni Nicka, ako na ang magbantay sa kanya magdamag."
Calem: magpahinga ka at matulog ng mahimbing hon. Babantayan kita. Hindi ako aalis sa tabi mo.
BINABASA MO ANG
I Prayed for Countless Days
Teen Fictionmasasabing perfect couple na sina Calem at Shantal, pero hindi maiiwasang subukin ang samahan nila. Ano nga ba ang dapat gawin ng dalawang nagmamahalan para lagpasan ang mga ito? Sapat na nga ba ang salitang MAHAL KITA para manatili sila sa tabi ng...