Pasko na naman pala. Hindi ko namamalayan ang takbo ng panahon. Parang lumipas ang isang taon ng walang nangyari. Tsktsk. Hayy. Makikinig na nga lang ako sa homily ni Father.
“The essence of Christmas is the birth of Jesus. Pero siyempre, hindi din naman kompleto yan kung walang mga regalo, noche buena, yung ganito simbang gabi. Masaya ang mga tao pag Pasko. Ang panahon na ito ay para rin sa mga taong nagmamahalan. Oh mga single jan, wag na kayong bitter.”
HAHAHA. Patawa talaga tong pari na to. Nakakaexcite tuloy makinig sa Homily niya. Kaso nakakahiya namang tumawa ng malakas kasi mag isa ko lang, tapos tong katabi ko. Mamaya turn off to. XD gaya ng mga usual na nangyayari tuwwing simabang gabi, nakatabi ko rin tong crush ko. Siyempre, kinikilig ako. Pero hindi ko lang pinahalata. Mamaya niyan, sabihin nila ang pinunta ko dito, para maglandi.
Maya maya..
“Let us pray like what Jesus taught us.”
At nag umpisang tumugtog yung choir. Ibig sabihin, Our Father na. Itinaas ko ang dalawang kamay ko, below shoulder level. Nagumpisa na ang kanta ng may biglang humawak sa kamay ko. Nanigas ako sa pwesto ko..
O///////////////////////////////////O
Hinawakan ni John yung kamay ko. HINAWAKAN NIYA. HINAWAKAN NIYYYYYYYYYYAAAAA. WHOOOO! Okay OA na. Malamang, hahawakan niya talaga yan. Ako yung katabi niya, at Our Father kasi. Ako naman tong si kinilig agad. Suuus.
Natapos na yung Our Father at bumitiw na rin siya sa kamay ko. Awww. Isa pa, ulitin natin. Ayyyyy. Yna, enough. Landi landi mo, nasa loob ka ng simbahan. Mamaya ka na lumandi pag nasa labas ka na. :D
Nakinig na ako kay Father. Maya maya..
“Let us offer each other the sign of peace.”
Nagbow naman ako paharap at di na nagbow pa tagilid. Gawain ko yun pag wala akong kasama. Kasi, sinong ipepea.. Wait up. Katabi ko nga pala yung crush ko. Makapag peace be with you nga.
Tumagilid ako at yinuko yung ulo ko ng konti as a sign nug peace be with you.