Reporter: "Flash report! isang dalaga ang nakita sa cctv na tumalon sa isang tulay at ayon sa nagbabantay sa mga cctv natuon daw ang kanyang atensyon sa sa cctv footage na iyon dahil sa kahinahinalang galaw ng dalaga, narito ang panayam nmin sa nakasaksi"
Melchor: "Ako po yung bantay sa cctv gabi-gabi at ako din ho yung nakakita sa pagtalon ng dalaga, noong una palang na nakita ko ang dalaga na naglalakad parang iba na ho eh, hindi ho maayos ang kanyang paglakad parang nanghihina at nagulat nlang ako nung lumapit sya sa tulay at tumalon, gustuhin ko man na pigilan sya ay malayo po ako at hindi ko na sya maaabutan kaya tumawag nlang ako ng mga pulis"
Pulis: "Ayon nga sa saksi ay wala na din syang nagawa kaya tumawag na agad sya sa amin at pagkarating namin sa nasabing lugar ay wala na ang dalaga magkakaroon ng search and rescue operation para mahanap ang katawan ng dalaga"
Reporter: "Bagamat hindi pa nakikita ang katawan ng biktima ay kinilala naman ng mga pulis na ito ay si Jean Samson, 13 yrs old, panawagan ng mga pulis na makipag ugnayan agad ang pamilya ng dalaga sakanila tungkol sa nangyari. Ito po ang inyong lingkod tagapagbalita para sa ating Flash Report"
_______________________________
B A N G !
Isang malakas na tunog ang maririnig sa loob ng babay ng pamilya samson dahil sa basag na baso,
nabitawan agad ni Myrna Samson ang basong hawak nya ng marinig ang pangalan ng dalagang nasa balita knina lamang dahim yun ay ang pangalan ng kanyang anak na panganay na si Jean. Mga luhang kusang lumabas sakanyang mga mata at parang biglang nagblangko ang pagiisip nya nang dahil sa balitang iyon. Natahimik saglit ang loob ng bahay nila matapos marinig ang pagkabasag ng baso. ilang saglut pa ay nagsama sama ang pamilya samson at nagusap usap.Myrna: "Tawagan nyo si Jean, please lang! Hindi ako naniniwala na si Jean ang nasa balita! Anak ko! aaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!"
Jude:"Huminahon ka muna, tatawagan ko na sya para makasigurado tayo kung sya nga ang nasa balita"
Ring!
Ring!
Ring!Jude:" Hello Jean! Nasaan ka ba? Nag aalala na kami sayo lalo na mama mo!"
Pulis:" Magandang araw po, kayo po ba ang pamilya ni Jean Samson? Maari po ba na magpunta kayo dito sa presinto? May mga narecover po kaming gamit at id ni Jean Samson"
Jude:"Kami nga ho ang pamilya ni Jean Samson, magpupunta ho kami agad"
Myrna:" Sumagot si Jean? Nasaan daw sya? Ayos lang ba sya?"
Malungkot na tumingin si Jude kay Myrna at sumagot.
Jude:" Kailangan nating pumunta sa prisinto"
Lalong tumindi ang pagiyak ni Myrna nang maintindihan nya ang ibigsabihin ng sagot ng kanyang asawa samantalang patuloy ang pagsuyo ng kanyang asawa at mga anak sakanya upang siya ay huminahon at makalipas ang ilang minuto ay sabay sabay na tinungo ni Myrna, Jude at ng dalawa panilang anak na sina Jessy at Jellyn ang nasabing prisinto doon ipinaliwanag ng mga pulis sakanila ang tungkol sa mga gamit ni Jean..
Pulis:"Ito ho ang wallet, bag at cellphone ni Jean. Narito din po ang kanyang mga ID, sa pamamagitan po ng kanyang ID ay natukoy nmin ang kanyang pagkakakilanlan. Nais man namin na tawagan agad kayo ay hindi agad namin nagawa dahil ang contact number na nasa ID ni Jean ay pagmamay-ari din nya at wala kahit isang contact person sa cellphone nya,hinihinala namin na sinadya nyang burahin ang mga lahat ng kanyang contacts."
Myrna,"Sigurado po ba kayo na si Jean ang babaeng tumalon na nakita sa cctv? bakit hanggang ngayon ay wala pang katawan? Baka nagkakamali lang kayo"
Pulis:" Pinanood at inimbestigahan ng mga kasama kong pulis ang iba pang cctv ngunit walang nakita na may babaeng umahon mula sa ilog at wala pang report na natatanggap na may nakitang katawan"
Malungkot na paliwanag ng pulis
Pulis:" Nasisiguro namin na anak ninyo ang tumalon dahil ang bag na gamit nya ay naiwan nya dahil ito ay sumabit sa tulay isa na rin sa maaaring magpatunay ay ang nakuha naming dugo sa tulay, maaring nasugatan sya sa napagsabitan ng bag nung sya ay tumalon"
Jude,"Magkakaroon ng imbestigasyon sa dugo na nakuha nyo sa tulay?"
Pulis," Yes po Mr. Samson, Kapag nag match po ang inyong dugo sakanya ay mas mapapatunayan na ang anak ninyo ang dalagang tumalon sa tulay, patuloy parin ang search and rescue operation namin para sainyong anak"
Matapos ang paguusap ng pamilya Samson at mga pulis ay agad isinagawa ang pag examine sa nasabing dugo,Lumabas ang resulta makalipas ang ilang araw..
Myrna:" Aaaaahhhhh! Anak ko! Siya nga yun! Hanapin nyo kahit katawan manlanv ng anak ko! Please!"
Patuloy na umiyak si Myrna, Ang mga kapatid ni Jean ay nagsimula na din umiyak nang makita ang resulta ng DNA Test.
Nagpatuloy ang paghahanap ng search and rescue team sa katawan ni Jean, ngunit makalipas ang isang buwan ay itinigil na ito. Marami ang nakisimpatya sa
pagkawala ni Jean at marami din ang nag-iwan ng mga comments sa social media account ng dalaga, naging trending din sya at nakilala ang kaso ng kanyang pagkawala..》 i wonder, hindi nman magpapakamatay ang isang tao ng walang dahilan dba? anyways, kung nasan ka man Jean Rest in peace.《
》Sigurado na bang patay na siya? one month is not enough para sa paghahanap pero hindi nman sa dagat nawala si Jean kaya baka nga wala na siya《
》she's too young to think of killing herself, Mrs. Samson can't you think of any reason why she did this to herself? you're the mother,you should know better weather you daughter's not feeling well or if there's something wrong with her《
》Mga kabataan ngayon hindi iniisip kung gano kahalaga ang buhay《
》 I smell something fishy ah, bakit nman niya gagawin yan kung walang masamang nangyare sakanya para magisip sya na tumalon nlang bigla sa tulay? 《
Iba't iba ang naging pahayag ng mga tao tungkol sa nangyare kay Jean, hindi na kinakaya ng pamilya lalo na ng ina ni Jean ang lahat kaya nagdesisyon sila na lumipat ng tinarahan at ideactivate ang kanilang mga social media accounts.
BINABASA MO ANG
Secrets and revenge
Mystery / ThrillerIsang balita ang gumulat sa pamilya Samson, hindi nila inaasahan na ang kanila panganay na anak ay makikita nlang nila sa balita na ito ay nagpakamatay. Puno ng lungkot at sakit ang naiwang pamilya ni Jean nang malaman na sya ay wala na ngunit dagda...