[52.1] #100STHHJealousGuy

95.9K 2.8K 1K
                                    

Announcement:

May 9, 2015: Meetup sa Luneta park from 10:00Am to 6:00PM! See you :)

100STHH Shirt is still available. Message me for orders :)


CHAPTER 52

Hope's POV

Umalis na si Enzo. Naiwan kami ni Mico.

Maya maya naramdaman ko bigla na man akong niyakap ni Mico.

"Hope... I don't know what Enzo said. Hindi ko alam kung binabawi ka niya, kung nagsorry siya sa'yo or kung gusto ka niyang bumalik pero please... Akin ka na lang. Ako na lang. Ako na lang ang piliin mo, Hope. Kasi gustong gusto talaga kita. Hindi ko ata kakayanin kapag siya ang pinili mo. Hindi ko ata kakayanin na makita kayong magkasama. Kahit hindi siya. Kahit ibang lalaki. Ganoon kita kagusto, Hope. Siguro naman alam mo na yun. Hindi ako ganito. I never cared for anyone. I was always the bully. I was always the bad guy. I don't protect people. I am the one who always hurt them. But you... You're the exception. I want to protect you; I want to be always there for you. For you, I'm willing to be the good guy. I'm willing to. So let me, please. Let me be your guy, Hope. Choose me. Please."

Sinabi niya yun habang nakayakap sa akin ng mahigpit. Parang batang natatakot maagawan ng laruan. Apparently, ako yung laruan.

Pero sana... Sana wag niya din akong paglaruan.

Kasi hindi ko na ata kakayanin yung sunod sunod na pangloloko.

"Sira ka talaga, Mico."

Napaalis siya sa yakap, tumingin sa akin at kumunot ang noo.

Mico's back.

"What do you mean SIRA?! Hoy pinuntahan kita dito, niyakap at sinabi ang nararamdaman ko tapos sasabihin mo akong sira?! Alam mo ba kung ilang babae ang gustong makasayaw ako ngayong gabi pero ikaw lang ang sinasayaw ko. Alam mo ba yun?!"

"Oh eh di isayaw mo sila! Bakit ako ang sisisihin mo! Sinabi ko bang ako lang ang isayaw mo?!"

"Aba't!!!"

Aba't nagaaway na naman kami. Pero natatawa ako. Kahit nagaaway kami, magaan. Hindi kasing bigat tulad ng kapag kay Enzo. Si Enzo, kahit masaya kami magkasama ang bigat sa pakiramdam. Ewan ko ba. Hindi ko maexplain. Si Mico, kahit nagaaway kami ang gaan pa rin. Ibang iba silang dalawa.

"Look. I don't want to fight with you okay? My point is-"

"Alam ko yung point mo. Gets ko. At oo. Hindi ba ikaw naman talaga ang pinili ko? Sino bang kasama ko ngayon? Hindi ba ikaw? So oo, ikaw talaga ang pipiliin ko."

Napatitig siya sa akin, napabukas ang bibig na parang gulat na gulat sa sinabi ko. Maya maya...

Hala! Nagsasayaw na si Mico doon sa gitna.

As in sayaw! Breakdance! Pero may mga nagsloslow dance pa. Lahat sila napatigil at napatingin kay Mico. Yung DJ naman nahalata kaya pinalitan niya ng kanta.

Now Playing: Kiss Me Thru the Phone by Soulja Boy

Napanganga na lang ako kasi ang galing magsayaw ni Mico! As in! Ang galing niya gumiling tapos may pitik pa yung pagsayaw niya.

Maya maya pa umikot na lahat ng mga babae sa kanya para panuorin siya. Hindi ko alam bakit, pero nainis ako at gusto ko siya hilahin paalis doon sa dance floor pero mukha namang enjoy siya eh. Kaya bahala na siya. Maiinis lang ako eh.

Noong naglakad na ako palayo biglang kinuha ni Mico ang kamay ko, inikot ako habang sumasayaw pa rin siya, tapos nginitian ako. Nakaikot ako sa kanya tapos siya nakatitig lang sa akin, habang sumasayaw.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon