Messenger
FOUR BITCHES
November 2
2:16 PM
Sabina:
@Nathalie, ano ginawa mo kay Margarita?
Jusko.
Souls day ngayon, ah.
Nathalie •Wala lang.
Sabina:
Sinabunutan mo.
Nathalie •Gosh!
Hindi no.
Sinabi ko lang na ipagkakalat ko pangangabit niya sa buong campus.
Nag-message pala sa iyo?
Sinabi ko kasi na mag-sorry siya sa iyo.
Sabina:
Mukha namang hindi sincere.
Sinabi ko na bukas niya sasabihin.
At saka undas kaya ngayon.
Respeto sana.
Angel •🕯️🕯️🕯️🕯️🕯️🕯️🕯️🕯️
Ipagdasal na lang natin ang kaluluwa ni Margarita.
Vicky •
Bakit ba habol nang habol si Margarita kay Kian?
Siya naman nagkasala right?
At matagal na ba sila?
Sabina:
Medyo...
Mga 10 months yata.
Nathalie •Wow, bilang na bilang ah!
Angel:
Tas di sila open relationship. Di pa pinakilala ni Kian?
Sabina:
Hindi pa.
Nathalie •Kawawa naman.
Sabina:
Pero seryoso naman si Kian sa kanya. Nakikita ko iyon.
Nathalie •Sabagay.
Maganda naman si Margarita, eh. Mala-western ang beauty.
Sabina:
Kaya nga eh, nakakapanghina.
Nathalie •Pero ekis sa ugali HAHAHA
Pero may ugali rin naman ako. Pero di ako desperate.
Angel •
Maganda ka naman, Sabina.
Boobs lang lamang niya sa iyo pero maganda kaaaa.
Ang tagal na ninyong magkaklase ni Kian. Bigla tuloy akong na-curious kung ano ang tingin niya sa iyo.
At magkapitbahay pa kayo HAHAHAH
SAKET.
Sabina:
Siguro wala.
Hindi naman kami friends.
Palagi niya naman akong sinusungitan.
Kapag nga nanonood ako ng laro niya sa volleyball noon, naiinis siya sa akin.
Bakit pa kayo curious? Halata naman HAHAHAHA.
Vicky •Pero siya partner mo noong last prom, right?
Sabina:
Oo. Hindi ko nga alam kung bakit. May girlfriend naman siya.
Nathalie •🚩🚩🚩🚩🚩🚩🚩
Sabina:
I mean, baka napilitan lang siyang yayain ako kasi medyo gusto ng Mommy niya na magkapartner kami sa prom. Kaya nga picture kami nang picture, eh!
Anyways.
Tigilan niyo na si Margarita guys.
Nagsasayang lang kayo ng laway sa kanya.
Nabubuang na talaga ako.
Ipapahula ko na lang kaya kung sino si Andy!
Angel •#FindingAndy
BINABASA MO ANG
Stranger from Omegle (COMPLETED)
Teen FictionAfter being rejected by her long-time crush, Sabina was pushed to try Omegle, a website on which you can meet and chat with strangers out of boredom. But she never thought that boredom would be replaced by an exciting journey as she chatted with a s...