Summer's Heartbreak 5

0 0 0
                                    

Napangiwi siya bigla pagdilat niya ng kanyang mga mata, lalo pa siyang napangiwi ng mamulatan ang anyo ng kanyang kaaway. Akmang gagalaw sana siya ng awatin siya nito.

"Hindi mo pweding igalaw ang paa mo ng dalawang linggo at pasalamat ka hindi nabali ang kamay mo at mahina lang ang bagsak mo sa sahig, may galos lang ng minor ang ulo mo"

"Oh my!! Hindi ako makapaniwala na nangyayari sa akin to! May trabaho ako sa gymn kailangan ako ni Kent doon"

"Grabeh noh! Nadisgrasya ka na nga, yung lalaki pa rin ang nasa isip"

"Ano?? Ano bang pinagsasabi mo?  Atsaka ano bang ginagawa mo dito?"

"Binabantayan po kita, hindi namin sinabi sa kapatid mo at sa pamilya mo ang nangyari dahil hindi mo gugustohin na mag-alala sila lalo na ngayon sa kalagayan ni Spring"

Saka lang pumasok ang mga bagay na yun sa kanyang isipan.

"Please.. wag mo na munang ipaalam sa kanila, ako na maghahanap ng palusot sa kanila."

"It's been taken cared of"

"Ano namang sinabi mo sa pamilya ko?"

"None of your business, kong ako sayo magpagaling ka I'll have someone to took care of you while I am not around"

'Hindi mo ako kailangan bantayan dito sa hospital, hindi mo ako obligasyon okay? Ayaw kong makaabala sa precious time mo"

Ngumisi lang ito saka inismiran siya.

"Such a reckless! Akala mo sinong matapang lampa naman pala.. tama ka you are wasting my precious time kaya aalis na ako"

Saka tunalikod ito at lumabas ng pinto, hindi nagtagal ay may pumasok na naka-uniform na Nurse at nagpakilala sa kanya na siya pala ang personally hired na nurse ni August para sa kanya. Dumaan ang mga araw at unti unti siyang naka-recover at lumawak ang kanyang mga ngiti ng bisitahin siya ni Kent.

"Babe.. okay ka lang ba? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na nandito ka pala"

"Ayawko mag-alala ka at baka madulas yang bibig mo kina papa at kuya, makalalabas naman na ako in 2 days baka nga lang sa wheel chair na muna ako ng mga ilang araw bago tuluyang makalakad"

"Wag kang mag-alala, ako na muna bahala sa gymn wag mo na muna i-stress ang sarili mo okay?"

"Salamat ha.. alam ko naman talaga na maasahan kita babe eh.."

"Hmmm.. na-miss kita pa-hug nga"

At niyakap niya ito ng napakahigpit saka siya nito hinalikan sa noo. Oo ganoon ka sweet ang pableng na ito, kong hindi lang niya alam na bakla ito baka nahulog na ang kanyang puso sa lalaking ito. Sa ganoong ayos sila nadatnan ni August, saktong bumukas ang pinto at may dala itong prutas.

"Ahemm.. nakakaisturbo ba ako pare??"

"Di naman, ako pala si kent Santos Pre.. kaibigan ni Summer"

"Kaibigan?? Well anyway.. my name is August Young, soon to be brother in law ng pasyente."

"So it's you.. kinukwento ka kasi ng babe ko eh, I mean ni Summer"

"Unique din kayo ha..? Babe tapos magkaibigan, sabagay no judgement pre.. I just thought she is something different and better"

Pagkasabi nito ay tumalikod at umalis na agad.

"Ano dawwww?"

"Babe, anong meron sa inyo noong August??"

"Anong, anong meron? Narinig mo naman di ba? Bayaw kong hilaw yun"

"The way he acted, selos na selos siya sa akin. Nanliligaw ba yun sayo? Alam ba niyang bakla ako?"

Summer's HeartbreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon