TMB 2

41 2 4
                                    

Theo Pov

"Theo apo gising na at kakain na tayo!" yan agad bungad sa akin pagkagising ko ito na ata alarm clock ko every morning, kaya bumangon na ako at dumiresto sa banyo.Habang naliligo ako iniisip ko pa rin yung taong nagligtas sa akin kung hindi dahil sa kanya patay na sana ako ngayon, ever since nung bata ako takot na akong lumangoy minsan kase nang magbakasyon kami sa isang kilalang beach sa pinuntahan namin muntik na rin akong malunod kaya natrauma na ako kaya hanggang ngayon hindi ako marunong lumangoy at natatakot rin.
Kaya nagpapasalamat ako sa taong nagligtas sa akin.
Bumalik ako ulit sa pangpang upang mag-baka-sakaling makikita ko siya ay magpapasalamat ako at may napulot akong kwintas na may kasamang kabibe, at iniiuwi ko 'to inilagay sa isang box.

Pagkatapos kong maligo dumiresto na ako sa baba para sa breakfast na prepare sa akin ni lola.

"Oh hali na apo at tayo ay kakain na" aya niya sa akin.

Umupo na ako at nagdasal nang pasasalamat sa biyayang pinagkaloob nang diyos at kumain, habang kumakain hindi ko maiwasang magtanong kay lola.

"Lola ang ganda po talaga dito sa inyo marami pang dumarayo the best 'tong resort ninyo" tumawa ang aking lola dahil sa aking tinanong bago siya nagpatuloy sa pagkain pero maya maya lang ay nagsalita siya.

"Maganda talaga rito apo araw-araw maraming dumarayo rito para lang makita ang resort natin at nagpapasalamat ako dahil doon dahil nakilala ang aking resort" tumango naman ako sa kanyang sinabi dahil totoo naman, always fully book pa kapag maraming nag check in sa isang araw lamang kaya bilib ako rito kay lola.

"Pero lola ang sabi nang iba kaya pa dinarayo ito ay marami daw mga sirena rito? Totoo po ba yun? or hindi? kase yun ang narinig ko sa isang lalaki nung minsan akong pumunta sa pangpang para magpahangin lola?" natigil naman si lola sa pagsubo at binaba ang kanyang kutsara bago niya ako tinignan nang seryoso, hinawakan nito ang aking kaliwang balikat saka siya nagsalita.

"Apo ikaw ba naniniwala ka ba sa mga sinasabi nila?" umiling naman ako at ngumiti bago pinagpatuloy na kumain.

"Ofcourse not lola it's just superticious beliefs paniniwala pa lang yan nang mga sinaunang tao" tinitigan lang ako ni lola saka siya napabuntong hininga at tumayo.Ako naman pinagpatuloy ko lang ang kumain.











Lantis pov

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nakatulong ako sa isang tao, hindi mapagsidhi ang aking kagalakan at pagkatuwa sa tuwing iniisip ko ang imahe nang lalaking iyon, sobrang nahumaling ako sa kanya at hindi lang yun mukhang ang bait pa niya gusto ko ulit pumunta sa mundo nang mga tao upang kamustahin ang kanyang kalagayan gusto kong makilala at alamin ang kanyang pangalan.
Sino kaya siya?.

"Lantis ano na naman yang iniisip mo?" napatingin naman ako sa kanya bago ngumiti.

"Yung taong niligtas ko nang ito ay mahulog sa dagat Nagus" umiling ito at mariin akong tinignan.
"Anung ibig mong sabihin ? na ikaw ay pumunta sa mundo nang mga tao at may niligtas ka?" gulat at galit niyang sabi.

Tumango ako sa kanya at lumangoy paharap sa kanya.

"Oo Nagus, ako ay pumunta sa mundo nang mga tao ngunit ito ay panandalian lamang sapagkat baka kami ay mapagalitan at malaman pa nila ang pagpunta namin roon batid kong sinaway ko ang utos mo marahil dahil alam kong magagalit ka pero ang kagustuhan kong makapunta roon ay ikakatuwa ko minsan lang ako makapunta hindi mo man lang ba ako pagbibigyan aking kapatid?" Natahimik siya sa aking sinabi at naging maamo na ang itsura nito.

"Patawarin mo ako kapatid kung iyan ang iyong nararamdaman pinoprotektahan lamang kita sa mga tao dahil alam kung ikaw ay sasaktan nila dahil sirena tayo, galit ang mga tao sa mga sirena dahil ang turing nila sa atin ay halimaw" niyakap ko ang aking kapatid bago ako nagsalita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mermaid Boy (BoyXBoy Mpreg)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon