Dumilim ang paligid
May tumawag sa pangalan ko
Labing isang palapag
Tinanong kung okey lang ako
Naglalakad ako sa loob ng National Museum of Fine Arts ng tumugtog ang kanta ng isa sa mga paboritong kong kanta ng Eraserhead at yung ang spoliarium. Pagkakataon nga namang huminto rin ako sa painting ni Juan Luna na spoliarium din ang pamagat. Isa akong estudyante ng Senior High School. Estudyanteng hindi pa alam ang patutunguhan sa buhay sa makatuwid walanv plano. Nakakatuwang isipin na umabot ako sa ganitong antas ngunit hindi ko pa din alam kung saang daan ko iyayapak ang aking mga paa. Ang hirap kasing mabuhay sa lipunang animo'y parang nasa loob ka ng spoliarium, may mga taong nakapaligid at nanonood lang mayroon pang mga klase ng taong maraming komento at huhusgahan ka habang ikaw ay paulit-ulit na hinahamon at sinasaktan ng buhay.
Sabay abot ng baso
May naghihintay
At bakit ba 'pag nagsawa na ako
Biglang ayoko na
Habang pinagmamasadan ko ito ay naihahalintulad ko ang aking sarili at uri ng aking pamumuhay sa kanta at maging sa painting. Paulit-ulit na dumadaan sa isang mahabang proseso upang makamit ang aking minimithi ng walang katiyakan sa magiging kinabukasan na para akong dinadarag papunta sa isang lugar na hindi ko alam ang aking kahahantungan. Para akong isang kuting na niwala ni kapalaran at hindi alam kung saan ang tamang daan patungo sa magandang bukas.
At ngayon
Di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo
Lumiwanag ang buwan
San Juan
Di ko na nasasakyan
Ang lahat ng bagay ay
Gumuguhit na lang
Sa 'king lalamunan
Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung... Tama pa ba ito? Masaya pa ba ako? O gingagawa ko lang ito dahil nakasanayan ko na. Para akong sirang plakang paulit-ulit na tinatanong ito sa aking sarili. Nakakapagod din pala. Nakakapagod na sa bawat hakbang na aking dadaanin ay may mga batong magiging dahilan ng aking pagkakatisod, mga sirang daan na magiging dahilan upang ako'y masugatan.
Ewan mo at ewan natin
Sinong may pakana
At bakit ba
Tumilapon ang
Gintong alak diyan sa paligid mo
Ganito nga ba talaga dapat tumakbo ang buhay natin o naging ganito lang dahil sa mga desisyong aking pinili at pipiliin pa.
At ngayon
Di pa rin alam
Kung ba't tayo nandito
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo oh
Umiyak ang umaga
Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan
Sa pintong salamin
Di ko na mabasa
Pagkat merong nagbura ah
Ah ah ah
Sarkastiko akong ngumiti habang sinasabayan ang bawat liriko ng kanta, "Ewan mo at ewan natin, Sinong nagpakana at bakit ba tumilapon ang spoliarium, Diyan sa paligid mo oh, At ngayon di pa rin alam, Kung ba't tayo nandito puwede bang itigil muna ang pag-ikot ng mundo".
Tama nga naman sinasabi ng kanta sino nga ba ang may pakana ng lahat ng ito? Bakit nga ba ako nandito? Ang paulit-ulit lang at nakakasawang pag-ikot ng mundo kailan ba hihinto?o hihinto pa nga ba?
Napabalik ako sa realidad nang tawagin na kami ng aming guro para lumabas ng museo at pumunta sa susunod namin destinasyon.
Habang papalabas ako ng museo isang kataga lang ang aking nasa isipan.
Ang buhay ay isang spoliarium, para kang alipin na kailangang gawin ang lahat para mabigyan mo ng satisfaction ang mga taong nakapaligid sa'yo na kahit paulit-ulit lang ang mundong ginagalawan mo ay kailangan mo pa ring manatiling matatag upang hindi ka hilahin at itapon palabas dito hanggang sa ikaw na lang mismo ang magmamaka-awa at kusang susuko.
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo
Puwede bang itigil muna
Ang pag-ikot ng mundo
Ang pag-ikot ng mundo