BESTFRIEND

14 2 5
                                    

Claire 's POV

"Hija.."

"Tita? Bakit po?"

"Si karen..."

Natigilan ako sa narinig ko at tumakbo para sumakay sa kotse ko.

Sana naman walang mangyaring masama sakanya. Please, karen.. Wag.

Binilisan ko yung pagmamaneho ko hanggang sa natanaw ko na yung hospital kung nasaan sya.

Karen, hintayin mo ko. Malapit na ako. Malapit na.

*Screeeeeeeeeeech*

Mainit. Mainit na likido ang nararamdaman ko mula sa ulo ko.

"OH SHIT! CLAIRE!"

Narinig kong sigaw ni Warren tska ako binuhat palabas sa nayupi kong kotse.

"W-warren."

Tawag ko sakanya habang nakatingin sya pababa sakin dahil nakahiga ako.

"Shh. Claire, magiging ayos ka. Di mo kami iiwan."

Sabi nya at hinawakan yung kamay ko.

"Si Karen. Gusto kong makita si Karen."

"Oo Claire, pagka-galing mo makikita mo sya. Please, wag kang pipikit."

"Gusto ko syang makita ngayon na.. Please, Warren gusto kong makita ang bestfriend ko. "

Imbis na sa ER nila ako dadalhin. Sa isang kwarto nila ako dinala at napangiti ako.

"S-salamat warren."

"Oh my god, Claire! A-anong.. bakit.."

"Tita.. paka-usap po kay Karen."

Tumingin ako sa bestfriend kong mahimbing na natutulog na unti unting dinidilat ang kanyang dalawang mata.

Nakakaawa ang bestfriend ko..

"Claire.."

Halata mo sa boses nya na nahihirapan sya.

"Karen. Nandito na ako.."

Inayos ni Warren yung hinihigaan ko at itinabi ako sa hospital bed ni Karen.

"Claire.. B-bakit ka ganyan?"

Di ko sinagot yung tanong nya at hinawakan ang kanyang kamay.

"Hahaha, Ano ba yan Karen! Tatakbo ka nalang madadapa ka pa!"

"Tse! Manahimik ka."

"Claireeeeeee!! Salo!!"

"Aray! Bat mo binato yang cellphone mo?!"

"Waaaah! Karen! Yung aso nyo nilalapa na ako!!"

"Gaga, marunong yan pumili no!"

"Yuck! Claire!! Ang baho ng utot mo! Itae mo na nga yan!"

"Oo na, patae ha."

"Kareeeeeen! Yung kusina nyo Nasusunog na!!"

"Tangina ka! Itlog lang niluto mo susunugin mo pa bahay namin!"

"Karen! Kami na ng kuya mo!"

"Pinatos mo si kuya Warren?!"

"Claire! Ano ginawa mo sa washing machine namin?! Umaapaw na sa sobrang dami ng sabon!"

"Uhh.. nilagay ko lahat ng isang pack ng ariel."

"Karen.. Huhuhu. Akala ko di niya yon gagawin sakin, pero bat ganito. Huhuhu."

"Claire.. Akala ko din di nya gagawin pero... HAHAHAHAHA ang panget mo umiyak!!"

"Claireeee! tikman mo 'tong ice cream cake!"

"Peste ka Karen! Ba't ang anghang neto?!"

"Karen, CR lang ako ah."

"Ugh! Claire! Asan ka na ba?! Nag CR ka 'tas iiwan mo akong bayaran 'tong pinagkainan natin?!"

"Akala ko ba Claire sagot sa 5 letter B?!"

"Gaga! sabi ko D!"

"HAHAHAHA joke yan diba? Sabihin mo sakin karen, Joke lang yan."

"Claire.. Totoong may Leukemia ako."

Napangiti ako sa lahat ng naalala ko nung wala pa lahat 'to. Yung wala pa kaming problema.

"Salamat Claire.. Mahal na mahal kita.. B-bestfriend."

Naramdaman kong bumitaw na sya sa pagkakahawak nya sa kamay ko at doon na nag simulang magpatakan yung mga luha ko.

"KAREN!!"

Narinig kong sigaw ni Tita, di ko na sila makita dahil sobrang nandidilim na yung paningin ko.

"M-mahal na mahal din kita, Bestfriend."

"CLAIRE! Sabi ko wag kang pipikit diba!?"

*END*

A Girl's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon