Prologue

19.2K 395 36
                                    

Kakagising ko lamang dahil masyado akong napagod kagabi dahil sa event ng bawat clan ng Spain. Masaya rin ako dahil nakita ko ang kaibigan kong si Cathalina galing sa Valeria Clan at naging masaya naman ang event ngunit hindi ko maiwasang isipin na paano kaya kung hindi ako kasapi ng Buenaventura Clan? Paano kaya kung doon na lang ako sa Pilipinas kasama ang Mama ko? Minsan lang ako gumamit ng aming lenggwahe dahil nasanay ako na tagalog na pananalita ang ginagamit. 

Mabilis kong sinuot ang isang puting dress at mabilis na lumabas ng kwarto. Napangiti ako ng batiin ako ng mga maids at ilang guards na nasa labas ng kwarto. Gusto ko sana magpaalam kay lolo na aalis ako dahil may kailangan akong makita sa isa sa mga mall dito. Gusto ko kasi ang limited bow and arrow doon sa mall na nakita namin noon ni kuya. 

“Greetings your majesties,” magalang na pagbati ko at yumukod. 

“Good morning dear,” ani ni daddy at agad hinalikan ang noo ko. “How’s your sleep Princess Athena?”

“It’s good, daddy!” masayang sambit ko at tinignan ang kanyang asawa. “Good morning...a-auntie.”

She ignored me.

Kinagat ko ang labi ko at ngumiti na lamang kina kuya at sa bunso namin. Huminga ako nang malalim at ngumiti kina lolo at lola at akala mo ay hindi sila nagiging matanda dahil na rin sa kanilang postura. Every time I’m here I feel like I’m not belong to this family. I feel like, hindi ako para dito. Alam ko naman na hindi nila ako tanggap lalo na ang asawa ng aking daddy. 

“Oh, wala na pong chicken breast?” malungkot na tanong ko nang makitang wala na para sa akin. 

“Our maid told me that the chicken breasts are only for the two prince.” Napatingin ako sa asawa ni daddy na nakataas ang kilay. 

Napalunok ako at napatingin kay lola na kumunot ang noo. Ayaw na ayaw niyang wala akong pagkain at napakurap ako nang tumayo si lola at agad na pumunta sa kusina kaya nakagat ko labi ko. 

“Hindi tayo kakain hangga’t walang pagkain si Athena,” sambit ni lola. 

Bumuntong hininga na lamang ako at agad na kumuha ng gulay at prutas. Alam kong bastos ako kung tatayo ako ngunit ‘yun pa rin ang ginawa ko, gulat na napatingin sa akin si daddy ngunit yumuko lamang ako para hindi nila makita ang luha na kaunti na lang ay mapupunta na sa aking pisngi.

“I’ll be back,” kalmadong sambit ko at agad na umalis dala ang plato at kutsara ko. 

At the age of 12 ay ganito palagi ang nararanasan ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang gawin sa akin ito, hindi na ako bata at lalong hindi ako bulag sa lahat ng ginagawa at sinasabi nila. Umakyat ako sa puno at agad na kumain nang tahimik. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata dahil nasasaktan ako kapag wala akong pagkain—lalo na ang paborito ko. Sabi nila, anak daw ako ni daddy sa ibang babae at palagi ko na lamang ‘yung naririnig sa iba.

Kung pwede lang akong pumunta sa Pilipinas para puntahan ang aking tunay na mama ay gagawin ko. Gusto ko rin na makasama s’ya at gusto ko rin na makilala s’ya. Nanlaki ang mata ko nang may maisip ako at mabilis akong bumaba at agad na hinanap si Benedicto, ang aking kaibigan na puting kabayo.

“Where are you going Princess Athena?” tanong ng aking kuya na nasa labas na pala ng palace. “Did you listen on what lolo said huh? You are not allowed to go somewhere without your bodyguard.”

I smirked. “Wala naman si lolo dito kaya malaya kong gagawin ang gusto ko.”

Sumakay agad ako sa aking kaibigan at malakas na natawa dahil nakita ko kung gaano kagalit ang mukha ni kuya. Pumikit ako dahil sa malamig na hangin at agad akong pumunta sa mga paborito kong lugar at sa mga lugar na nakatago dito sa Spain. Marami akong nakikita na mga tao na may kanya kanyang ginagawa, ang iba pa nga ay tinatawag ako ngunit tanging salute at ngiti lamang ang ginagawa ko. 

Ilang oras akong pumunta sa iba’t ibang lugar at hindi ko napansin na gabi na pala at kailangan ko ng umuwi. Huminga ako nang malalim at inayos ang aking mahaba na buhok. Ang sabi nila maganda raw ako at kakaiba sa mga prinsesa na nandito, ngumiti na lamang ako dahil alam kong maganda ako. Sumakay ako sa aking kaibigan at tahimik kaming pumunta sa aming bahay ngunit habang nasa daan kami ay may narinig akong isang ingay. 

“Faster,” bulong ko sa aking kaibigan at tinapik ito dahil masama ang kutob ko dahil masyadong malapit ang kung sino man sa amin. 

I screamed when Benedicto turned sideways at doon ko lamang nakita ang isang palaso na nasa kanyang gilid. Napadaing ako sa sakit dahil sa isang malaking bato ako tumama at naramdaman ko ang matinding hilo sa aking ulo. Pinilit kong buksan ang mga mata ko ngunit isang anino lamang ang nakita ko at ang kanyang itim na maskara. 

“She’s positive.” 

“Her blood is positive and ready for our experiment.” 

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung nasaan ako at bakit hindi ko magalaw ang katawan ko. I opened my eyes ngunit malabo para sa akin ang mga nakikita ko, may narinig akong kung ano at wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Masyadong mabigat ang aking katawan at pakiramdam ko ay ubos na ang aking dugo. 

“She’s awake. Check her blood and vital signs again.” Isang boses ng lalaki at babae ang narinig ko at mayamaya lamang ay naramdaman ko ang isang kamay na hinahawakan ang leeg ko. 

Nasaan ba ako? Napadaing ako nang may nararamdaman akong kuryente sa katawan ko, napapikit ako dahil parang mapupunit ang bawat ugat sa aking katawan. Nagsimula akong magwala sa sakit na nararamdaman at may nararamdaman akong nilagay sa aking braso. 

“The blood is working on her,” nakangising sambit ng isang babae. 

“She’s the perfect princess I knew. I knew for sure that these red eyes will suit her,” nakangiting sambit ng lalaki. 

Malakas akong napadaing at halos hindi ako makahinga dahil umabot na sa aking puso ang dugo. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko dahil masyadong malakas ang enerhiya na nasa aking katawan at hindi ko ito magawa na kontrolin dahil sa kakaiba nitong lakas. Mahigpit ang hawak ko sa kadena at sa isang iglap lamang ay nasa harapan na nila ako. Ramdam na ramdam ko ang kakaiba sa mga mata ko at nakita kong nanlaki ang mata nila. 

“The red eyes,” namamangha na sambit ng isang lalaki. “It’s good on her.”

Natigilan ako at napatingin sa gilid kung saan may salamin. Natigilan ako nang makita ang aking mga mata. Napatingin ako sa aking katawan dahil wala naman nagbago doon ngunit ang aking mga mata ay parang isang vampire dahil sa kulay nito. Magkahalong orange at pula ang mga mata ko at parang may apoy sa mga ‘yun, tinignan ko sila na nakayuko bilang paggalang kaya napalunok ako. 

“What did you do to me?” mahinang bulong ko at hindi ko ma-control ang katawan ko dahil pakiramdam ko may ibang tao pa sa aking katawan. 

“The Empire red eyes,” magalang na sambit nila. “We have to do that to you so you can save our country.”

What? Hindi ko maintindihan at napatingin na naman ako sa aking katawan lalo na sa mga mata ko. Bakit pula ang mga mata ko? Anong ginawa nila sa akin? Pinikit ko ang mga mata ko ngunit may naririnig ako na boses sa aking isip. Hindi ko maintindihan at hindi ko kailanman magawa na saktan ang mga taong ito. 

We can work on this Athena.” Napasinghap ako sa narinig ko sa aking isip. “I’m the demon inside you. I will follow you and you will follow me. I’ll never hurt you because you saved me but I can kill you if you betrayed me.

Napalunok ako. Naramdaman ko na naman ang hilo sa aking ulo at sa isang iglap nakita ko na lamang ang sarili ko na walang malay at nasa sahig, punong puno ng dugo at nanatili na nakadilat ang aking mga pulang mata.

Empire Series 1: The Long Lost EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon