Noong mag new year, pumunta si Quen at ang kapatid niya ng Italy kaya hindi kami nakapag celebrate together. Pumunta rin kami nila Mommy at Daddy pati si Lars sa Manila para sabay na salubungin ang bagong taon kasama ang lolo at lola ko sa side ni dad.
Nagkita panga kami ni Blaize sa Manila dahil binisita rin nila yung grandparents niya. I even got the chance to meet Josh there. Nagtaka nga ako kung bakit andun siya when he should be home.
"Umuwi ako nung new year pero pinabalik din kasi ako kaagad ng manager ko" paliwanag niya
"Is your family okay with that??" I asked
"Yeah, they're cool"
"Eh si Kaia?" Natahimik naman siya.
"I honestly miss spending so much time with her. Maybe entering this world, wasn't such a good idea after all. Sana nagpaiwan nalang ako sa lugar natin at tinapos ang pag-aaral ko ng kasama siya" aniya't bumuntong hininga
"But atleast she's proud of you."
"Yeah, she is. Pero alam ko ring namimiss niya rin ako. Ako kaya ang pinaka bestest bestfriend niya! She even gave me a mug that says that noong pasko" pagmamalaki niya kaya natawa naman ako
"I also got a mug like that. With the same text" sabi ko kaya napaawang naman yung bibig niya "Turns out you're not the only bestest bestfriend ni Kaia" sabi ko at natawa dahil sa reaksyon niya. He looked so betrayed!
Sinundo na ako nila mommy nun, kaya nagpaalam na ako sa kaniya. Binati niya pa ang parents ko saka kami tuluyang umalis. Nakapag papicture panga si Lars eh. Ipagyayabang raw niya sa mga kaibigan niya. Big time na rin kasi si Josh ngayon, sobrang sikat na ng banda nila kahit bago pa sila. Well, ang tatalented rin naman nila.
Pagkauwi namin sa bahay ng lolo at lola ko agad akong nagtungo sa banyo para maligo. Nagbihis narin ako saka lumabas ulit ng kwarto para bumaba dahil nakaramdam ako ng gutom. Binuksan ko naman yung ref para tignan kung andun paba yung mga cupcakes nung new year at natuwa naman ng makita na meron pa kaya nilabas ko yun at napasigaw ng maisara ko ang ref at makita si Lola na nakatayo doon.
"Mamila naman eh! You scared me!" Natawa naman siya at tinabihan ako ng upo sa table.
"Sorry, I saw you walk in here kasi kaya I followed you" natatawa paring aniya. I offered her the cupcakes pero umiling lang siya "Di yan makakatulong sa diabetes ko" aniya kaya natawa naman ako. Hindi ko parin mapigilan ang mamangha dahil ang fluent niyang mag tagalog kahit wala naman siyang lahing pinoy. French kasi talaga si Mamila.
"How's school my dear?" She asked
"If I were to be honest, I want to shift" I chuckled
"Kung ganun, why don't you shift to a different course??"
"Mom and dad wouldn't agree to that. Baka ipatapon pa ako sa ibang bansa. Plus, sayang rin yung dalawang taon na pinag-aralan ko"
"Sabagay...but if you think hindi mo kaya, or you're just doing it for the sake dahil family of doctors ang pamilya natin, well you don't have to force yourself to love something you're not passionate."
"If only it was that easy Mamila," I sighed
"Alam mo, when Vida decided to choose another path. Mas nagalit pa yung daddy mo kesa sa lolo mo! Well of course your lolo was dissapointed dahil nga ang taas ng expectations niya na magiging mahusay rin na doctor ang unika hija niya katulad ko, wala na siyang nagawa dahil Vida said that she'd rather act like she wasn't even part of this family and would give up everything she had than doing something she doesn't love. Ayun, hinayaan nalang siya ng lolo mo. Unika hija eh"