Chapter 04Mom
"Ano'ng yes ka riyan?!" Sigaw ni Coleen sa akin.
"Bakit? Tama naman ang sagot ko, ah?" Kinunotan ko siya ng noo at umiling-iling.
"Gaga ka!" Hinila pa niya ang dulo ng buhok ko. "Kahapon ka pa wala sa sarili mo! An'yare, mars?!"
"Bakit? Wala namang nagbago, ah?" Kinunotan ko siya ng noo at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa apartment nila.
"Bahala ka," irap niya sa akin. "Pero kanino galing 'yang teddy bear? Kay Kiel na naman?"
"Oo," sagot ko ng walang paligoy-ligoy.
Hindi siya umimik at nagpatuloy lang ng pagsuksok ng susi para mabuksan ang apartment nila. Naghihintay pa rin ako ng barena mula sa kanya hanggang sa makapasok kami ng apartment. Pero kahit ilang minuto ang hinintay ko, wala akong narinig na pagtutol mula sa kanya.
"Hindi ka magagalit? Hindi mo 'ko bibigyan ng barena mong bibig?" Takang tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang nagluluto.
"For what?" Tinigan niya ako sandali bago binalik ang tingin sa niluluto niya. "I just realized that . . . sobrang higpit ko sa 'yo to the point I was thinking that, I may do the right thing for you? Stopping you will make you happy?"
Napatahimik ako at napaayos ako ng upo ng maayos. Hindi dumating sa point na I was thinking that na ang higpit-higpit niya na sa akin, 'yong tipong nasasakal na ako. Kahit kailangan hindi . . . hindi talaga.
"I'm sorry, Deesten that I'm doing that thing to you. I just want you to be safe. Parang kapatid na kaya kita." Naupo siya sa harap ko. "When Tin-tin and I asked you to become our friend . . . sinabi ko sa sarili ko na I will protect you, I will do anything for you . . . na hindi ko nagawa sa kapatid ko." Nagiwas siya ng tingin sa akin at alam kong naiiyak na siya.
"Ano ka ba! Pati ako naiiyak, e!" Suway ko. "Eme ka naman! Hindi ko kailan man naisip 'yon, 'no! May point ka naman. Tama naman 'yong ginawa mo sa akin."
"Pero kasi—"
"Ano'ng dramahan ang nagyayari rito?" Napahinto si Coleen sa pagsasalita nang nagsalita si Tintin habang nakapamewang sa amin. "Bakit hindi ako kasali?!"
Hindi ko pinansin si Tintin at tumayo ako para lapitan si Coleen na may luha na sa mata niya. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit, 'yong tipong he's my safe, he's my sister and he's my comfort.
"Love kita . . . sobra." I whispered.
Ako 'yong tipong sobrang sagrado ng 'I love you' para sa akin. When I say 'I love you', that is what I really felt.
"L-love you . . ." he whispered also while still sobbing.
"Sama ako!" Agad na lumundag sa tabi namin si Tintin at nagyakapan na kaming tatlo.
I felt so safe around them, while they are both hugging me. I really loved them both, so much. Hindi siguro mararanasan lahat ng dapat na mangyari kapag collage ka na o nasa right aged ka na. I'm an outcast person but because of them I become like this.
"Thank you . . ." I whispered to both of them.
***
Nagring na ang alarm kaya halos lahat kami ay nagmamadaling magayos ng gamit. Lahat yata kami ay gutom na gutom na dahil ang hirap-hirap ng last subject namin.
"Ako na magdadala," dali-dali siyang lumapit sa akin kaya lang umatras ako kaya napatigil sa siya sa paglapit.
"Kaya ko," sagot ko at naglakad na pababa.
BINABASA MO ANG
Interview: A Relationship That Sadly Failed
Teen FictionThere was an interview, which discussed A Relationship That Sadly Failed. *** Deesten Chiara Corpuz is a 20-year-old student currently pursuing a degree in Business Administration with a major in Financial Management. She has many suitors. At the su...