2.) In Love with Your Photograph

330 20 2
                                    

Sa bayan ng San Antonio, nakatira ang pamilya ni Maria Dela Cruz. May dalawang ektarya silang lupain na sinasaka. Nag-iisa siyang anak na babae at pangalawa sa tatlong magkakapatid. Dalawampu't limang taong gulang at nakapagtapos ng kursong Tourism na ngayon ay nagtatrabaho bilang tourist guide sa kanilang lugar.

Katatapos lang ng long weekend at balik trabaho si Maria.

"Good morning!" Masaya niyang bati sa mga katrabaho pagpasok sa opisina.

"Good morning Maria! Blooming na blooming ka ah!" Nakangiting bati ni Sir Paolo, isa sa kanyang mga katrabaho at kanilang team leader.

"Ganyan talaga Sir kapag maganda laging blooming, 'di ba Guray?" Biro niya sa matalik na kaibigan. Abala ito sa pagpopost ng mga larawan sa kanilang social media account. Nakakatulong iyon para madiskubre ang turismo sa kanilang bayan.

"Tama! Kaya bestfriend tayo e!" Nagbigay pa ito ng thumbs up kahit abala sa ginagawa.

"O, sya! Balik na sa trabaho." Sambit ni Sir Paolo sa kanila. "And Maria, hindi ko makakalimutang late ka ngayon."

Napangiwi naman si Maria. Akala niya nakalusot na siya, hindi pa rin pala. Pahamak kasi ang kanyang alarm clock, hindi tumunog. Ayan tuloy, may bawas na naman sa kanyang sweldo. Hindi bale, gagalingan na lang niya mamaya. Baka makabawi siya sa ratings ng mga turista. Kapag kasi perfect ang rate sa isang tour guide, may bonus agad 'yon. Kaya gagalingan niya mamaya.

Alas nuebe ng umaga, nakahanda na si Maria at kanyang mga kasama. Marami ang nagbook ngayon dahil summer season na. Nakatayo sila sa bukana ng San Antonio para salubungin ang mga darating na turista. Na sa unahan naman nila si Sir Paolo upang ibigay sa kanila ang assign group at mga paalala.

"Limang grupo ang maghahati-hati sa darating na one fifty tourists ngayon. Hindi sila magkakasama kaya aasahan kong maging maayos ang tatlong araw nilang tour dito. Iwasan ninyong magkaroon ng kaguluhan sa inyong grupo maliwanag?"

"Yes, Sir!" Sabay-sabay nilang sagot.

"Good. Ito ang magiging tourist members nyo." Iniabot nito ang listahan ng mga turista. "Ayusin nyo ang nametag nyo para malinaw nilang makita ang assign tour guide nila."

Sinunod nila ang sinabi ni Sir Paolo. Kasama na ang pangalan ng tour guide sa booking confirmation ng isang tourist, kaya ang gagawin na lang nila ay kumpletohin ang grupo.

Hindi naman nagtagal ay sunod-sunod ng dumating ang mga hinihintay nila. Nagkaroon lang ng konting seremonyas sa loob ng hall bago simulan ng tour guide ang kanilang trabaho.

"Good morning our beloved tourists! Welcome to San Antonio. My name is Maria Dela Cruz and I am your tour guide for today. I promise that you won't be lonely when I'm with you." Masigla niyang sabi sa kanyang grupo kasabay ng isang kindat. Mukhang effective naman ang ipinakita niyang kasiglahan. Nakangiti kasi ang lahat sa kanya. "Ladies and Gentlemen, please get your name tags here kapag sinambit ko po ang pangalan nyo. This is for your attendance. Baka kasi may maiwan tapos hindi naman babalikan, ang sakit n'on bes!" Biro niya na nagpapatawa sa mga turista.

"Mas masakit 'yung kasama pero iba ang kinama!" Ganti naman ng isang babae, mukhang may pinagdadaanan si Ateng.

"Naku sis! Ang sagot diyan, itapon ang kama para sa sahig na lang!" Muling nagtawanan ang mga turista sa biro niya. Kahit iyong babae na nagsalita ay tumawa rin. "Okay, enough na ang tawa. Baka kabagan tayo rito," kahit pinapatigil na niya ang mga ito, may ilan pa ring natawa sa kanya. Hindi naman siya mukhang clown e, ang ganda kaya niya!

"Miss Lovely!" Simula niya sa pagtatawag ng pangalan. Lumapit naman sa kanya ang babaeng sumagot kanina. Nakangiti nitong kinuha ang nametag na inihanda ng management.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon