1.LVII: The Plan

783 37 9
                                    

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at lumingon ako sa kama ni Kali

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at lumingon ako sa kama ni Kali. Napansin kong wala na siya kaya naisip kong lumabas na siguro siya ng silid. Umaga na kasi ngayon. Dito ako natutulog ngayon sa silid ni Kali at 'yong mga lalaki ay naroon sa kuwarto nina Klein at Kayson.

Napabuntonghininga ako nang malalim dahil hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong nangyari kahapon sa palasyo ng duke. Hindi ako makapaniwala na hinalikan ko si Jerome no'ng araw na 'yon.

Napapikit na naman ako sabay ngiwi dahil nakaramdam ako ng hiya at naalala ko na naman. Tapos hindi ko siya magawang kausapin nang normal pagkatapos ng nangyaring 'yon at mukhang nagtataka siya dahil do'n.

Bumuntonghininga ako at bumangon na. Pagkatapos ay inayos ko na ang kama ko. Hinubad ko na ang pantulog ko at nagpalit sa school uniform ko bago ako lumabas ng kuwarto.

Natigilan naman ako nang makasalubong ko agad si Jerome. Pakiramdam ko umakyat ang dugo sa mukha ko at nag-init ito.

"Mabuti't gising ka na," sambit niya.

Hindi ako mapakali dahil sobra akong nahihiya na hindi maintindihan. Pakiramdam ko hindi ko pa siya kayang kausapin, ni tingnan man lang.

Umiwas ako ng tingin at nagmadaling naglakad papalayo kahit pakiramdam ko ang bigat ng mga paa ko.

"Aika."

Agad naman akong huminto nang marinig kong tawagin niya ako. Hindi naman ako makalingon kaya nanatili lang akong nakatayo rito.

Mayamaya'y naramdaman kong lumapit sa'kin si Jerome.

"Kahapon ka pa ganyan sa'kin. May problema ba?" tanong niya.

Hindi ako agad nakaimik.

"H-Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko na tila kinakabahan.

"Hindi mo 'ko kinakausap at parang iniiwasan mo 'ko pag-uwi natin dito kahapon galing palasyo. May nagawa ba ako o nasabing mali?"

Kumirot naman nang kaunti ang puso ko nang marinig ko na parang may halong pag-aalala sa kanyang boses.

"W-Wala naman. . ." sagot ko.

"Hindi ka galit sa'kin o ano man?" tanong pa niya.

Umiling ako, "H-Hindi. . ."

"Mabuti naman kung gano'n."

Dahan-dahan kong tumingin kay Jerome na nakatayo lang sa tabi ko at nagsalubong ang tingin namin nang tingalain ko siya.

"Kasi ikaw na nga humalik sa'kin, tapos ikaw pa ang gano'n?"

Pinandilatan ko siya ng mata sabay hinga nang malalim. Napanganga ako dahil hindi ako makapaniwalang sinabi niya 'yon at pakiramdam ko napipi ako dahil do'n.

"Bakit kailangan mo pang ipaalala?" inis kong sambit sa kanya.

Pagkatapos ay nagmartsa na ako papuntang dining area at nadatnan ko ro'n ang mga kasama ko, pati na rin sina Kali at Kayson.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon