Chapter 18

1K 36 0
                                    

KERK

Pinupunasan ko si Terra ng malamig na towel at pagkatapos ay itinabi ko na ito. Kinuha ko naman ang cellphone ko at nagpatugtog.

"I'M GONNA SWING FROM THE CHANDELIER, FROM THE CHANDELIER

I'M GONNA LIVE LIKE TOMORROW DOESN'T EXIST

LIKE IT DOESN'T EXIST

I'M GONNA FLY LIKE A BIRD THROUGH THE NIGHT, FEEL MY TEARS AS THEY DRY

I'M GONNA SWING FROM THE CHANDELIER, FROM THE CHANDELIER.."

Kinuha ko ang tambo at nilinis ang buong kwarto. Para naman matuwa si Terra sakin. Habang naglilinis ako ay sumasabay ako sa pagkanta at ginawa kong mike ang tambo. Pagkatapos kong magwalis, bintana naman ang sunod kong pinunasan. Sumasabay pa rin ako sa kanta.

Pagkatapos kong linisin ang buong kwarto. Bumagsak ako sa sofa dahil sa pagod. Siguro kung gising si Terra, may katulong ako sa paglilinis dito. Hay. Tatayo na sana ako nang magulat ako sa lalaking bigla-bigla nalang papasok. Nilibot niya ang kanyang tingin sa buong kwarto.

"Dapat lang na maglinis ka. Ayokong nadadapuan ng alikabok si Terra dahil noong kami pa, hindi ko siya pinadadapuan ng dumi."

NOON yun! Hindi ngayon. Speaking of EX! Ano bang nagustuhan ni Terra diyan? Paka pangit naman ng ugali! Siguro ang mga sulat na pinapadala niyan, may gayuma kaya nahulog sa kanya si Terra. Psh!

"Ako ang magbabantay sa kanya ngayong araw. Umuwi kana." Junn

"At paano kung hindi ako pumayag?" Sagot ko

"E di tayong dalawa ang magbabantay. Kung kaya mong makita ako buong magdamag." Sagot niya

Pakayabang mo.

"Hindi ako uuwi. At ano pating karapatan mo para bantayan siya?"

"Kerk, mas mabuti pa ngang umalis kana kasi hindi ka naman niya maaalala. Kapag nagising siya, magiging kami ulit. Kukunin ko na siya sayo tutal hindi mo naman siya inaalagaan ng maayos. Pinapabayaan mo siya."

Sa inis ko. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kwelyo.

"Nagagalit ka dahil totoo? Ha, kaya siya nagkaganyan dahil pinabayaan mo. Hindi ka nararapat sa kanya."

Binigyan ko siya ng isang malakas na suntok. Napaupo siya at pumutok ang kanyang labi.

"Kahit ano pang sabihin mo, hindi mo siya makukuha sakin." Nangigigil kong sabi

"Tingnan lang natin.." sagot niya.

Lumabas na ako ng kwarto at baka ko pa mapatay ang mayabang na 'yun. Akala niya papayag akong makuha niya si Terra. Magkakamatayan muna kami bago niya makuha ang taong mahal ko.

Naupo ako sa bench na nagkalat sa labas ng ospital. Sinipa ko ang batong nakaharang sa daan. Ang sarap paulit-uliting bangasan ang kanyang mukha.

"Kerk.." napatingin ako kay nancy na kadarating lang. Umupo siya sa tabi.

"Nanggaling ako sa labas may binili akong gamot. Nakita kitang nandito kaya pinuntahan kita. Bakit parang mainit ang ulo mo?" Tanong niya

"May dumating na taong hindi kaaya-aya ang mukha." Sagot ko. Hindi pa rin nawawala ang inis ko.

"Sayo na nga lang itong binili ko. Para naman lumamig ang atmosphere." Iniabot niya sakin ang juice. Kinuha ko naman ito at ininom.

"Sino ba ang kinaiinisan mo?" Tanong niya

"Ex boyfriend ni Terra." Nagulat si Nancy sa isinaad ko.

"Bakit?"

"Wala. Sige. Mauna na ako. Kailangan na ang gamot na ipinabibili ni lola." Sagot niya at nagtatakbo patungo sa hospital.

Aish! Badtrip talaga ang Junn na 'yan. Balak pa talagang bantayan si Terra magdamag. Aish! Then I'll make his whole night regretting!

Few hours later..

Pagkabukas ko ng pinto. Naabutan kong nakaupo si Junn sa tabi niya habang hawak-hawak ang kamay ni Terra. Nang magtama ang paningin namin ay sinamaan ko lang siya ng tingin. Umupo ako sa couch at nahiga habang naka earphone. Ayokong marinig ang walang kwenta niyang sinasabi. Ipinikit ko ang mata ko. At hindi ko alam nakatulog ako ng mahabang oras.

Paggising ko ay wala na siya. Buti naman at kung hindi. Mapapatay ko talaga siya. Ako naman ang naupo sa pinag-uupuan niya kanina at napansin ko ang note na nakalagay sa pader.

Ayos ah. Paano napunta sayo ang mga sulat namin? Siguro, namamatay ka sa inggit habang binabasa mo ang mga 'yan.

Kinuha ko 'yun at ginuyumos at pinashoot sa trashcan. Napasabunot ako sa aking buhok. Dammit!

+++++++++++

The Last Day of Summer [SMTS Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon