Author's Note

2.8K 89 11
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pagkatapos kong maisulat at ma-publish ang Places & Souvenirs - Ilocos around 1999-2000, na-inspire pa akong gumawa uli under that imprint

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagkatapos kong maisulat at ma-publish ang Places & Souvenirs - Ilocos around 1999-2000, na-inspire pa akong gumawa uli under that imprint. Kaya lang, para mapayagang magsulat ang isang writer, kailangang nakapunta siya mismo sa lugar na iyon. Kinilig naman ako. Feeling ko, pagkakataon ko na iyon para makapunta sa Boracay. Mayroon akong mabigat na dahilan. Kailangan ko sa pagsusulat ko. Nyahahaha!

I think it was April 29, 2001.

OMG! Today is April 29, 2022. Eksaktong 21 years na pala! Okay, let's celebrate!  


Avery, Rachel and Maia. Sila ang mga babaeng nasa likod ng Womanly. Isang kilalang pambabaeng magazine. Sa paggawa nila ng Special Summer Issue ng naturang magazine featuring Boracay Island, natagpuan din nila ang kani-kanyang pag-ibig.

Sina Avery at Jake, sa unang bahagi ng serye. Basahin po natin kung paano magkakaroon ng ikalawang pagkakataon ang pag-ibig na hindi naging ganap anim na taon na ang nakakaraan.

Sina Rachel at Andrew, sa pangalawang bahagi. Saksihan po natin kung paano iikot ang kuwento ng kanilang pag-ibig sa kusina ng iba't ibang restaurant sa Boracay.

At sina Maia at Rodrigo, sa panghuling bahagi. Sundan po natin kung paano nahamon ang kakayahan ni Maia sa misteryosong si Rodrigo Valderama.

Ella -  Ang humabol na character. Ewan ko nga ba kung bakit. Pero nung patapos na ang kuwento ni Maia, parang nangungulit ang charcater ni Ella na kailangang magkaroon din siya ng sariling kuwento.

Bahagi ang Boracay, isa sa pamosong isla sa buong mundo; tunghayan po natin ang mga kanilang kuwento.

Ang mga kuwentong ito ay naisulat noong Year 2001. Ang description ng isla ay base noong panahong iyon. Kaya wala sanang mage-react na: ay, hindi naman ganoon ang itsura ng Boracay. Ay, wala namang ganoong resto sa Boracay. I was there during that time. Umuwi ako na baon ang mga travel brochures para may reference ako sa mga detalyeng nabanggit ko sa seryeng ito.

Hope you enjoy all these four stories. Happy reading!


 Happy reading!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Places and Souvenirs - BORACAY 1 - Perfect ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon