Chapter 23

2 0 0
                                    

"Hey! Kanina pa kayo dito?!"


Nakita ko si Am na umiinom sa gilid kaya agad ko naman siyang nilapitan habang nakasunod sa akin si Quen.



"Kakarating lang namin, hi Draco!" Bati ko sa jowa niyang bumati rin sa akin at nakipag kamay kay Quen



"What's up dude?" Aniya nung dalawa. Amarah also said hi to Quen and ganun din naman si Quen.



"Nakita niyo ba si Cole?" Tanong ni Quen sa kanila



"I think nasa poolside yun eh, kasama sina Zack. I think we should all go there instead" sabi ni Draco kaya sabay naman kaming apat na lumabas. Hindi na ako nagulat ng mas maraming tao ang sumalubong sa amin sa labas. May nga nakilila rin akong tao kaya panay hi hello naman ako sa mga nadadaanan namin.



"Mukhang malungkot ata ang pinsan mo?" Bulong ko kay Quen ng makita si Cole ba nakaupo at nakatulala lang sa couch habang may hawak na beer sa isang kamay.


"Wala ata bebe niya" Quen chuckled at inakbayan ako



"Oh, ang aga-aga ang lungkot mo na! It's your birthday man, let's have some fun!" Pang chi-cheer up ni Draco at tumabi ng upo kay Cole


"Uy, nandito na pala kayo" aniya ng mapansin kami ni Quen.



"Happy Birthday Cole!" Pagbati ko at niyakap siya


"Thank you Yn, buti naman at nakapunta ka" aniya ng makawala


"Of course, ngayon nga lang ulit ako makakaparty eh" natawa naman siya at binati rin si Quen



"Thanks for coming man"


"Wala paba si A-?" Hindi niya naituloy ang pagbanggit sa pangalan dahil tinakpan ni Cole ang bunganga niya


"Shut up" aniya kaya natawa nalang si Quen at tinapik-tapik ang balikat niya.



The guys started bringing out some hard drinks at nag inuman. Katabi ko si Amarah sa left side at sa right side ko naman si Quen. They were drinking alcohol as if it was water! Grabe. Si Quen na mismo yung pumipigil sa akin uminom dahil alam niyang mababa ang tolerance ko. Natawa tuloy ako ng maisip na kaya niya ako hindi pinapainom dahil alam niyang siya ang magbubuhat sa akin kapag nalasing ako at mag pass out. Yung mule nalang ang ininom ko para hindi masyadong malakas ang epekto sa akin. Nakipagkwentuhan nalang din ako kay Amarah habang kumakain kami ng chichirya. Compared to me, she mismo ang ayaw uminom kaya tanging juice lang iniinom niya.


"You should try this, swear hindi siya mapait!" Pangkukumbinsi ko sa kaniyang uminom nung Mule


"Pa taste lang!" Aniya kaya binigay ko naman yung isang bote sa kaniya para mataste niya "oh, it's not that bad"


"See?!" And then she started drinking.



Yung lang naman dapat iniinom namin pero umalis kasi kami doon kung saan sila Quen at palihim na naginuman doon sa loob kasama yung mga kaklase namin nung high school. Nag laro kami ng beer pong at sa sobrang malas ko naman ay parati ako yung napapainom. Na guguilty tuloy ako kay Amarah kasi dahil sa akin napapainom rin siya, eh halos siya nanga yung bumubuhat sa akin eh. We still ended up winning though pero umiikot na yung ulo ko.


"Damn, I need water" sabi ko sa kaniya kaya nagtungo naman kami sa kusina.


Binuksan ko yung ref at kumuha ng malamig na tubig saka tinungga iyon. Kumuha rin si Amarah at halos maubos namin ang isang pitsel.


My Greatest Adventure (BRKDA SERIES 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon