9

303 11 49
                                    






"Dito kami ni papa tumatambay noong high school pa ako. Close na close ako kay papa. Papa's girl ako. Kapag nakikita niya kasi 'yang ilog, pinapaalala raw sa kaniya na dapat siyang magpatuloy. Pero lahat ng mga araw na makakasama ko sana si papa, nawala... Nasayang... Naaalala ko pa, unang pageant na sinalihan ko outside the campus, 'yun din 'yung araw na naghiwalay sina mama at papa."



Hinubad ko ang loose shirt ko pati na rin ang maong shorts ko. Naka-bikini nalang ako nang lumusong ako sa tubig. Bumaling ako sa puwesto ni Markus. Hinubad niya ang shirt niya at kaagad na pumunta sa puwesto ko.



"P'wede ka pa rin naman tumambay rito. Kapag pareho tayong walang flight, we can go here." Hinawakan ni Markus ang beywang ko at inilapit ako sa kaniya. "You can do anything with me."



"Can I be happy with you forever?" I caressed his face and tried to memorize each part of it.



"There will be sad days, Ava. But we can turn those sad days into..." His hands went up to my jaw. "Happy days." I wasn't surprised when he kissed me. In fact, I was just waiting for him to make the first move...



Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang video call ni Clara. Magkasama sila ngayon ni Qamari sa Boracay. Malapit na kasi ang summer kaya doon sila nagbakasyon. Sana all. Nilagay ko sa phone stand ang phone ko habang nag-aayos ako para sa date namin ni Markus mamaya.



Umupo ako sa vanity chair at nagpunas ng mukha bago nagsimulang maglagay ng makeup. Tumingin ako saglit sa phone ko. Kumakain ang dalawa.



"Wow, ayos na ayos si Mayora. Saan ang gala?" tanong ni Clara nang mapansin ang suot ko.



"May date kami ni Markus-"



"Gaga ka, simula nang manligaw sa 'yo si Markus, hubadera ka na. Kaunti nalang makikita ko na utong mo." Bumaba tuloy ang tingin ko sa damit ko. Kitang-kita ang cleavage ko pero hindi naman siguro lalabas ang utong ko! "Nag-sex na ba kayo?"



"Huy, bastos ka!" saway ni Qamari.



"Ampucha ka, inosente pa? HAHAHAHAHA. Imposibleng walang nangyari sa inyo ng ex mo, tanga. Pia? Ano? May nangyari na ba? Share naman details, bebe ko!" Nag-init ang mukha ko nang lumabas si Markus mula sa bathroom.



Hindi ko sinagot si Clara dahil maririnig ni Markus! Naka-boxers lang si Markus at may nakasabit na tuwalya sa kaniyang balikat. Mukhang nagpatuyo na siya sa loob. Nagulat ako nang hilahin niya ang gaming chair ko at inilapit 'yon sa 'kin. Umupo siya ro'n at humalik sa balikat ko.



Gulat na gulat ang dalawa kong kaibigan. Nasabunutan pa ni Clara si Qamari. Huli na nang mapansin ni Markus na may ka-video call ako.



"A-Ahh, Markus, sina Clara at Qamari. Best friends ko sila. Clara, Qams, si Markus nga pala, manliligaw ko."



"Hi! Ako si Clara and the woman beside me is Qamari. Nakuwento ka na sa 'min ni Pia! Magkasama pala kayo ngayon. I'm afraid that I need to end the call na kasi maglilibot pa kami ni Qams dito sa Bora!" Tumingin sa 'kin si Clara at ngumiti. Nananadya!



"I wasn't able to introduce myself properly," natatawang ani Markus. Natawa rin ako. Alam kong sinadya 'yon ni Clara!



Pinagmasdan ko si Markus habang hinihiwa niya ang steak ko. I drank from the wine glass and smirked a bit. He's such a good man. Ang g'wapo pa. Full package.



Bewildering Flights with you, CaptainWhere stories live. Discover now