KERRA
Natigil ako sa pagkain ng cheeze curls nang tumabi sa akin si kuya sa couch. Kagagaling niya lang sa trabaho. Hindi man lang nagpalit bago ako kausapin. Siguro, napakaimportante ng pag-uusapan namin.
"Kerra..wag ka ng lalapit sa lalaki na 'yun." Panimula ni kuya
"Si kerk ba tinutukoy mo? Bakit hindi pwede?"
"Basta. Sundin mo nalang sinasabi ko."
"Paano ko susundin kung hindi mo iniexplain sakin ang dahilan."
"Wag ng matigas ang ulo. Sundin mo nalang."
"Hindi ko siya lalayuan. Kilala mo ba si Kerk, kuya?" Tanong ko. Bumuntong hininga siya.
"Natatandaan mo ba si Terra?"
Nag-isip ako at inalala si Terra. Tumango ako. Si Terra ang first love ni kuya. Sa tuwing nagdadate sila ako ay kasama nila. Parang anak nga daw nila ako nun. Sabi nung mga nakakakita samin. Maliit pa kasi ako nun. Elementary palang ako ay kasa-kasama na nila ako.
"Anong kinalaman ng first love mo kay kerk?" Tanong ko
"Wala. Sundin mo nalang sinasabi ko." Sabi ni kuya at bago pa man siya tumayo ay inunahan ko na.
"Hindi ko siya lalayuan hangga't hindi mo sinasabi ang dahilan." Sabi ko at isinarado ng pagkalakas-lakas ang pinto ng aking kwarto. Ibinagsak ko ang aking sarili sa aking kama. Matutulog nalang ako. Maaga pa kaming pupunta sa subic. Reserve na ang plane tickets namin. Ang ate ni Edward ang nagpareserve. Wala ngang alam si kuya sa pagbabakasyon namin. Bahala siya.
KINABUKASAN..
"Bakit parang ang dami mong dalang gamit? Saan ka pupunta?"
"Lalayas na ako. Iiwan na kita kuya. Ayaw na kitang makita. Nasasawa na ako sa pagmumukha mo." Sagot ko at natawa lang si kuya junn. Alam niya ang nanon sense ng mga pinagsasasabi ko.
"Bye." Dagdag ko pa at lumabas na ng bahay. Pagkalabas ko ay nakita kong naghihintay na sakin sila Ate Monica at Edward. Ngumiti lang ako sa kanila.
Tinulungan ako ni Edward na ilagay ang mga gamit ko sa kotse. At pagkatapos ay sumakay na kami. Magkatabi kami sa backseat. Kasama ni Ate monica ang boyfriend niya at nakaupo ito sa passenger seat.
Maya-maya'y nagtext si Kuya.
Madaya. Hindi kami sinama ni Nancy.
As if naman na makakasama ka e hectic ang schedule ng trabaho mo. Hindi ko siya nireplyan. Kinuha ko ang tablet ko sa bag at nagselfie kasama si Edward.
Pinost ko sa twitter.
"The Best Mirror in the World is an Old Friend" :)
After a long hours..nakarating na rin kami. Ang daming gwapo at magaganda at halos lahat sila ay sexy. Nagcheck in na kami sa hotel. Ako at si Ate monica ang magkasama samantalang si Jersen na boyfriend ni Ate at si Edward ang magkasama sa ibang kwarto. Inihiga ko ang aking sarili sa kama.
"Kerra, mauna na ako sayo." Wika ni Ate. Tumango nalang ako at ngumiti.
"Enjoy niyo nalang ni Edward ang bakasyon. See ya later!" Dagdag pa niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Huminga ako ng malalim at napatingin kay Edward na biglang pumasok at sabay hinigit ako palabas. Nagpadala nalang ako sa kanya.
"Ready ka ng turuan kita magsurfing?" Tanong niya
"Oo naman." Sagot ko. Nagpalit na kami ng pangswimming at pagkatapos ay nagpunta ng dagat.
Umupo lang ako sa dalampasigan habang ang paa ko ay nababasa ng tubig. Pinapanood ko siya sa pagsurfing. Hindi ko alam na magaling siya sa sport na 'yan. Kung sa bagay, having a best friend isn't telling your greatest secret. Kailangan mong maghintay sa araw na malalaman mo ang secret niya. Ganun naman talaga sa magbest friend. Para magtagal ang inyong pagsasama, hindi mo dapat ilahad lahat ng secret mo. Hayaan mong unti-unti niya itong malaman. May thrill kumbaga.
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover