KERRA
I was leaning on the back of Edward while reading "What's in your heart by Ines Bautista" we were in the park just a few hours ago. Mukhang tulog na nga ang katabi ko.
"Edward.." tawag ko pero hindi siya sumasagot. Tulog na nga. Inayos ko ang posisyon namin. Ipinatong ko ang ulo niya sa hita atsaka ipinagpatuloy ang pagbabasa.
Nang matapos kong basahin ang libro. Tulog pa rin siya. Hmm. Para naman may magawa ay tinitigan ko nalang siya. Pinadulas ko ang hintuturo ko sa kanyang matangos na ilong patungo sa labi. Gwapo din naman pala ang best friend ko. Nagtataka ako kung bakit wala siyang kinukwentong babae sakin. Huminga ako ng malalim. Natigil ang pagkutingting ko sa kanya ng maistuck ang tingin ko sa papadaan na lalaki. OMG! Si kerk my crush my love so sweet! Nakakalaglag panty talaga ang kagwapuhan niya. Para akong nasa paraiso kapag tititingnan siya. Grabe! Nawala ang ngiti ko ng maalala ko ang nangyari noong isang hapon. Yung nadapa ako sa harap niya. Pinakamalas na araw sa tanan ng buhay ko!
Imbis na lumapit ay itinungo ko ang aking ulo at tumago sa aking buhok. Nakakahiya talaga. Okay ng matalo ako sa competition e ang madapa sa harap ng crush mo? Pinaka worst day.
Nagulat ako dahil hindi ko alam sobrang lapit pala na ng mukha ko kay edward kaya bigla ko siyang naitulak at saktong kadadaan pa ni Kerk kaya nabanggaan siya ni Edward. Malas talaga.
"Sila na naman. Ts!" Dinig kong sabi niya at pinagpatuloy na ang paglalakad.
"Kung gusto mo akong halikan. Sabihin mo lang. Igagrant ko naman agad 'yun e. Hindi 'yung may patago-tago ka pa sa buhok."
Ano daw? Ang kapal ng mukha.
"Hoy, for your information hindi kita hahalikan! Nagtatago ako sa buhok ko kasi dadaan si kerk! Never in your wildest dream na hahalikan kita! Kapal neto.."
"Bakit? Gusto mo Kerra magfrench kiss tayo?"
Ha! Baliw talaga ito.
"Smack gusto mo?" Dagdag pa niya
"Sapak?" Tanong ko at hinayaan siya ng suntok. Natigil na siya sa pang-aasar.
"Nagugutom na ako. Kumain na tayo." Sabi niya at hinigit ako patungo sa pinakamalapit na restaurant.
Ayoko sa lahat ay adobong manok! 'Yun ang inorder niya. Pano ako makakakain nyan? Hay naman.
"Bakit hindi ka kumakain?" Tanong niya habang maraming pagkain ang bibig. Ang walang galang nito. Sabi nga ng mga teacher wag magsasalita ng puno ang bibig. Parang walang natutunan.
"Hindi ako kumakain ng adobong manok."
"Alam ko."
"Bakit nagtanong ka pa?"
"Wala lang. May masabi lang." Lakas talaga ng sapak sa utak ni Edward. Pero okay lang kahit hindi ako kumain. Busog pa naman ako. 100 percent na ang energy ko kasi nakita ko si crush.
"Bukas, tuturuan na kita magsurfing. Sa subic tayo pupunta. Agahan mo hah." Sabi ni Edward
"Kailangan may kasama tayong matanda..anong malay natin sa subic?" Tanong ko
"Wala naman akong sinabing tayong dalawa lang. Kasama natin si Ate monica, siya ay ininvite na magluluto sa hotel doon. Masyado daw maraming turista kaya nakulangan sa chef. Pero..gusto mo tayong dalawa nalang?"
Natawa ako sa sinabi niya with matching puppy eyes pa. Kinuha ko ang basong may lamang tubig na pinag iinuman ko at ipinukpok sa ulo niya.
Napatingin ako sa pintuan. Kilala niyo na ang taong kapapasok lang. My god. Natataranta na naman ako.
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover