Another day... Nakatitig lang ako sa screen ng aking laptop. I'm thinking if I should do what I always do. Napakamot pa nga ako sa ulo. Hindi naman siguro masamang gawin ang nakasanayan, right?
So I started scrolling, looking for something quite different from the others. Ganito na lang ata ang ginagawa ko. Pagkarating ko galing school, I'll be in front of my laptop, stalking him. But no, I don't consider myself as a stalker. I'm an unpaid private investigator.
Who would have thought? Simple lang naman siya dati. I just read his story at imbes na sa story ako ma-hook. Sa kaniya. And I never thought that simple infatuation could grow into something like this. Something... really special.
Suddenly, I heard a knock on my door. Sinarado ko ang laptop ko at tinakluban iyon ng kumot.
"Pasok." Niluwa ng pinto ang aking best friend, si Kyle. "Oh, ba't naparito ka?"
"Really? You've been stalking him for days at hindi ako pinapansin tapos ganyan lang?" pinitik niya ang noo ko, "Ano ba! Stop it!"
"Umaasa ka lang diyan."
Sinamaan ko siya ng tingin, "Hindi ako umaasa. Fan ako, okay?" nalaglag ang panga niya. What? Anong mali sa sinabi ko?
"You call yourself a fan? Grabe. Eh, halos hindi ka na umalis sa harap ng laptop mo para lang sa lalaking yan!"
Iyan ang laging violent reaction na nakukuha ko mula sa mga kaibigan ko. They said it's not just a plain fan thing to stalk someone. Eh, hello. Yung mga Directioner nga nagawa pang maglaslas for Zayn, that's how much they adore their idols. At sa ganitong paraan ko naman siya hangaan. I keep myself busy checking on him. Binubusog ko yung sarili ko sa katotohanan na masaya siya, successful.
Pero syempre, di mo maiiwasang masaktan. I don't know if this is normal. Whenever I see his posts about certain girls, or a night out, hindi ko maiwasang mag-isip. Paano kung mag-seryoso na siya? What if magkaroon na siya ng permanent girlfriend, one that he will love truly, would I support their relationship?
Just that simple thought draws a painful line on my chest. Yes, maybe I can't. Pero diba 'yun ang gawain ng fan? Support the idol on his decisions.
Nagpatuloy yun. Sa bawat sagot niya sa ask.fm, napapangiti niya ako. Yung simpleng 'oo' niya, bumubuo na 'yun ng araw ko. Yung kalokohan niya, kamanyakan. Hindi ko alam pero kahit may nalalaman akong hindi maganda sa kaniya, okay parin. Normal lang naman siguro to 'di ba?
Naaalala ko pa noon, nag-ask ako sa kaniya...
"Anong pangarap mo?"
Ang sagot niya, "Ikaw."
Yung puso ko nung mga oras na 'yun nag-sommersault talaga. Pero hindi lang naman ako yung sinasagot niya, eh. Siguro natuwa lang ako kasi ayun, nasama ako sa sagot niya! Ahhhh! Ako daw. Hahaha..
But then I just realized something.. bakit nga ba ako naasa?
"Alam mo. by? May kalandian na naman yung dada mo." Natatawa kong sabi sa kaniya. Todo simangot naman siya habang nakatitig sa kaniyang cellphone.
Sinubukan kong hablutin 'yun pero agad siyang naka-iwas, "Ano ba 'yang pinagkaka-abalahan mo? Hindi ka naman nakikinig."
Uminom siya sa frapp niya, "Ah, basta. Wala akong pake. Ako lang ang anak niya at ikaw ang mammy ko. Hayaan mo, my. Pagdating ng araw, makikilala niya rin tayo! Ha! Kakapalan ko na ang mukha ko at magpapakilalang anak niya! Kasi naman si Dada Sungit!"
Natawa na lang kaming dalawa sa sinabi niya. Hindi natanggal ang ngiti at sayang dulot ng idea kapag nangyari 'yun.
Dear future husband,
Alam mo I tried to find you, everywhere. Hindi ka pa nagpapakita, eh. Pero gustong-gusto kitang makilala. Kapag sinasabi mong gusto mong makilala yung perfect genetic crossmatch mo, naisip mo na bang.. ako yun?
I was never this into somebody you know. I was assured of myself. I've got a lot of guy friends, karamihan pa nga sa kanila ay gwapo. But I never liked any of them, the way I do you. Siguro kasi nacha-challenge ako. Pero if it's just a plain challenge, why do I have to hurt this way?
You said once sa isang sagot mo sakin, na hindi moko na-miss. Kahit kalian ba hindi, sungit? Sungit, alam mo we have a baby. Though hindi biological pero she kept on telling me that we're your family. She even planned something big, that when you're biggest day comes, we'll be there, on our family shirts. Magpapakilala kami sa'yo.
Sa tingin mo darating pa kaya yung time na 'yun, sungit? Would you ever recognize me as me? I feel like I've known you for a long time, though I don't. Can you tell me the same? That you know me.. and you feel the same...
I hope you know this letter exists. I may be just a fan, but for sure I'll be there. Just like your girl best friend. Your girlfriend. I'll be there.
PS. Sa BS natin este BS mo pala, nandun ako! Hahaha.
Truly yours,
Mischa ♥
BINABASA MO ANG
Dear Future Husband
Teen FictionKuwento ng dalawang dalagang nagbabaka-sakali sa mundo ng pag-ibig at pag-asa.