Chapter 3

4 1 0
                                    

"What? Tapos ano ngang kinalaman ko don?!" natatawa kong tanong.

"Dr. Guzman run for the candidacy of Congressman. Siya ang doctor na nag-alaga sa'yo dati." seryosong saad ni Ate na nagpatahimik sa akin.

"She just drop the news of you having a relationship with Sydney. Nagwala si Tita Daisy sa bahay dahil sa sama ng loob." si Patrick naman ang nagsalita.

"At uuwi ang Presidente bukas upang tanungin ng personal si Sydney. I didn't know that he was fix to be married with the Vice-President's granddaughter." saad ni Ate.

"Mas lalo pang nadiin si Sydney dahil umalis ka at isinama mo pa si Mavie na sa pag-aakala nila ay anak niyo." dagdag pa ni Ate.

Nakatulala lang ako habang pinoproseso ang lahat. Galit si Ma'am Daisy. Uuwi ng Negros Occidental ang Presidente. Napabalik ko sa realidad ng makatanggap ako ng text ni Ate. Tessa.

Ate Tessa: 

I heard what happened. Kukunin ko na sa'yo si Mavie pag lalong magkagulo diyan.

to Ate Tessa:

we're fine :))

May isa pang text akong natanggap.

Lolo Miguel (Mr. President):

Umuwi kayo ng apo ko bukas dahil uuwi ako.


Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Tulog pa si Mavie sa tabi ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table to check if may mga message pa na dumating. 

Ate Tessie:

May mga media na nakaabang sa gate ng Hacienda.

Lolo Miguel:

Make sure to come home, Thriaranaya.

Ma'am Daisy:

We need to talk.

Sydney:

Where are you?


Bumangon na ako at lumabas ng kwarto. I'm staying in my own apartment. Walang nakakaalam na may property ako rito sa Dumaguete. Mahigpit din ang security dito kaya hindi nakakapasok ang ibang tao. I cooked breakfast for us ni Mavie. Wala akong planong uuwi ng Occidental. 

I open the TV at saktlong Balitang Regional iyon.

"Sydney Soriano na apo ni President Miguel Soriano, nakipagrelasyon sa anak ng kanilang magsasaka."

"Sydney Soriano na apo ni President Miguel Soriano, nabuntis ang girlfriend at hindi pinanindigan. Girlfriend, nakunan."

I close my eyes in annoyance.  Hindi lang sa inis kundi sa kaba rin. So Dr. Guzman really exposed those personal issues.

"Iyan ba ang iboboto niyo? Hindi marunong tumayo sa responsibilidad. His girlfriend is my patient. Nagka Post-Partum Depression din ang girlfriend niya." ani.

"Totoo po bang anak ng magsasaka ang babae?" tanong ng reporter.

"Yes, galing sa pamilyang pinagkakatiwalaan nila."

from Sydney:

Where are you, please. 

from Sydney:

We need to talk. How is he?

I glanced at Mavie. Kapag nakakasama ko siya ay madadamay siya sa gulo namin. Kung ibibigay ko siya kay Ate Tessa, magagalit ang presidente.

"Totoo bang si Aya Marano ang tinutukoy mong babae na nakarelasyon ni Congressman canditate Sydney Soriano?"

"Yes"

from Vance:

I didn't know na katulad ka rin sa ibang babae na kayang gawin ang lahat huwag lang mawalan ng trabaho ang buong pamilya. 

Halos mapatalon ako sa inuupuan ko ng marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng doorbell. Mas lalong halos mahimatay ako ng makitang si Lolo Miguel iyon.

"So you are just hiding in this apartment?" agad nitong tanong.

"Good morning po"

"You can't call me Lolo now? Is it because I already knew your relationship with my grandson, Sydney?" halos magtaas pa ito ng boses sa akin. Napayuko ako sa hiya. 

"Gaano katotoong nabuntis ka ng apo ko, Aya?! Si Mavie ba ang bunga? Is it Mavie the said son of your sister Tessa?" tanong nito na halos ikahagulhol ko na. 

"Nakunan ako Lo-" hindi ko na matapos nang ihampas niya ang kamay sa lamesa.

"Hanggang kailan ka magsisinungaling?" bakas sa tono niya ang pagtitimpi. "Hindi nabuntis ni Lucio si Tessa." dagdag niya pa. Right, I'm talking to a powerful man. Maraming kamay.

"Lo, I'm sorry" tanging nasagot ko lang.

"Bago namatay ang Lola Anna mo ay sinabi niya sa akin lahat." saad nito. "Tell me the truth, Aya. I care for you as my granddaughter. The father of that kid is my grandson. Is it Mavie?" tanong na tanging tango lang ang nasagot ko. 

Narinig ko ang buntong-hininga niya. 

"Nasaan ang apo ko?" tanong niya.

"Natutulog pa po sa kwarto." sagot ko. He give me this apartment as a gift when I graduated as Magna Cumlaude in Siliman University six years ago. 

"Ihanda mo ang mga gamit niyo, sasabay kayo sa akin pauwi ng Hacienda." aniya at lumabas patungong teresa.


Naghilamos muna ako bago pumasok ng kwarto. Sakto ring gising na si Mavie.

"Mama, sino po ang kausap niyo?" tanong niya.

"Nandyan si Lolo Miguel mo, sinusundo tayo."  sagot ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.

"Really po?" excited nitong sabi bago patakbong lumabas ng kwarto.

Napahinto ako sa pag-aayos ng gamit ng matanggap ko ang text ni Ate Tessie.

Ate Tessie:

Umuwi galing Cebu si Tito Peter.


Tahimik kami habang bumabyahe. Maraming pulis ang sumasabay sa sasakyan ng Presidente. Habang papalapit kami sa Manlapa ay mas lalong tumindi ang kaba ko. 

"Lolo, uuwi rin po ba si Lolo Peter?" tanong ni Mavie.

"Nasa Hacienda na si Lolo Peter mo."

"May dala po ba siyang horse?" Mavie asked again.

"Mavie." mahinahon kong saad.

"Let him be, Aya." saad ng matanda.

Nananahimik na lang ako. Randam ko pa rin ang sama ng loob ng Presidente sa akin. Galing ako sa pamilya ng mga magsasaka at katulong. Habang sila ay pinanganak ng may gintong kutsara sa bibig. 

Pagkadating ng pagkadating namin sa Hacienda ay halos hindi ako makalabas ng sasakyan. Pahirapan pa ang pagpasok lalo na't maraming media ang nag-aabang sa labas. 

"Cover your face and my apo's face" saad nito bago lumabas ng sasakyan. Buti na lang ay mag jacket si Mavie. 

"Mr. President, sino po ang kasama niyo?"

"Sila ba ang pamilya ng apo mong si Sydney Soriano?

"Sino po ang batang kasama niyo?"

"Nakunan po ba talaga ang girlfriend ni Congressman?"

Sigaw ng mga media. Halos mabingi ako sa sigawan. Masakit pa sa mata ang mga flash ng camera.

"Mabuti naman at dumating na kayo." agad na salubong ni Nanay sa amin. Hinawakan ko sa braso si Mavie. 

"Sa sala na tayo mag-uusap."  matigas na saad ni Lolo.

Tinatapunan ko minsan ng tingin si Ma'am Daisy. Minsan ay nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin o kaya kay Mavie. Ganun din si Sir Peter at Ma'am Sara.  

"Pag-uusapan natin ang isyung lumalala ngayon. Sydney." tawag ni Lolo Miguel ng pansin sa apo.

"Hindi po totoo 'yon, Lo" sagot ni Sydney.

Love Between Different WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon