Echoes of the Raindrops

1.2K 176 15
                                    

End of sorrow; Kiss of a lifetime; Bid of goodbye.

☆ ☆ ☆

I’m Shaina Grace Marquez, twenty years old and is the only girlfriend of our campus’ heartrob Lawrence Arellano.

Two years na kaming in a relationship ni Rence at masasabi kong going strong naman ang relationship naming dalawa.

Oo, may mga times na nag-aaway kami, nagkakatampuhan, pero normal lang naman ‘yon sa mga magkarelasyon. ‘Yun nga ‘yung dahilan para maging mas matatag ‘yung samahan niyo ‘di ba? And in those two years of ups and downs, look at us, still holding each other’s hands.

Aside being with Rence, I happen to be with Algel Alfaro most of the time. Si Algel ay isang nineteen year old na bully, annoying, masama at pinaka-bwisit na lalaki sa mundo, pero kahit ganyan ay bestfriend ko. Haha, hindi ko rin alam kung paano basta isang araw ay nagising na lang ako na mag-bestfriend na pala kaming dalawa.

Anyway, ngayon pala ‘yung announcement kung sinong nanalo bilang panibagong Campus Hearthrob at...

“Wah! ‘Yan na si Jepoy! Waah!”

Ha? Nakalimutan ko tuloy ‘yung sasabihin ko dahil sa sigawan.

Jepoy? Oh, that’s Algel’s nickname.

“Hi, mga babes!” sagot naman ni Algel sabay kaway pa niya sa mga kababaihan. Lihim naman akong napa-iling na lang. Pfft.

Andito ako sa tapat ng canteen habang pinapanood si Algel na feeling artistang nagmo-model sa ibaba ng stage kahit hindi naman siya sumali sa pa-contest. Basta nandu’n lang siya, agaw-atensiyon habang tinitilian ng iba. Mas marami pa yata ‘tong fans kesa sa mga contestants e.

“Shai.”

Natigil lang ‘yung pagtunganga ko kay Algel nang nakangiting bumati sakin ni Rence sabay akbay sa balikat ko. Tilian naman ‘yung mga nasa likod namin na medyo ikinahiya niya pa, pero hinawakan ko lang ‘yung kamay niya.

Bakit ko ba pinapakelaman si Jepoy e andito naman sa tabi ko ang pinaka-perpektong boyfriend sa mundo. Sino pa ba? Edi si Rence.

✄ - - -

“Oy, Ina! Ina mo, ina ko, ina nating lahat! Balitang ina mo rin!”

“Ano ba naman ‘yan!? Ayusin mo sabi ‘yung tawag mo sakin eh!” inis na singhal ko kay Jepoy isang araw ng Miyerkules. Absent ngayon si Rence e, may lagnat daw kaya ‘tong baliw na ‘to ang kasama ko maghapon.

“Gagi may kuto ka, ang lakeee!”

“Saan!? Saan!?”

“‘Yan oh! ‘Yang nasa mukha mo! Tara tirisin natin baka lumipad a!”

Napabusangot ako.

Tukoy niya po sa nunal ko sa pisngi.

Praning to a!

Dumampot nga ako ng libro at binato ‘yon sa kanya. Bag. Ayun sapul sa mukha.

Natapos ang araw na nag-aasaran lang kami ni Jepoy. Ni wala akong alam sa pasakit na dinadala ngayon ng kasintahan ko.

Echoes Of The Raindrops | One-Shot | COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon