~Synoposis~

27 6 0
                                    

~Mira's pov~

Ako  Mira Cruz, labing anim na taon. Matangkad, May katamtamang katawan, Maputi, Kulay chocolate ang mata at kulot ang mahaba niyang buhok na itim.Kasalukuyang nakatira sa Tondo Manila kasama ng ina kong  si Brenda Cruz biyuda na at tanging ako  na lamang ang kasama niya. Meron akong kapatid  na lalaki pero pina ampon siya ni Nanay buwan na ang lumipas sa isang mayamang mag asawa. Lingid sa kaalaman pala kaalaman ko si Nanay  ay nagtitinda ng patago ng  pinagbabawal na gamot sa aming  lugar. Kaya marami ang takot madamay sa tuwing pinagbubuhatan ako ng kamay niya.
Namatay ang tatay ko  na si Mariano noong siyam na taon pa lamang ako. Simula noong namatay si tatay naging ganito na si nanay sa 'kin. Ako rin  ang sinisisi niya sa nangyari sa tatay ko.

"Hoy Mira, bakit hindi mo sinunod ang sinasabi ko sa 'yo?" Bulyaw ni nanay habang  naglalaba ako dito sa poso namin.
Pagkalapit niya sa 'kin ay agad niya akong hinila tayo kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa galaw niya. 

Maluha luha akong nakayuko habang si nanay naman ay nakasabunot pa rin sa buhok ko.

"Hindi ba sabi ko sa iyo hanapan mo ako ng makakain? Bakit hindi mo ako sinunod?" sigaw ni nanay  sa 'kin.

Hindi na ako umimik dahil kahit anong sasabihin ko ay hindi pa rin niya titigilan ang pananakit niya sa 'kin.

Binitawan niya ako  at pumasok siya kwarto nila ni Tatay. Pagkalabas bitbit niya ang isang dos por dos na pamalo  sa 'kin. Nanlaki ang mata ko  sa gulat at takot.

"Tingnan natin kung hindi ka pa sumunod sa akin. L*nt*k kang bata ka!"sabi ni nanay ng makalapit siya sa 'kin. Nang handa na niyang hatawin ako  ay tumakbo ito palabas ng bahay.

"Put*ng*inang bata ka! Bumalik ka dito!" sigaw ni nanay  ng nasa labas na ako.
Tumakbo ako palabas ng bahay namin deretso sa bahay  ng  kaibigan kong si Lola Neneng. Dito ako palagi pumupunta sa tuwing sasaktan ako ni nanay.

"Lola" bati ko sa kaniya.Hapong hapo akong nag mano sa kaniya kaya alam Niya na ang problema ko.

"Sinaktan ka na naman ng impakta mong nanay nuh?" sabi ni Lola Neneng sa 'kin.

Tinitigan niyang mabuti  ang mukha  ko para malaman kung may sugat o pasa ako. Nang masiguradong ok naman ang kalagayan ko  ay ngumiti na siya.

"Hanggang kailan ka ba magtatyaga sa nanay mo, Hindi na siya magbabago." dagdag pa ni Lola Neneng.

"Lola magbabago pa si nanay tiwala ako doon." sabi ko 'tsaka tinuro ang nasa itaas na ang ibig sabihin ay ang panginoon.
Umiling si Lola Neneng 'tsaka hinaplos ang buhok ko. Nakakatuwa si lola neneng sa tuwing tatakbo ako sa kanya ay hindi siya nag aatubiling tumulong sa 'kin.

"Hala sige na may damit ka diyan na naiwan maligo ka at mabaho ka na." sabi niya at  bahagya pang tinakpan ang ilong.
Napangiti ako sa asar Ni Lola Neneng sa 'kin.

Medyo may kalayuan ang tinitirahan ni Lola Neneng sa bahay namin kaya hindi nag aksayang  pumunta dito si nanay.

Pumunta ako sa kusina niya at hinanap ang banyo. Inamoy ko ang sarili ko ngayon ko lang naalala nung isang araw pa ako nakaligo kaya pala nasabi ni Lola Neneng na mabaho ako. Pumasok ako sa banyo at naligo. Nilabhan ko na rin ang damit kong marumi para tutupiin na lang ni Lola Neneng mamaya.

"La ok na ako mabango na ako oh!" sigaw ko mula sa kusina.

"May pagkaing natakpan diyan sa mesa para sa iyo yan" malumanay na sabi ni Lola Neneng sa 'kin.

Tiningnan ko ang pagkaing natakpan paksiw na bangus na may kasamang ginataang gulay. Nalungkot ako bigla dahil na alala ko  'yong bunso kong kapatid paborito niya 'yong paksiw na bangus lalo na pag marami ang sabaw. Kusang tumulo ang luha ko dahil na-mi-mis ko ang kapatid ko. Ilang buwan na nang pina ampon siya ni nanay  sa isang mayamang pamilya. Ayaw kong pumayag pero wala akong magagawa dahil hindi ko kayang kalabanin si nanay. 

"Oh bakit ka umiiyak diyan apo?" untag ni Lola Neneng mula sa likuran ko.

"Naaalala ko lang po si Boyet alam mo naman po na paborito niya 'yong  paksiw na bangus lalo na yung ganitong luto." naluluha kong sagot sa kanya.

"Alam mo pag nakikita ka ni Boyet na ganyan ka hindi siya magiging masaya alam mo kung bakit?" tanung ni lola sa 'kin.

"Bakit po?" tanung ko sa kanya na nagpahid ako ng luha.

"Kasi alam niyang kahit wala ka ng makakain ibibigay mo pa rin sa kanya 'yang paborito niya." sagot niya sa 'kin at nagpahid ng luha niyang umaagos din sa mga mata niya.

"Sana po maayos lang yung kalagayan niya nuh? Sana makapag aral na siya. Sana hindi na lang siya pina ampon ni nanay. Na-mi-mis kona po si Boyet La." saad ko patuloy ang pagluha.

"Alam mo apo pag nagiging ok na ang lahat. Hanapin mo si Boyet tanungin mo si Brenda kung sino ang pinag bigyan niya kay Boyet." payo sa 'kin ni Lola.

"Opo La. Salamat po dahil palagi kayong nandiyan para sa 'kin." Sabi ko.

Kumuha ako ng kanin at ulam. Si Lola Neneng naman ay nakaupo at nakatingin sa 'kin habang kumakain ako.

"Pagkatapos mo diyan kumain, matolog ka muna para makapagpahinga ka." sabi ni Lola at tumayo na siya.
"Manonood muna ako ng paborito kong telenovela"

Bumalik ng sala si Lola Neneng at naiwan akong magisa sa mesa kaya  nagumpisa na akong kumain.

Umuwi ako makalipas ang isang oras. Habang naglalakad ako  sa daan ng lugar namin  ay nakita ko ang kaibigan kong   si Rose.

"Mira sa'n ka galing?" tanung niya sa 'kin.
"Hinahanap ka ni Aling Brenda sa 'kin  kanina pa."

"Bakit niya ako hinahanap?" Nagtataka kong tanung kay Rose.

"Ewan ko." sagot niya sa 'kin. Hinila ko siya sa gilid ng daan.

"Rose may alam ka bang pwedeng mapasukan kong trabaho?" tanung ko sa kaniya.

"Wala pa eh, Di bale Mira hahanapan kita." sabi niya sa 'kin sabay tapik sa balikat ko.

"Sa bar niyo, hindi ba ako puwede doon?" tanung ko sa kanya.

" Kung ako nga mahirap sila papaniwalain na dese otso na ikaw pa kaya?" sagot niya na sinabayan pa ng iling.

"Saka hindi ka bagay do'n maganda ka para lang maging magdalena sayang ang ganda mo." dagdag pa niya.

"Gusto ko nang maka alis sa bahay ni nanay  Rose. Pagod na ako sa pananakit niya sa 'kin." sabi ko sa kaniya.

Matanda ng dalawang taon sa'kin si Rose. Maputi rin si Rose medyo mataas lang ako ng konti sa kaniya.Nagtatrabaho bilang magdalena sa isang club para may pang tustus sa anak niya. Single mom kasi siya. Iniwan ng boyfriend niya ng malamang buntis si Rose. Hindi na muling nagpakita pa kay Rose.

"Hayaan mo Mira maghahanap ako na pwede mong pasukan yung desente na trabaho." saad niya.

"Salamat Rose. Sige umuwi na muna ako." paalam ko sa kanya.

Nagkahiwalay Kami sa daan ni Rose. Ngunit nung malapit na ako  sa bahay namin ay kinakabahan na ako  at mabibigat ang paa ko sa bawat paghakbang ko. Pagkabukas ng bahay namin ay tahimik ang buong kabahayan at  nakita kong  nakahilata ang si nanay sa upuang mahaba sa sala. Pumunta ako ng kwarto ko  para tingnan ang nakatago kong  pera. Pero laking gulat Ko na bukas na ang kabinit ko  at wala na ang kahong nilagyan ng pera ko. Nanlumong napakapit ako  sa pinto ng kabinit kong luma.

"Ito ba ang hanap mo?" tinig mula sa likuran ko.

LOVE BENEATH THE SKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon