Prologue

8 0 0
                                    

Callie's POV






"Bilisan mo, malalate ka na sa entrance exam mo!" 




Nagmadali akong nagsuot ng sapatos matapos akong sigawan ni mama mula sa labas ng kwarto. Today is my first entrance exam sa UP and I am hoping na makapasa rito. This is not my dream school pero kailangan ko pa rin pumasa. That's the downside of being an honor student. The pressure is suffocating me that I have no other choice but to climb up and never fall down because once I fall, many people will get disappointed. Parents, teachers, relatives, some friends, and especially myself. So I really have to do my best for this entrance exam.




"Dadaanan tayo ng sasakyan nina Yasmin kaya magmadali ka riyan kung ayaw mong maiwan." 




Napasimangot ako dahil ang aga-aga ay naninigaw na naman si mama. I looked at my wrist watch. May isa't kalahating oras pa. Mabilis lang naman ang biyahe papunta sa UP, masyadong oa lang talaga si mama minsan.




Maya-maya ay nakarinig na kami ng busina mula sa labas ng bahay namin. Kinuha ko na ang bag ko at sumakay na sa kotse nina Yasmin, my best friend since grade 5. Sabay kaming kukuha ng entrance exam dahil gusto namin na same ulit kami ng school na papasukan namin sa high school.




Pagkarating namin sa UP, namangha ako sa sobrang lawak noon. It's so fascinating to see such a huge campus. Sobrang liit lang ng school namin at masasabi kong magkakasya ang buong school namin dito pa lang sa grounds ng UP. Ang fresh pa ng hangin since maraming mga puno. Pumasok na kami ni Yasmin sa classroom na assigned sa amin. Natanaw namin sa gilid ang iba naming classmate. Isa na roon si Jayce na ka-mu ko. I waved my hands and smiled at them. 




I sat down near the window. One seat apart ang sitting arrangement kaya malayo kami sa isa't-isa pero near enough para marinig ko ang boses nila. Nasa kanan ko si Yasmin while the rest of our classmates ay nasa likod namin and malayo sa amin since mas nauna silang dumating.




Wala akong ibang kilala dito sa room na ito except for my classmates. They're the only ones na pwede kong makausap pero ang lalayo nila. On both sides of the classroom, may dalawang malaking aircon. Which is why the room is so cold; it makes me shiver and increases my anxiety.




Bumukas ulit ang pinto at pumasok doon ang isang group ng mga students mula sa ibang school. I'm familiar with one of them, Ryle. He was our classmate when we were in kindergarten. Dumaan sila sa harap namin. I was shocked when Ryle sat beside me. Maybe because iyon na lang ang natitirang vacant seat. Nasa kaliwa ko siya at katabi niya ang bintana. Nasa harap naman namin ang mga kaklase niya.




Tumingin ako kay Ryle para sana batiin siya pero umiwas lang siya ng tingin at nagpretend na hindi ako kilala. That witch. Parang walang pinagsamahan ha. Palagi ko siyang nakakalaban sa math competetions noon, representative siya ng school nila at ganoon din ako. Sa bawat competetions na nakakalaban ko siya, wala ni isang beses na binati niya ako. Palagi niyang kinakausap yung guy na nasa unahan niya. I guess best friend niya. 




Dumating na ang professor. Ipinaliwanag na niya ang rules ng exam. They distributed the papers at nagsimula nang mag timer, sign na start na ang exam. Shit. Ang hirap ng mga tanong! Nag-aral naman ako pero bakit naman wala sa mga pinag-aralan ko yung mga questions? I looked around to see how others are doing. May iba na nakakunot ang noo, some are chill, others look confident with their answers, while yung iba ay parang susuko na. Tumingin ako sa kaliwa ko at nagka eye contact kami ni Ryle. Tinakluban niya ang papel niya the moment na magtama ang tingin namin. What the? Akala niya naman kokopyahan ko siya, duh. Napailing na lang ako at nag focus ulit sa pagsasagot.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon