LIFE SERIES #1
“Go, USTe! Go, USTe! Go, Kuya Chesty!”
I and Lavi were cheering for UST Growling Tigers Mens Volleyball Team. Kasama ko ngayon sila Mira, France, Cams at Lavi na nanonood ngayong unang araw sa UAAP Mens Volleyball na ginanap dito sa Smart Araneta Coliseum. Kakaumpisa pa lang naman ng SET 1 ng laro nila. UST at FEU ang unang maglalaban sa Day 1. Tapos pagkatapos nila maglaro, susunod ang NU at DLSU.
Todo cheer kaagad kami sa kaibigan namin dahil captain siya ng Mens Volleyball Team ng Growling Tigers. Medyo kinakabahan ako na hindi, ano raw? Basta, kinakabahan ako! Lagi naman akong ganito kapag may laban sila. Ilan beses ko ng nakikitang maglaro si Kuya Chester at sa mga napapansin kong performance niya. Napakagaling niya at halos siya palagi ang nakakapuntos.
“Wooh! Ang galing!” sumigaw sa tabi ko sila Lavi at France ng makapuntos ang UST sa kalaban. Pinalo kase ng napakalakas ng ka-teammates ni Kuya Chester ang bola at saktong na inside naman 'yon! Mabuti na lamang at hindi na-block ng mga middle blocker ng FEU ang bola.
First Set pa lang pero ang init na ng laban. Dikit na dikit ang mga puntos nila. Halos hindi nagkakahiwalay. Kami naman dito ay todo cheer sa kanila. Kasama ang iba pa. Humihiyaw rin sila kapag naghahampasan na sila ng mga bola.
“Go, Kuya Chesty!” napalingon sa'min si Kuya Chester ng marinig niya ang malakas na hiyaw ni Lavi. Ngumiti ito samin at kaagad sinerve ang bola ng pumito ang referee.
Tinutukan ko ng husto ang laban nila. Mukhang hindi rin nagpapatalo ang FEU. Malalakas rin ang mga players nila. Na-block ng middle blocker ng UST ang malakas na pag-spike ng isang player ng taga-FEU. Nang makapunta naman sa side ng UST ang bola ay sinet ito ng ka-teammates ni Kuya Chester na number 13 ang Jersey na soot niyang growling tigers. At nang maka-tiyempo ay nagpakawala si Kuya Chester ng malakas na spike.
Nagsitayuan kaming lahat magkakaibigan dahil sa ginawa niyang 'yon.
Isang puntos para sa UST!
“Chester, ang galing mo! Mga Volleyball Player masasarap bumayo!” sigaw ni Mira na ikinalingon ng mga players ng UST at FEU. Natawa naman sila sa sinabi ng gaga. Ako na nahihiya sa pinagsasabi nitong babaeng 'to. Minsan talaga wala ng preno ang lumalabas sa bibig niya.
Nagkaroon sandali ng break time sa kalagitnaan ng laban para sa SET 1. Lamang ang UST ng 3 puntos sa FEU.
UST Growling Tigers - 17
FEU Tamaraws - 14“Krizza, CR lang kami. 'Yung pantog ni Cams hindi na kaya,” sabi sa'kin ni France. Tumaas naman ang kilay ko at nagsalita bigla si Mira ulit, “Bakit kailangan ikaw pa ang sumama? Nandiyan naman si Lavi. Feeling may mani 'yan, 'te?”
“Tanga! Mag-ccr rin ako, 'no!” nilagpasan kami nila Cams at France at pumunta na sila sa CR. Naiwan kaming tatlo nila Lavi at Mira ngayon na kumakain ng popcorn. Ito kase si Lavi ay nag-isip na magdala ng pagkain dito. Kaya, wala na rin kaming nagawa dahil siya naman ang may libre.
Pumito na muli ang referee para ipagpatuloy na muli ang laro. Nasa UST ang bola at sinimulan na mag-serve ulit ni Kuya Chester pero dahil sa sobrang lakas ng paghampas niya, na outside ang bola. Nagkaroon tuloy ng puntos ang FEU!
“Chester, ayusin mo! Hindi ka makakauwi sa bahay mamaya!” sigaw ni Mira mula sa pwesto namin. Hindi naman ito narinig ni Kuya Chester dahil pumito na ulit ang referee pero natawa ang mga tao na nasa likod namin sa pagkakasabi ng gaga.
Hindi na ako nakafocus panoorin ang laro nila Kuya Chester dahil dinadaldal na ako ni Mira sa tabi ko. Chinichismiss niya sa'kin ang isang lalaki na nasa unahan namin. Malapit ito sa bleacher. Mukhang may gusto yata ang babaitang 'to sa lalaki na mukhang taga FEU!
YOU ARE READING
Chasing the Stars (Life Series #1)
RandomLIFE SERIES #1 Krizza and Lukas has a same path for their dreams. They both took Accountancy at University of Santo Tomas - to become a successful person, they should set aside their love and focus on their goals. Different personalities but have si...