Stranger from Omegle 1

4.2K 205 94
                                    

SABINA VILLAROEL

"Anak, saan ka pupunta?"

Natigilan ako sa paglalakad palabas ng bahay nang nakita ko si Mama na natigilan sa pagdidilig ng kanyang halaman. Kita ko sa kanyang mga mata ang disgusto.

Binaba niya ang hose na dala niya at sinara ang faucet. "At saan ka pupunta? Hapon na, ah?"

Tumikhim ako at inayos ang tote bag na dala ko. "May pupuntahan lang kami ng friends ko, Ma."

Nanliit ang kanyang mata. "Nagsasabi ka ba ng totoo?"

Napalunok ako at kinabahan bigla. Umiling siya sa akin at humalukipkip.

"Alam mo ba na birthday ni Kian ngayon?" tanong niya.

"Alam ko po," sagot ko. "Pero kayo na lang po ang pupunta, Ma."

"At bakit?" Pinasadahan niya ako ng tingin. "At ganyan pa talaga suot mo?"

Tiningnan ko ang sarili kong suot. I am wearing a black jumpsuit. Nakalugay lang ang buhok kong maikli at tanging lip tint lang ang nilagay ko sa labi ko.

"Ma!" Ngumuso ako. "Paalisin niyo na ako. Pinakain ko na mga pusa ko at nagpaalam naman ako kay Papa."

Bumuntonghininga siya. "Sige, sige, lumayas ka na. Tatanungin ko mga kaibigan mo, ah!"

Namilog ang mata ko ngunit hindi ko pinahalata. Magagawan ko naman siguro iyan ng paraan. Ang mahalaga ay ang makaalis at makikita ko na ang totoong Andy.

°°°

"Ang tagal mo!" reklamo ko nang nakita ang bihis na bihis na si Andy. Well, bihis na bihis naman talaga siya na tao.

He smirked. "Pogi na ba?"

Inirapan ko siya. "Sakto lang."

Ngumuso siya at ngumisi kalaunan. "Number, ah!" paalala niya. "Ni Vicky."

Tamad akong tumango. "Oo na. Oo na. Wait lang. Samahan mo lang ako, okay?"

Tumango siya at inayos na ang sombrero. Nandito na kami sa may street, naghihintay na kami ng taxi.

Ang totoo ay kinakabahan ako at mas lalo lang akong kinakabahan lalo na nang nalaman ko ang hula ni Vicky.

She said na si Kian ang tunay na Andy. At sa totoo lang din, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung totoo na si Kian nga.

Sobrang layo niya sa Andy na ka-chat ko. Kahit sabihin na nating kaunting panahon lang ang interaksyon namin, walang-wala siya kay Andy from Omegle.

Parang iba siyang tao.

Kumuyom ang kamao ko.

I need confirmation. Ayokong mag-assume kasi hindi ko talaga alam. Hindi ako ready kung siya nga.

Natauhan lang ako nang hinawakan ni Andy ang palapulsuhan ko. Nagulat ako at napatingin sa kanya.

He smiled. "Tulala ka na naman. Huwag ka na matulala. Hindi tayo makasasakay ng taxi niyan." Binitiwan niya ang palapulsuhan ko at pumara ng taxi.

Birthday ngayon ni Kian. There's no way na siya si Andy. Nasa resort sila ngayon, nagdiriwang sa ika 19th birthday niya.

Simula nang namulat ako na gusto ko siya, hindi na ako um-absent sa birthday niya taon-taon. Kahit ang kapatid niya lang at pamilya ang nag-imbita sa akin, masaya na akong makita siyang masaya sa birthday niya.

Gusto ko tuloy maibalik ang panahon. Yung simpleng pagkagusto lang ang nararamdaman ko. Kahit sinusungitan niya ako, kinikilig na ako.

Ngayong nadagdagan na ang edad namin, umiba na rin ang pag-ikot ng mga mundo namin. Nasaktan ako noong nalaman ko na nagka-girlfriend siya. Pero kahit ganoon, crush ko pa rin siya.

Stranger from Omegle (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon