Chapter 31.2

3.1K 83 1
                                    

CONTINUATION

Sobrang lakas ng kabog nang puso ko habang papasok kami sa Mansion ng mga ama ng triplets. Damon behind me and holding my hand with our fingers intertwined. Nasa kanan ko naman si Hellion habang nauna na si Lucifer kasama mga anak namin na ngayon ay pinagmasdan ang bawat paligid ng Mansion. Hindi na sila nagtaka ng maraming naka men in black sa paligid katulad lang din sa Mansion ng triplets.

Mas lalo akong kinabahan ng nakita ang mga ama ng triplets sa bukana ng Mansion sa tingin koy kanina pa sila naghihintay. Nang nakalapit ay sinalubong nito ang mga anak ko masaya pa nga nilang kinarga pagkatapos bumaling ang tingin sakin. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Damon nang nakita ang malamig na titig ng mga ama nila.

" Nice to meet you again, Mina " nakangising sabi ng papa nang Triplets si Brandon. Ngumiti ako sakanya, dati ay hindi ko sila kilala ngayon ay kahit kilala kona sila ay kinakabahan pa rin ako.

" N-nice to meet you too again. Mr. Dela Vega" nauutal pa na bati ko. Narinig ko Ang halakhak ng isang kambal nito.

" Too formal Mrs. Dela Vega. Call me Dad Brandon and my twins call him Dad too " nakangising sabi ni Dad Brandon. Nauna na itong pumasok sa mansion sumunod naman yung mga anak ko. Napatingin ako sa Triplets na nakangisi na sakin ngayon. Tinaasan ko sila ng kilay.

" Mrs. Dela Vega why are you blushing? " Kinurot ko sa gilid ng beywang si Damon for teasing me. Alam kung napansin din yun ng mga ama nila ng namula ako dahil sa tinawag nila sakin. Niyakap ko silang tatlo napansin ko pa na bahagya silang nagulat.

" When you left us six years ago, baby. We tried to find you, we even hired 5 famous Detective men we have to find you.. we ask anyone connected to you for your whereabouts. But then.. your Dad is a genius sinisigurado talaga niyang hindi ka namin makikita" napasinghap ako sa sinabi ni Hellion. Ginawa nila yun? Hinanap talaga nila ako?

" Pero kahit na malayo ka..you remain in our head and hearts baby. Naghintay kami kahit walang kasigoruduhan na babalik ka pa..we long for you for those six years and now, you're here! You're here in our arms again. " Pa simple kung pinahid ang luha sa pisnge ko. Niyakap ko sila ng mahigpit

" Mahal ko kayo. Mahal na Mahal..kahit lumipas pa ang ilang taon, Hindi pa rin kayo nawala sa puso ko " naramdaman ko na ang higpit ng yakap nila sakin para bang wala na talaga silang balak na pakawalan ako. Well I don't mind being cage in theirs arms forever baka ako pa ang pinaka masayang babaeng makulong basta sila ang kasama ko.

Napalayo ako sa kanila ng narinig ang phone ko na tumunog. Tiningnan ko ang Triplets Pagkatapos ay sinagot ang tawag sa harap nila

" Hello.. Dad? " Nagtaka ako ng walang ingay na narinig sa kabilang linya nagsimulang kumabog ang puso ko. Maya maya lang ay may naririnig na akong nababasag na mga gamit. Nag papanic nako nakita ko din ang pag alala sa mukha ng Triplets.

[ " Traydor ka Miguel!! Tinuring kitang Pamilya at ito lang isusukli mo sakin! Ang traydorin kami!" ] napaigtad ako ng may narinig na putok ng baril at mas lalong kinabahan nang naputol na rin ng linya ng kabila.

" Dad! Hello Dad!... L-Lucifer please tulungan niyo ang papa ko! Nasa panganib ang papa ko! " Umiiyak na ako habang niyayakap ni Lucifer nanginginig pa na hinawakan ko ang phone ko.

Nang may huminto na Van ay dali dali kaming pumasok. Halos hindi ko na makita ang hawak na phone dahil sa namumuong luha sa mga mata ko, nanginginig pa ang mga kamay ko ng sinubukan tawagan si Wena, si Kavin at si Vlad pero cannot be reached. Hindi ko din sila ma contact. Nagpapanic nako habang wala pa ring tigil sa pag tulo ang luha ko. Niyakap naman ako ni Damon habang pinapakalma ako.

Nagmadali akong lumabas nang huminto na yung van sa harap ng bahay namin. Sa gate palang nakita ko na ang maraming patay na tauhan ni Dad hanggang sa loob ng bahay namin. Sobrang tahimik na rito.. tanging nakikita ko nalang ay ang mga bangkay ng mga tao sa paligid.

Nagmamadali akong tumakbo sa office ni Dad at tumambad sakin ang mga mesang natutumba pati narin ang mga sofa, mga flowers vase na nabasag, mga papelis ni Dad na nagkalat sa lapag. Sobrang gulo pero hindi ko nakita si Dad wala siya rito.

Lumabas ako at nagmamadaling hinahanap siya..nakita ko sa guest room si Vlad naka handusay siya sa lapag naliligo na rin siya sa sariling dugo. Madami siyang tama ng bala agad akong lumapit sakanya.

" Vlad! Vlad! Dadalhin ka namin sa ospital " nakahinga ako kahit papaano ng may tibok pa ang pulso niya. Buhay pa siya!

Napatingin ako kay Vlad ng hinawakan nito ang braso ko ng balak ko sanang tawagin ang Triplets upang humingi ng tulong. Nagkaroon pa ng dugo ang braso ko na alam kung nanggaling kay Vlad. May dugo din sa labi nito.

" S-si Tito...k-kinuha nila si Tito M-mina. Si Miguel s-siya...a-ang pumatay sa mama mo traydor sila M-mina. Anak niya din si Kavin mga t-traydor sila!" Puno ng galit na sabi ni Vlad kahit na nahihirapan na itong magsalita. Nang may pumasok at nakitang mga alagad ng triplets iyon ay dali dali nilang tinulungan si Vlad.

Ako naman ay humagulhol na habang nakaupo sa lapag dahil sa panghihina. Umiling iling ako.. tila hindi pa naproseso sa utak ko si Kavin? Si Kavin! Na pinagkatiwalan ko, si Kavin na kaibigan ko! Hindi niya magagawa yun sabihin niyong hindi! Please..Hindi niya kayang traydorin kami.

In The Arms of Dela Vega Triplets Where stories live. Discover now