Olivia's Point of View
Nasa flower farm kami ngayon na pagmamay-ari ni mama, syempre kasama si je. naglalakad kami ngayon papunta sa taniman, habang siya naman nagkwekwento tungkol sa pamilya niya.
"Ganyan talaga ang inay, dakdak ng dakdak, reklamo ng reklamo. Di siya naniniwalang may mangyayari sa mga ambisyon ko. Magagaya lang daw ako diyan kay itay." kwento niya pa, patuloy naman ako sa pagkinig sakanya habang inaayos ang bulaklak na itatanim ko.
"Eh alam mo yan si itay ih, dating gitarista yan ng banda, Nagpunta pa nga yan ng japan eh, pero yun minalas, ayaw na. dali-daling sumuko kuntento na sa pagiging minero habang buhay." Patuloy niya pa, Naupo na kami at napatingin naman ako sakaniya.
Hindi ko naman alam na ganun pala ang nangyayari sa loob ng bahay nila je. Ang akala ko kasi maayos lang sila dahil minsan naman maayos ang pakikitungo ng nanay ni je sakaniya sa mga nakikita ko, pero iba pala kapag nag aaway-away sila, bigla tuloy akong nakaramdam ng awa.
Napahinga naman ako ng malalim. "Edi ipakita mo sakanila na iba ka, magaling ka naman eh." Sabi ko sakaniya sabay subo niya sakin ng pringles.
Habang naghahakot ng lupa ay bigla akong napalingon sa mommy ko at step father ko sa labas ng flower farm.
"I'll call you up, bye."
"bye."
"bye tito."
Rinig kong sabi nila pati si katkat at naghalikan sila mommy at tito frankie sa pisngi. ewan ko ba pero masama ang loob ko sa lalaki na'yun. kulang nalang mabuhay si daddy sa hukay at siya mismo ang magpalayas sakaniya.
Nabalik lang ako sa huwisyo ng muli akong suboan ni je ng pringles sa bibig. "Uy, oh. ano ba." sabi niya sabay subo.
"Ay!" nahihiyang sabi ko pa sabay subo ng pagkain.
"Alam mo kahit kelan di ako gagaya diyan sa tatay ko. patutunayan ko sakanya na pwede akong mag-succeed bilang musician." biglang sabi ni je habang kumakain, patuloy parin ako sa ginagawa ko.
"Tapos tayo balang araw, makakakuha tayo ng recording contract, magpeperform tayo abroad!" mataas ang pangarap na sabi sakin ni je, napangiti naman ako at napatingin sakaniya.
"Sana~" Matamis ang ngiting sabi ko, natawa naman siya at pinisil ang ilong ko. "Ahh! araaay kooo." hiyaw ko.
"Anong sana? syempre matutupad yun, matutupad yooon!" ngiting sabi niya habang pisil-pisil parin ang ilong ko. "Aray kooo! haha! aray ko! kala mo ah!" natatawang hiyaw ko, pinisil ko rin ang ilong niya at di nagtagal hinawi ko ang kamay niya papalayo.
"Hahaha angsakit!" natatawang sabi ko sabay hampas sakaniya.
"Hahaha parang matatanggal na ata tong ilong ko." natatawang sabi niya din habang sumisinghot. "Ay teka lang! may surprise ako sayo." malaki ang ngiting sabi niya habang nakatalikod ako ng upo sakanya.
Napangiti naman ako ng palihim. "A-ano yun?" nahihiyang tanong ko.
"Harap ka muna sa'kin." Malambing na sabi niya, humarap naman ako sakanya at tumalikod naman siya.
"Haaay, buksan mo yung bag ko sa likod." utos niya kaya naman agad ko itong binuksan. "Hmm, hay nako" giit ko. Nang mabuksan ko ay natawa ako at nangiti dahil isang teddy bear nanaman ang binigay na surpresa niya sa'kin.
"Ano? ayan alam mo andami ko ng nabibigay sayong teddy bears ah." sabi niya dahilan upang mapawi ang ngiti sa labi ko.
"Sinusumbat mo?" Tanong ko dito.
"Hindi naman, kaya lang sinasabi ko lang sayo na MARAMI na akong nabibigay sayo na teddy bears." sagot niya pa, nakaramdam naman ako ng inis.
"Sinusumbat mo nga?" pigil ang pikon na sabi ko, napangiti naman siya. "G-ganun na nga." sabi niya, mas lalo akong nainis. "ikaw talaga!" inis na sabi ko sabay hampas sakaniya dahilan para mabuhos ang juice na iniinom niya.
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
RomansAlam mo ba yung pakiramdam na nahuhulog ka sa isang taong manhid? makasarili? at higit sa lahat hindi ka kayang makita? dahil iba ang turing sayo. Masakit hindi ba? ang makitang tumingin sa iba ang taong lubos mong pinaglilingkuran. Ang taong matag...