Kabanata 26
It's okay now
"REALLY?"
Umalingawngaw ang boses ni Blade sa center. Tumahimik ang aura ng paligid at ang malademonyong tawa lang ni Blade ang boses na naririnig. Napahigpit ako ng hawak sa kamay ni Gideon. Tumingin ako sa kanya at kitang-kita ko ang sisi sa kanyang mata.
No...this is not your fault.
Umiling ako kay Gideon. Lumapit pa sa kanya para lang mabawasan ang takot na bumabagabag sa akin.
"Kaya pala madali mo na lang na pinatay ang pinsan ko!" sigaw ni Blade.
Hindi na ako makapaniwala sa sinasabi ni Blade. Does he really know what happened? Alam niya ba talaga o nabulag lang siya sa maling paniniwalan? Hindi ko na kakayaning pagbintangan pa niya si Gideon!
"No! No! Hindi si—" I interrupted.
"SHUT UP!" Blade cried out. Nanlalaki ang kanyang matang nakatingin sa 'kin. Lumapit naman si Bridgette sa kanya at tinignan ako ng masama. "KAYO! KAYO! ANG PUMATAY SA KANYA!" Napasabunot ng buhok si Blade at agad na umalalay si Ms. Bridgette sa kanya. Lumandas ang luha sa mata ni Blade at napatakip ako ng bibig. "Hindi niyo alam kung anong pangarap ang binuo ng pinsan ko! Hindi niyo alam! This was his dream! At pinagkait niyo sa kanya 'yon!"
"Shshh! Blade...." Ani Bridgette.
"If this was his dream he should not play dirty in this industry, he should play fair enough for his dream," ani Gideon.
"NO! IKAW! Ikaw ang may dahilan kung bakit bumagsak ang kompanya ng pinsan ko! At gagawin ko ang lahat bumagsak lang ang kompanyang ito! Gagawin ko lahat mawala lahat ng mayroon ka! Go to fucking hel—"
Napatigil si Blade nang bumukas ang glass door ng center at pumasok si Karl at Nica kasama ang ilang pulis. Tila ba tumigil ang oras ng ilang segundo sa aking pananaw sa pagpasok nila. I was back on my senses when one of the police finally spoke, "You're under arrest for stealing confidential files. Theft." May pinakita pa ang police na iyon na hindi ko alam kung ano ngunit parang patunay ito na may kasalanan si Blade at Bridgette. Agad na pumalibot ang mga pulis sa pwesto nila Bridgette at Blade. Hindi na nila natangkang pumalag pa dahil doon. I heard Bridgette's cry ngunit napapikit na lang ako at napayakap kay Gideon. Agad na hinagkan ako ni Gideon upang mawala ang aking takot.
Oh my God...i never...never thought of this to happen.
Hinantay kong mawala ang ingay bago umalis sa pagkakayakap kay Gideon. Ayoko humarap at makita sila Blade at Bridgette. Ayokong makita ang galit sa kanilang mata. Ayokong makita kung paano sumabog ang emosyon na mayroon sila. Narinig ko ang sigaw at iyak nilang dalawa at lalo kong binaon ang ulo ko sa dibdib ni Gideon.
"It's okay...baby...it's okay now." May marahang hagod akong naramdaman sa aking likod. Napakalas ako ng yakap at napansin ang kamay na nakayukom sa polo ni Gideon. Iniangat ko ang aking ulo para makita ang reaksyon niya. Gideon gave me a small smile. "It's okay now...nothing to worry." Gideon cupped my face. He leaned and gave me a peck. "Okay?"
Tumango ako at napapikit.
"Tamang tama lang pala ang dating namin ng babe ko at ng mga pulis." Boses ni Karl iyon. Napaharap ako para i-confirm iyon. Tama lang ang narinig ko. Si Karl nga 'yon at kasama niya ang best friend ko. "Parang love lang pala ang dating namin, nasa tamang oras lang." Ginalaw ni Karl ang kilay nito at nagpawala ng tensyon sa paligid.
"Tumigil ka nga! Hindi oras ng walang kwentang banat mo ngayon!" Kinurot ni Nica si Karl sa tagiliran. Lumapit si Nica sa akin at agad akong niyakap. "Okay ka lang, bes? May masakit ba? Sugurin ko na ba 'yon? Sabunutan ko na ang lintik na 'yon?" Nica holds my shoulder. "Okay ka lang ba talaga?" Sincerity is on her voice.
"Yup, bes. Okay lang ako. Nandyan naman si Gideon..." Nilingon ko si Gid at kasalukuyang kausap niya si Karl at nandoon din si Andy sa tabi niya. Nilipat ko ang tingin ko kay bes.
"Mabuti naman kung hindi...naku talaga! Mata lang ang walang latay!" Napatawa na ako sa sinabi ni Nica. Niyakap ko na siya at napalagay na ako sa lahat ng nangyari. At least ngayon ang awtoridad na ang may hawak sa magkapatid.
There's nothing to worry about.
**
Mga ala una ng madaling araw nang magising ako at walang katabi sa kama. Bumaba ako para uminom ng tubig dahil baka ganon din ang ginawa ni Gideon. Ngunit sa hagdan palang ay nakita ko na siya sa sala na nakatalikod at mukhang may kausap sa telepono. Nakatingala pa ito na para mong nag-iisip. Sa pagtagilid niya ay nakita ko ang pagsilip ng isang ngiti sa kanyang labi kaya nagmamadali akong bumaba.
Nang makababa ako ay may mga limang hakbang bago ako makapunta sa pwesto ni Gideon. Hahakbang n asana ngunit bigla siyang humarap sa akin na may ngiti sa labi. "Good news," aniya.
I bit my lower lip para hindi lumaki ang aking ngiti. "Ano?"
"They are back, baby." Nakakaakit ang ngiti na binibigay ni Gideon sa akin. Isama pa 'yong gulo niyang buhok na nagpapadagdag ng kagwapuhan niya ngayon. Damn... "Back on Authohub again." Biglang lumapit si Gideon at hindi ko inaasahan ang pagbuhat niya sa akin sa pagkakayakap. Paulit-ulit na sinasabi ni Gideon ang mga salitang iyon. Lumandas ang luha ng katuwaan sa 'king mata. Nagbunga ang paghihirap ni Gideon. Bumalik na 'yong ilang kompanya ng kotse sa Autohub. They trusted Autohub again. I'm so happy. Really, happy right now.
"I'm so proud of you. Ang galing-galing mo talaga. Sabi ko na nga ba, kaya niyo 'yan."
Binaba na ako ni Gideon mula sa pagkakabuhat niya. Hindi mawala ang ngiti ni Gideon kaya nagagaya ko rin siya. Parehas kaming nagtitigan hanggang sa napatawa.
"Thank you." Ngumuso si Gideon.
"You're welcome," ani ko.
"Thank you, really, baby...for being understanding, loyal, and faithful. Thank you. You put all your trust to me. At wala akong karapatan para balewalain iyon. For all the things happened to us...for every sacrifices and damn things, baby. You're still here with me. You gave me chance and trust me again whole heartedly. God gave me the best girl I would spend my forever. Life must not be this easy, baby. Dadating at dadating ang problema. But it would never be difficult like what happened to us years ago dahil sabay na nating haharapin ang lahat. Knowing God will always be there for us."
Ngayon napapakagat ako ng pang-ibabang labi sa pagpipigil ng luha. Umiling ako ngunit lumandas na ang luha sa aking pisngi. "Now, we learned from our mistake, Gid. I already know that I will be yours forever. Sabi Niya, ikaw na talaga. Ikaw lang at wala ng iba."
Ngumiti si Gideon sa sinabi ko, "God knows how much I want you...how much I need you in my life. Because you took my heart and soul, baby. And I don't want to ask for anything. I love you, always, you know it," aniya.
Tumango ako at napatawa. Hinawakan ni Gideon ang pisngi ko. Nagtitigan kami at parehas nagsusumamo ang saya sa aming mata. Para bang kapag may nagsalita, hindi na naming makakakula ang kasiyahan na mayroon ang aming puso.
"I love you," we said both in unison.
Parehas kaming tumawa ni Gideon. Sinubukan ko ulit mag-I love you ngunit sabay na naman kami kaya napayakap ako sa kanya. Ngunit hindi ko inaasahan ang pagbuhat ni Gideon sa akin. My eyes went wide.
"Uy!" impit na sigaw ko.
"Yes?" his voice is husky.
Ugh. Damn.
"Gideon!" Mahina ang aking boses ngunit may babala. Pero hindi naman ininda ni Gideon at patuloy lang siyang naglalakad habang buhat-buhat ako. "Anong gagawin mo?"
Huminto sandali si Gideon. Tumingin sa akin at nilapit ang mukha sa aking tenga. "Sa kwarto ko na lang sasabihin..."
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 3 of U.N.I. Trilogy) (SC, #3)
RomansaNang malaman ni Aly ang dahilan nang pagpapanggap ni Gideon ay tinanggap niya pa rin ito ng buong puso at walang pag-aalinlangan. She loves Gideon more than anything in this world right now. Dahilan para isawalang bahala niya ang lahat ng nangyari. ...