Part 4

972 45 1
                                    

HINDI man tuwirang sumang-ayon si Avery sa sinabing iyon ni Cheska ay hindi rin niya napigil ang sariling lalong mapalapit kay Jake. Lalo pang dumalas na umiwas si Cheska sa binata at siyempre pang siya ang napipilitang humarap kay Jake. Hindi man siya ganap na kumbinsido ay pinagtatakpan niya ang Ate Cheska niya.

Hindi niya kayang isipin kung gaano ang magiging sakit kay Jake kung malalaman nito ang totoo pero naisip niyang ang kapatid niya at hindi siya ang may karapatan para maggtapat kay Jake sa panlalamig nito.

Hindi rin niya alam kung nakakahalata na si Jake sa kung anu-anong alibis niya sapagkat wala itong sinasabi o ipinahihiwatig man lang. Hindi na rin niya alam kung iisiping manhid si Jake o tanga sapagkat sa kaunting paliwanag lang ni Cheska sa mga pagkukulang nito ay hindi niya nakitaan si Jake na nag-demand man lang.

Madalas ay sila ni Jake ang magkasama. Sa palagay naman niya, hindi man niya kunin ang puwesto ni Cheska sa puso nito ay enjoy din naman si Jake na magkasama sila. Nagtatanong din ito paminsan-minsan tungkol kay Cheska pero kapag natatagalan siya sa pagsagot ay ito na rin ang kusang nag-iiba ng usapan.

pero nitong huling tatlong araw na sila ang palaging magkasama ay napuna niyang hindi rin nito binabanggit pahapyaw man ang pangalan ni Cheska.

Siya din ang naalarma. Matining sa isip niya ang offer ni Cheska at kahit na hindi siya pumayag ay tila ganoon na ang ipinalagay ng kapatid sapagkat waring sinasadya pa nitong magpagabi ng uwi. Hindi rin tinatanong man lang si Jake kahit na banggitin niyang regular pa rin ang pagdalaw nito sa bahay.

"Kumusta na kayo ni Ate?" hindi nakatiis na tanong niya kay Jake habang nasa garden sila at naglalaro ng word factory.

Dagling nag-angat ng mukha si Jake mula sa mga letter cubes. Payak itong ngumiti. "Tayo ang palaging magkasama, Avery."

Napipilan siya. "Hindi ba kayo nagkakausap kahit sa phone? K-kasi hindi rin naman ako makapagtanong kay Ate. Tulog na ako pagdating niya. Kapag papasok naman siya sa umaga, nagmamadali palagi."

"Iyun nga, lagi siyang busy. Minsan tumawag ako sa kanya, sabi ko masyado nang nabubuhos ang oras niya sa trabaho. Halos hindi na kami nagkikita. Ako pa ang napagsabihang seloso. Pati ba naman daw trabaho, pagseselosan ko. At saka para naman daw wala akong tiwala sa kanya."

Hindi sia nakakibo.

"Ngayon ko lang nakikitang malaki pala ang diprensya kapag nag-oopisina ang babae at ang lalaki ay may sariling oras."

May sariling negosyo si Jake. Isang auto parts and supply sa Banawe Street. Ang nakababata nitong kapatid ang kasama doon kaya anumang oras na gustuhing pumunta sa kanila ay ipinagkakatiwala ang tindahan sa kapatid nito.

"Para ngang ikaw pa ang girlfriend ko ngayon," magaang sabi pa ni Jake.

Nakangiti ito pero nakadama siya ng pagkailang. Gumanti siya ng ngiti para mapagtakpan ang umahong tensyon sa sarili niya. Kung ako nga ang talagang girlfriend mo, hindi kita ipagpapalit, aniya sa sarili.

"Hindi kaya bigla na lang dumating dito ang boyfirend mo? Baka bigla na lang akong suntukin, ah?" pabiro pang dugtong nito.

Places and Souvenirs - BORACAY 1 - Perfect ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon