When Can I Be Worth It?

220 25 79
                                    


"Gwapo ko 'no?"

I automatically acted like I was about to puke with his words. Ngumuso siya kaya natawa ako.

"Hindi ka talaga naga-guwapuhan sa 'kin?" tanong niya habang kinukuha ang nakasabit sa balikat kong backpack at siya na ang nagdala.

Napangisi ako. Wala na naman akong dala. "Nagagaguhan lang," barumbado kong sagot saka tumawa.

He glared at me before pulling my hair jokingly. "Tomboy ka ba?"

"Tao ka ba?"

"Faith naman, e!" pikon niyang sabi.

Malakas akong natawa. "Asar talo."

"Nagtatanong lang naman ako, e!"

"Bahala ka diyan! Naghihintay si Diana sa gate!" sigaw ko at nauna nang naglakad papalabas sa school.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Tanga, hindi ako tomboy, Harvey. At oo gwapo ka pero hindi ko 'yon aaminin dahil kapag inamin ko 'yon para na rin akong umamin na gusto kita. Matagal na.

Kaso ayoko pang sumugal. Mahirap. Sa ngayon kontento na akong magkaibigan tayo.

"Oh ba't ang tagal niyo?" mahinhing tanong ni Diana nang tuluyan kaming nakalabas sa gate.

"Eto kasi! Hindi nag-uniform ayan tuloy pinaglinis sa principal's office!" Pagturo ko kay Harvey na nagkakamot sa ulo.

Tumango lang naman si Diana. "Let's go?"

"Wait lang!" Pigil ko nang may naalala. Hinampas ko sa braso si Harvey. "Hoy 'yung promise mo sa 'kin! Lilibre mo 'ko ng fishball!"

He pouted but then he nodded. Napapalakpak ako. "Tara, Dia! Manlilibre si Harvs!" halakhak ko.

Ngumiti naman si Diana saka sinabit ang kamay sa braso ko at nauna na kaming naglakad papunta sa pinagbibilhan ng fishball. Tahimik lang namang nakasunod sa amin si Harvey.

"Anong sa 'yo, Dia?" marahang tanong ni Harvey kay Diana.

"Ay close kayo?" pagbibiro ko. Diana giggled. Natawa at nailing lang si Harvey. Sinabi na ni Dia ang sa kanya. Hindi na kailangang magtanong ni Harvey sa 'kin dahil alam na niya kung anong gusto ko.

We were best friends since grade one. Nakatae lang naman siya sa upuan niya at ako lang ang naglakas loob na tulungan siya imbes na tawanan. I know how it feels to be bullied and I don't want other people to experience it. Pagkatapos ng eksenang 'yon palagi na siyang nakasunod sa akin hanggang sa naging close na kami.

While Diana is my first cousin. Kapatid ni papa ang mama niya. At ngayong taon lang siya lumipat at nag-aral dito sa aming probinsya. Gusto niya raw na rito siya ga-graduate ng grade twelve.

"Group study tayo mamaya?" alok ni Harvey sa amin habang naglalakad kami pauwi.

"Sus, baka bumili ka lang ng gin!"

He immediately laugh so hard. "Faith, bagong buhay na ako!"

"Mama mo bagong buhay."

Natatawa lang naman si Diana sa amin. Palaging ganito ang set up namin. Sabay-sabay uuwi pero kami palagi ni Harvey ang nagbabardagulan at si Dia naman ang tagapanood at tawa sa amin.

"Hindi ka talaga sasama sa amin Faith?" huling tanong ni Harvey bago ako pumasok sa bahay. Kanina pa niya pinipilit na sumama ako sa group study raw namin.

"Hindi nga! May inuutos si Mama. Kayo na lang ni Dia. Huwag mo 'yang paiinumin! Papatayin kita!" banta ko.

Agad siyang natawa. "Maasahan mo 'ko! Safe 'tong pinsan mo sa akin." Tumango lang ako at pumasok na sa bahay.

When Can I Be Worth It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon