- Je & Oleng 1998
Naalala ko pa nung mga bata pa tayo, sabay tayong nagpapatakbo ng kabayo, Ako sa harapan mo, ikaw naman sa likod ko. Anggulo gulo nga natin noon, ni hindi nga natin alam na may nagmamay-ari pala ng kabayong yun, kaya ayun hinabol tayo hahaha.
Tapos sabay rin tayong nagpapatugtog ng piano sa bahay ninyo habang kumakain ng pringles tapos juice. Naalala ko pa nun bagong tuli ka kaya sinubokan kong magpahabol sayo, ikaw naman 'tong hirap maglakad dahil nga bagong tuli ka. Mangiyak ngiyak ka pa nga nun. Grabe ang tuwa ko nung mga oras na' yun.
"Habooool! nye nyeeee hahaha!"
"Oleeeeng! lagot ka talaga sinasabi ko na talaga sayo susumbong kita kay aleng pasing! huhu"
"Hahahahahaha! Bagong tule! ble!"
At higit sa lahat, hindi ko malilimutan ang pagbibisikleta natin noon habang pababa ang kalsada, Ikaw ang nagpapatakbo at ako ang sakay sa harapan mo, Masaya tayong nag-bobonding nun magkasama.
Hanggang sa lumaki na tayo at nagkaisip, walang pinagbago ganun parin ang pagsasama natin sa dati. Pareho tayong natatawa sa bawat kalokohan natin maging sa mga gimik. Naalala ko pa nga nung muntik tayong sumemplang hahaha.
Dahil din sa lakas ng trip ko, Umakyat ako sa bintana nyo at sumilip, nakita kitang nagbibihis, papasuot palang ng brief habang nakatalikod ka, naisipan kong kuhanan ka ng litrato.
"Je!" sabay kuha ng litrato.
"Hoy!" Sigaw niya sakin.
"Nye nye! hahaha!" Asar ko at bumaba sa pagkakaakyat sa bintana.
"Oleng! sira ka talaga! kanina ka pa!" inis na sabi niya habang nakadungaw sa ibaba ng bintana.
"Bleeee! nye nye nye nye!" Asar ko pa at dinilatan siya, pinapakita ko pa sakanya ang camera na pinangkuha ko sakanya ng litrato para mas lalo siyang maasar.
"Nye nye! gagantihan kita!" Banta niya pa sa'kin pero dinilatan ko lang siya at ipakitang hindi ako natatakot.
Pero di ko inaasahan na sa pagtulog ko, nasa kuwarto kita at habang natutulog ako, pinintahan mo ang mukha ko, Nagising na lang ako na nanlalamig ang mukha ko at parang basa, tumayo ako at humarap sa salamin, nagulat ako sa itsura ko, narinig ko ang mahinang tawa mo sa pintuan kaya masama ang tingin kong humarap doon.
"Haha! clown!" pang-asar mo sa'kin.
"Arrrrghhh!" Inis ko at agad kang pinaghahabol sa loob ng kuwarto, mukhang takot na takot pa nga ang mukha mo nun. Nag-hampasan pa tayo ng unan at nagbatohan.
Graduation din natin noon, at lahat ng estudyante masaya dahil nakapagtapos na ng high-school, syempre papahuli ba naman tayong dalawa? dapat tayo din masaya!
Pababa kami ni mama nun ng hagdan ng makita kita at naisipan kong ayain kang magpa-picture sa stage kasama ang mga mama natin. Pagtapos nilang sumama ay tayong dalawa naman ang nagpakuha ng litrato. Kung ano-anong anggulo tayo kung mag pose habang nagpapakuha ng litrato. Minsa'y nakayakap, Minsa'y nakayakap karin sa leeg ko para mo na nga akong pinapatay, pero kahit ganun masaya parin tayong dalawa.
Hindi ko makakalimutan ang mga araw na'yon kasama ka, simula nung mga bata pa tayo, mag kaibigan na tayo at magkasundo, hanggang ngayon wala parin namang nagbago maging sa mga trip na'tin at bonding, Sana hindi mawala lahat ng 'to, sana di maglaho.
---
DISCLAIMER: This is just a work of fiction and other events i just did names, events that i change and create. This Story is based in Labs kita, Okey ka lang? By Jolina Magdangal, Marvin Agustin. They are my inspiration for this story because it happened to me too, But I have written other events here in the story that are not the same.
Goals, Choice, and Reading Growth.
Your world of imagination is living in your mind so keep reading, Enjoy.©All Rights Reserved
@Hernameisryukah
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
RomanceAlam mo ba yung pakiramdam na nahuhulog ka sa isang taong manhid? makasarili? at higit sa lahat hindi ka kayang makita? dahil iba ang turing sayo. Masakit hindi ba? ang makitang tumingin sa iba ang taong lubos mong pinaglilingkuran. Ang taong matag...