Twitter: @ikyrachingASHLEY CARRACIO
Eto ako naka tanga sa kwarto. Nagkukulong! Bakit naman dun sa mga dati kong naging Boyfriends ko hindi naman ako naging baliw nang ganito?! Bakit? Bakit ganun?! Nang biglang mahagip ng mata ko yung Picture namin nila Tita Vina, Tito Bernard at Ethan. Hm.
~~
(AN: Yung may mga ~~ ganon po it means Throwback. Thank you!)
"Uhm babe. Free ka ba after class?" Tanong ni Ethan na mukhang masaya. Uh, I love this Guy.
"Yes babe. Bakit?"
"Papakilala sana kita kila Nanay at Tatay babe." Puta? Tama ba yung narinig ko? Parang nang hina nanaman ako a. Waaaah! Bakit ganon?
"H-ha? Ah babe, sure sure. Sige antayin mo nalang ako sa may Gate."
"Okay babe. I love you, see you later."
"I love you too babe. Okay!" Sabay disappear nya kasi may klase pa sila. Hm, ano kayang itsura ng magulang nya? Masungit? As in Roar!! Mabait? As in Hi-hi! Or Nakakatakot? As in Mwahahahaha welcome to Hell!!! Aish! Erase erase. Napaka wild naman ng utak ko!
"BOOOOOOOOOOOO!!"
"Ay pusang gala! Hayuuuuup. Walang ya ka Gabbie! Papatayin mo ba ako sa Gulat?!"
"HAHAHAHA Bes, you're so.. Uhm, basta." Baliw na babae. Gulatin daw ba ako ng ganon? At nakakahiya kasi kasama nya pa si Rade.
"Hi Rade. Kamusta? Balita ko may issue nanaman daw ang Section nyo sa Guidance? Totoo ba?"
"Oo meron nga. Alam mo naman yung section namin diba? Extremely Special!"
"By the way guys, mamaya pupunta ako sa bahay ni Ethan. Papakilala nya daw ako sa Parents nya."
"Oh my Gosh bes! Ikaw na! It's your time to shine. Hm, tingin ko? Magugustuhan ka nila. Kasi nakikita ko silang dumadaan sa may amin mukha naman silang Mababait." Mukha? So she mean hindi sya sure? My gosh..
***
"Hi, ikaw pala si Ashley? Yung araw araw bukam bibig nitong si Ethan. By the way I am your Tita Vina." Bati nang nanay ni Ethan. Ang bait nga nya, grabe. Hihi.
"Oh ija, ikaw na ba si Ashley? Aba ang gandang bata a. O ganda feel at home ka ha? Wag mahihiya." Sabi ni Tito Bernard. Oh, I love this family...
Nagkwentuhan kami at nag tawanan. Kinuha pa nga ni Tito Bernard number ko e. Text text daw kami! Haha, how cute right?
~~
Natauhan lang ako sa pag T-throwback ko nang biglang may nag text sakin..
From: Tito Bernard
'Hi ganda. Pasensya ka na sa kanina ha? Don't worry sayo pa rin kami boto.'
Napangiti na lang ako doon, kasi bigla nalang tumulo yung luha ko e, hay ano ba? Sabi ko hindi na ako iiyak e. Grabe naman ang lakas ng impact mo sakin Ethan! Yung utak at puso ko nagtatalo nanaman, bakit? Dahil sa mga pictures na naka dikit sa pinto ko.
Utak: Ashley alisin mo na yan ginago ka naman ni Ethan diba? Alisin mo na wala na kayo, wala ka nang karapatan sa kanya.
Puso: No Ashley! Porket ba nag break na kayo aalisin mo na agad? Hindi ba pwedeng souvenir mo nalang yan ng pagmamahal nya?
Utak: Ang tanga mo Ashley! Paano ka makaka move on kung gaganyan ganyan ka?
'Tangna! Si Gabbie ba itong utak na ito?'
Puso: Ashley wag na wag mong papakielaman ang mga bagay bagay lalo na pag galit ka.
Waaaaaah nakaka bobo! Dumapa ako sa kama ko tapos tumili sa may unan ko.
"Waaaaaaaaaaaaah!!! Putangna mo Ethan! Lalo ka na Anne! Waaaaaaaaah!"
***
"Sabog? Bangag? Bangenge? HAHAHAHA you're so adorable. Like me."
"Hoy baliw na babae tigil tigilan mo ko ha. Broken hearted ako!"
"Leche ang arte mo bes! Hindi ka mamamatay kahit wala na si Ethan. Tandaan mo yan. Kung hindi ipapabugbog kita sa mga Gangster don!"
"Bigyan mo ko ng Poging papa bes! Please I need some Poging Papa!"
"May Papa ka naman sa bahay nyo a. Wag kang malandi! Wag kang maghahanap ng lalaki at gawin mong panakip butas. Pero bes sa totoo lang, pag nakikita ko si Ethan naiinis ako ng bonggang bongga! Putang ina. Lokohin ka daw ba?!"
Eto na, umiiyak nanaman ako. Ayoko na! Ayoko na talaga, ang hirap nang mahal ko sya tapos palagi ko pa syang nakikita?
"Hey bes! Akin nalang pala yung tshirt mo. Na may nakalagay na, 'Ashley knows' susunugin ko lang."
What? Never! Akin lang 'yon e.
"No bes! Never never never!!!!!!!"
"Oh gago!" Binatukan nya nanaman ako! Walang hiya talaga.
Naniniwala pa rin talaga ako na, pag mahal mo ipaglaban mo sundan mo. Pero ngayon? Naniniwala na ako na pag iniwan ka nang mahal mo. Hayaan mo at ipakita mo kung sino ang sinayang nya.
----------------------------------------------------
Heyaaaaah! Lame ba? Hihi. Thanks for reading again guys! I'll post the next Chapter later. Lablab <3
BINABASA MO ANG
Break Free
RomanceAkala ko sya na. Akala ko sya na yung taong bubuo sa pangarap kong Happy ending. Bu-buhay sa lovelife kong walang saysay. Pero isa rin pala sya sa pinaka matinding sisira nito. Paano ako babangon sa pagkakalubog sa matinding lungkot? At paano kung...