A one-shot Story

68K 3.8K 1.7K
                                    


C R E S T F A L L E N

Written By: Serialsleeper


✄ . . . . . .


"Trish! Bilis na! Baka maiwan ka ng bus!" sigaw sakin ng best friend kong si Pia na nakaupo na sa gitnang bahagi ng Bus at kulang nalang eh, ilabas ang buo niyang katawan mula sa bintana para kaladkarin ako papasok.


Tumango-tango na lamang ako at ngumiti saka muling ibinaling ang atensyon sa kausap ko sa cellphone—Si Russel.


"Si Pia ba 'yon?" tanong ni Russel sa kabilang linya na patawa-tawa pa.


"Yup, aandar na daw kasi ang bus. Nagwawala na ang bruha," sabi ko na lamang habang tumatanaw sa kalangitang animo'y nagngangalit sa dilim at animo'y magpapakawala na ng malakas na ulan.


"Subukan lang ng driver na 'yan na iwan ka sa gitna ng kawalan at makikita niya kung bakit Iron Man ang bansag sakin sa department namin," pagbabanta niya kaya natawa na lamang ako.


"Ba't mo ako pinagtatawanan?!" inis niyang sambit kaya lalo akong natatawa. Naiimagine ko na rin kasi ang pout sa mukha niya. Ang cute!


"Russel, I love you alam mo yan but pinapaalala ko lang sayo, kaya Iron man ang bansag sayo kasi laging gusot ang polo mo at kulang nalang eh may mambato sayo ng plantsa." Pilit kong pinipigilan ang tawa ko kaso ayaw talaga. Ang cute niya kasi eh, assuming na macho.


"Pucha sorry na, malay ko ba paano mamalantsa! Babe, ikaw na mag-plantsa sa uniform ko please tutal magkatabi lang tayo ng bahay?" biro niya kaya napasinghal na lamang ako.


"Aba, aba, aba, ulul ka rin eh no? Sige na, ibababa ko na, mukhang aandar na talaga ang bus eh," sabi ko na lamang habang naglalakad patungo sa direksyon ng bus.


"I miss you Trish. I'm dying to see you again," aniya.


"Miss you too, but hey, magkikita na tayo in a few hours. Malapit na kami diyan eh." Panlalambing ko na lamang sa kanya. I miss him, no words can describe that.


"Susunduin kita," giit niya.


"'Wag na, focus on your thesis first diba bukas na yang sa inyo? Don't worry—"

"Hija ano ba?! Sumakay ka na!" Biglang bulyaw sa akin ng teacher namin kasama ang driver at mukhang galit na galit na talaga sila kaya natakot na ako. Baka mamaya isumbong ako nito sa Dean, tiyak lagot talaga ako.


"Bye Russ, love you!" Dali-dali kong binaba ang cellphone ko at nagtatakbo na lamang na patungo sa kinauupuan ni Pia na mukhang mang-aasar na.


"'Yan, masyado kasing malandi napagalitan tuloy," pabiro niyang sambit kaya inirapan ko na lamang siya.


"Correction, nilalandi ako ni Russel," biro ko naman saka napaupo na matapos mailagay ang bag ko sa ibabaw na lalagyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crestfallen  |  OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon