LIFE SERIES #1
“Cheers!”
Nagtawanan silang lahat maliban sa'kin. Tinungga ko naman ang hawak kong baso at ininom ang likido na dumaloy sa 'king lalamunan. Agad kong kinuha ang tubig at ininom 'yun para mawala ang pait na dumikit sa 'king lalamunan gawa ng alak.
Napadako ang tingin ko sa LED lights na nasa uluhan ko. Nahihilo ako gawa ng papatay-patay na ilaw nito.
Kasalukuyan kami ngayon nasa karaoke, dito sa Malate, Manila. Nagyaya kase na naman 'tong si Mira dahil katatapos at kagagaling rin namin sa Araneta dahil nanood ulit kami ng Mens Volleyball, Game 2 ng UST laban sa NU at nanalo na naman ang Growling Tigers. Lahat sila nagkakasiyahan ngayon. Samantalang ako ay nag-mamaktol dito sa gilid.
“Did you kiss Lukas already, Ivana?” muling nag-sink in ang boses ni Levi sa utak ko, naalala ko na naman ang nangyari noong nakaraan, “Yes, maraming beses na,” nag-init ang mata ko habang inaalala na naman ang sinabi ng babaeng 'yun.
Agad kong pinunasan ang unang luha na dumaloy sa mata ko.
Bakit hindi ko makalimutan ang pangyayaring 'yun? Sa tuwing naaalala ko ang mga naganap sa araw na 'yun. Nasasaktan ako.
Makalipas ang nangyaring 'yun. Hindi na ako nag-abalang magpapansin pa kay Lukas. Tinigil ko na rin ang pagpapapansin sa kaniya. Umiiwas na rin ako sa kaniya sa tuwing magkikita at magkakasalubong kaming dalawa. Mas mabuti na lang 'to. Mas mabuti na umiwas na lang ako sa taong mahal ko. Dahil masakit kase kapag pinilit pa natin ang sarili natin na ipagsiksikan sa taong hindi naman tayo mahal.
Tayo lang naman ang masasaktan at hindi sila.
Tayo lang naman ang sumubok na mahalin sila na hindi nila kayang ibalik ang pagmamahal na ibinibigay natin sa kanila.
"Ayos ka lang, Krizza?" tanong sakin ni Cams na mapansin yata na kanina pa ako tulala at wala sa sarili. Ngumiti na lamang ako sa kan'ya para hindi siya mag-alala.
Inaalala ko parin ang mga narinig ko sa condo unit ni Lukas makalipas ng dalawang araw. Hindi ko parin nakakalimutan ang sakit na lubhang nakaapekto sa sarili ko. Hindi naman dapat ako makaramdam ng ganito pero hindi ko alam na naaapektuhan ako.
At ngayon araw na rin ang huling araw na dapat ay magpapapansin ako sa kan'ya. Huling araw na pinagkasunduan namin na kapag hindi pa siya nagkagusto sa'kin ay titigilan ko na ang magpapansin sa kaniya. At sa tingin ko, ito na ang tamang oras para itigil ang lahat ng nararamdaman ko sa kaniya.
Wala, eh. Hindi lang naman ako gusto ng nagugustuhan ko.
“Cheers sa mga walang jowa diyan!” Sigaw ni Mira at tumawa lang sila bago nilagok muli namin ang alak sa ikapitong pagkakataon. Nagtawanan sila at nagsigawan. Napaka-ingay, naririndi ako!
“Cheers sa mga sawi at mga hindi pinaglaban!” inirapan ko si France ng nakatingin ito sa'kin habang sinasabi niya 'yun. Nag-cheers ulit sila at ininom ang alak. Mukhang may magwawala na naman ngayong gabi.
“Krizza, galaw-galaw naman diyan, baka mastroke!” hinila ako ni Mira para tumayo at nagpaubaya na lamang ako. Sumayaw-sayaw kami sa gitna at nagtawanan sila. Hindi ako maka-sabay sa kanila dahil masiyado silang magalaw at wala ako sa mood. Bahagyang napansin pa 'yun ni Kuya Chester na nakatingin lang sa'min.
“KJ mo, gaga!” bumalik ulit ako sa pwesto ko kanina ng pagtulakan ako ni Mira. Alam naman nila na ititigil ko na ang pangungulit ko kay Lukas dahil sinabi ko sa kanila. Wala naman sila nasabi ng sinabi ko sa kanila 'yun. Basta ang payo lang nila sa'kin, pakawalan ang isang tao na hindi naman tayo kayang mahalin.
Sakit lang 'no? 'Yung hindi ka pinili ng taong minamahal mo.
Dahil hindi nila tayo mahal, ni hindi man lang tayo nagustuhan.
YOU ARE READING
Chasing the Stars (Life Series #1)
AcakLIFE SERIES #1 Krizza and Lukas has a same path for their dreams. They both took Accountancy at University of Santo Tomas - to become a successful person, they should set aside their love and focus on their goals. Different personalities but have si...