Chapter 5

5 1 0
                                    

Nasa loob ng ICU si Mavie. Nangangailangan ng downpayment ang hospital kasi private ito. Kailangan pa ng blood donor tapos hindi pa kami match. Gulong-gulo na ang isip ko. Unang taong malalapitan ko ay si Lily o kaya si Lucio. Inuna ko munang tawagan si Lily.

"Hey, gwapa." bati niya sa masayahing boses.

"Lily, pwede favor?" saad ko.

"Hoy ba't ang tamlay ng boses? Napano ka?" tanong niya.

"Who's that, babe?"

"Wala, just some random friend. Labas muna ako ha, babye." aniya. Naririnig ko pa sa kabilang linya ang pagmamadali.

"What happened, Ria? I heard the news and it all over the Philippines. Something is wrong?" agaran nitong tanong.

"Can I borrow some money?" tanong ko.

"Of course, ano ba kasing nangyari?" naasar ng tanong.

"Na dengue si Mavie. Nasa ICU. Nasa Siliman kami ngayon kasi nirefer kami nong Doctor sa Siaton." pagpapaliwanag ko.

"OMG! I'm going to send the bills. Bukas luluwas ako pa Dumaguete. Nasa Manlapa kasi ako kasi umuwi si Xyril dito." sagot nito at nagpaalam nang aalis kasi tinatawag na siya ni Xyril. 

Nang matanggap ko thru Paypal ang pera ay nagpasya akong bayaran na ng downpayment na hinihingi nila. Isang liko na sana ang gagawin ko ng makita ko si Patrick at Ma'am Sara.

"Shit!" anong ginagawa nila rito. Babalik sana ako sa dati kong nilalakaran nang makita ako sa Doctor ni Mavie.

"Ms. Marano" she called. Napapikit ako sa inis.

"uhm, po." I saw them in my peripheral vision and their staring at me.

"Mas lalong bumababa ang platelet ng bata, kinakailangan na talaga nating gawin ang platelet transfusion. Nanghihina na ang bata." pagpapaliwanag nito. 

"Excuse me, Doc." I heard Patrick's voice. 

"Oh yes, Mr. Soriano?" the Doctor asked him.

"Anong pangalan ng pasyente ni Ms. Marano?" he asked. Lintek talaga e.

"Oh, are you two related? Tatay ka nong bata?" tanong ng Doctor.

"What's his name? I'll just have to make sure." aniya.

"He's Casper Grant Mavie Marano." sagot ng Doctor. "Iyon lang iha, bukas ay kung maaari makahanap na ng donor. Nagbibleeding pa kasi ang anak mo. Bumababa rin ang platelet." dagdag nito bago umalis.

"What happened, Aya?" tanong ni Ma'am Sara.

"With all due repect po, Ma'am. Ayoko na pong manggulo sa pamilya niyo. Let just mind our own business here." mahinahon kong sabi.

"The f*ck, Aya?! Hindi kami ang kaaway mo rito. And we're not leaving this place hangga't hindi ko malalaman ang kung anong nangyari sa pamangkin ko at nasaan ang mga anak ko." lintanya ni Patrick.

Hindi na ako sumagot at pinasunod na lang sila sa ICU. Mula sa labas ay nakikita nila si Mavie na may mga apparatus pa sa katawan.

"Anong sakit ni Mavie?" tanong ni Ma'am Sara.

"Dengue." sagot ko. 

"Saan ba kayo namamalagi? Ang payat mo na, Aya even Mavie. Sina Tessie? Ang mga apo ko?" natatarantang tanong ni Ma'am Sara. "Get them now, anak." pakiusap pa nito kay Patrick. I gave them our address. 

"I'm sorry for your loss. I couldn't say it to you before kasi hindi na namin kayo naabutan sa bahay niyo. Our family is in a big mess now. Hinahanap kayo ni Sydney pero hindi niya nalaman kung saan kayo namamalagi." kwento ng Ginang.

"Ayoko na pong magkaroon ng koneksyon sa pamilya niyo." saad ko.

"Iha, even just for Mavie." pakiusap nito. Napalabi ako. I needed to make a decision where it will benefit my son. 

"Hindi ko po alam." sagot ko.

Nang dumating sila Nanay ay nagpaalam na sila Ma'am Sara. Tanging si Nanay at Tatay lang ang naiwan dito. Isinama kasi nila si Ate pauwi pero hindi muna sila uuwi ng Manlapa.

"Kumusta na ang apo ko, Aya?" tanong ni Tatay sa akin.

"Ganun pa rin po." sagot ko. 

"Gising na pala si Mavie, pasukin mo na." saad ni Tatay. Matpos masuot ang mga dapat suotin ay pumasok na ako. 

"Mama." mahinang tawag ng anak ko.

"How are you? May masakit ba?" tanong ko at hinawakan ang kamay niyang nangangayayat.

"I always see the lights po and tinatawag po ako ng baby girl. Can I see my Dada now?" saad niya na nagpabigla sa akin.

"You need to be strong tapos pag malakas ka na, pwede mo nang makita si Dada." paglalambing ko. 

"Pwede po ba tomorrow makita ko siya?" he asked again. 

"Mav." mahinang tawag ko.

"Can I, Mama?"  ulit niya. 

"Yes, baby. Promise you will never leave me? You will not leave your Mama alone?" halos pabulong ko nang tanong. 

"Yes, Mama. Promise." sagot nito sa akin. 

Madaling araw ng matransfer si Mavie sa isang private room. Mahina pa rin ito pero laking pasasalamat na at wala na siya sa ICU. 

"Matulog ka muna, anak. Kanina ka pa gising." ang sabi ni Mama sa akin. 

"Dito lang po ako sa tabi ni Mavie, Ma." sagot ko.  

Sa posisyong iyon ang nakatulugan ko. Ini expect ko na ang sakit sa likod ngunit nagising akong nakahiga na sa katabing kama ni Mavie. Ngunit dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ako ulit. Nagising ako ulit dahil sa hagikhik ni Mavie. Maingay din ang kwarto.

"Good afternoon." boses ni Sydney ang narinig ko. 

"Iiwan ba namin kayo rito? Baka naman baby #3" pang-aasar ni Lucio.

Hindi ako kumibo. Bakit andito silang lahat? Shit ka Patrick.

"Aya, may dalang Mang Inasal si Sydney kanina. Kumain ka na, ilang araw kanang di kumakain ng maayos." pambubuking pa ni Tatay.

"You're so skinny na gwapa." comment naman ni Lily. Geez why is everyone here.

"Sige na anak, kain na. Tapos nang kumain si Mavie kanina. Naasikaso na rin ang platelet transfusion kanina." saad ni Nanay.

"Anong oras na ba?" tanong ko. 

"Oras na para patawarin mo ang kapatid ko." natatawang sagot ni Lucio.

"Isa pa, Lucio. Tatamaan ka sa akin." pagbabanta ko.

"It's already 3:40 PM." sagot ni Sydney. 

Nagpasya muna akong lumabas pagkatapos kumain. Sumunod rin si Sydney kaya naglakad ako palabas ng hospital. 

"Can we talk?" tanong niya.

"Huwag dito." sagot ko. 

Iginiya niya ako patungong parking lot. Nang makapasok ng kotse ay nagdrive siya patungog boulevard at doon na piniling makipag-usap.


Love Between Different WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon