Kabanata 217:
PapaHalos bulagin ako nang mga ilaw na sumalubong sa amin pagkalabas ng underground arena. Sumunod ay narinig ko na lang ang singhapan sa gulat at ilang bulungan. Sumalubong sa amin ang iba pang medical personnel. Rinig ko rin ang sirena ng sasakyan ng pulis na mukhang kakarating lang at ang sirena ng ambulansiya na papaalis na, sakay sakay ang ibang last section na napuruhan.
I feel like I escaped a tunnel of hell when I step on the ground again.
Halos mahilo ako sa mga ilaw na nakatutok sa abandonadong dorm. May ilang awtoridad na nag-aabang roon sa mga papalabas.
Sila rin ang sumalubong sa amin. Hindi ko halos marinig ang mga sinasabi dahil sa ingay hindi kalayuan. Maraming tao na nakikiusyuso sa kung ano ang nangyayari.
May lumapit sa aking lalaki na nakauniporme na pang nurse.
"Ayos lang kayo, Ma'am? Gagamutin ko po kayo, dito po tayo." iginiya sa akin ng lalaki ang daan pero umiling ako sa kanya. Papunta sila Kuwai sa kabilang direksiyon, sa ambulansiya na handa nang umalis at hindi ako puwedeng humiwalay sa kanila.
"Ayos lang ako." saad ko. Mabilis siyang nilagpasan para hindi ako mahuli. May ilan pang lumapit sa akin, pati na rin ang mga pulis pero ginalaw ko ang kamay para hawiin sila sa harap ko. May ilan pang mga admin at teacher sa school na sinubukan akong kausapin.
"Totoo ba na parte si Agape ng nangyayaring ito, Raiven?"
"Naaresto na siya at makukulong."
"Raiven, sino pa ang nasa baba? Kamusta ka hija?" hindi ko na sila nasagot. I just walk passed them. Si Sir Nixson ang kumausap sa kanila dahil nasa likod ko siya.
"Oo, kasabwat si Sir Agape sa lahat ng ito. Isa siya sa mga utak sa pagdukot kay Raiven. Mamaya na namin sasagutin ang iba pang katanongan, isa sa mga estudyante ko ang kailangan nang masugod sa hospital." ani Sir Nixson at mabilis niyang nilagpasan na rin ang kapwa guro. Hinawakan niya ang balikat ko at iginiya na sa ambulansiya.
Hindi ko magawang buksan ang bibig, pakiramdam ko lumipad ang tinig ko kung saan.
Ang laman ng utak ko ay tungkol sa kalagayan at kondisyon ni Pierce. Kailangan na masugod na agad siya sa hospital.
Marami rin akong sugat sa katawan pero hindi ko iyon iniinda at bahagya pang lutang ang isip. Buhat pa rin nila Levin at Kuwai si Pierce na wala ng malay.
Dumudugo ang tagiliran niya at napag-alaman namin na nadaplisan siya ng bala ng baril sa pagpapaputok ni Kuya Roel kanina. His shot trigger his body to shutdown. Iyon na ang huling tama na hindi niya kinaya kaya nawalan na ng malay.
"Sandali, riyan lang kayo! Umuwi na nga kayo! Bawal kayong lumagpas sa linya!" saway ng isang pulis na pumipigil sa mga residente na nagpupumilit makiusyuso. Pinagtitinginan ako ng mga iyon.
Nagkakagulo sila, nagbubulungan nang makita kaming lumabas nila Kuwai. Bumagsak ang tingin nila kay Pierce na walang malay at duguan.
"Jusko kawawa naman 'yon!"
"Totoo nga iyong usap-usapan na meron daw underground riyan!"
"Kaya di ko pinaaral anak ko dito kasi may fraternity raw." bulong bulungan nila.
Sir Nixson sigh and shook his head.
"Umuwi na kayo!" saway muli ng pulis dahil mas lalo silang rumarami. I don't know that the school were open to let the residents enter. O dahil siguro sa dami ng mga ambulansiya at sasakyan ng awtoridad na pumapasok ay naiwang nakabukas ang gate ngayon, at napabayaan na sila.
BINABASA MO ANG
Ruling The Last Section (Season 3- Final)
General FictionRenesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in her heart and still in the process of healing through the last section's arms, but the wound was start...