"Noong bumalik ako sa mga magulang ko, I secretly disobeyed them, nagpi-paint nga ako rito sa ginawa kong libro," ang sabi ng kanyang mommy sa kanya habang nasa loob sila ng coffee shop. Nagkita sila roon para samahan siya na maghintay sa kanyang mga ka-meeting sa araw na iyun. At dinala nga niya ulit ang compilation ng water color painting ng kanyang mommy para pagkuwentuhan nilang muli ang nakaraan. Kahit na paulit-ulit ay hndi magsasawa si Aspen na pakinggan ang mga kuwento ng kanyang mommy noong nobyo pa lamang nito ang kanyang papa.
It has been two months nang bumalik siya sa Manila at magkasama silang muli ni Ocean at halos dalawang buwan na rin ang nakalipas mula nang maikasal sila ni Ocean na hindi na nagpalipas pa ng isang araw at agad itong nagpalno ng kasal na tanging malalapit lamang sa kanila ang naging saksi sa araw nang pag-iisang dibdib nila. At napakaimportante ng araw na iyun hindi lamang para sa kanila ni Ocean kundi na rin para sa kanyang mommy dahil sa nagkita silang muli ng kanyang lolo at lola na dali-daling lumuwas para sa kanilang kasala. It was indeed a very joyous and very emotional event for them. At tunay nga na panibagong sinula ang yugto na iyun s akanilang buhay.
Ngumiti siya sa kanyang mommy, "mukhang sa iyo ko nga nakuha ang ugali ko," ang kanyang nakangiting sagot at pinatutungkulan niya ay ang mga palihim niyang pagpipinta noon.
Mahina itong natawa at tumango ito, "oo nga, kaya siguro inis na inis ako sa iyo kasi, kamukhang-kamukha mo ang iyong papa tapos, kaugali kita," ang natatwang sagot nito sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kamay at saka nito marahan na pinisil at nagtama ang kanilang mga mata. wala na ang hostility na makikita sa mga matang iyun ng kanyang mommy at ganun na rin sa kanya. Maaaring may dahilan talaga kung bakit siya lumisan nang araw na iyun, dahil sa kung hindi siya umalis at nanatili lamang siya sa bahay ni Ocean ay hindi siya babalik sa bahay ng kanyang mga lolo at lola at hindi niya matutuklasan ang sulat. O maaring matuklasan niya ngunit masyado nang huli ang lahat at nasaktan na nila nang husto ang isa't isa. Laking pasalamat niya na nabigyan silang pareho nang pagkakataon na makapagsimula na muli.
"Nga pala, kamusta ang school?" ang tanong nito sa kanya bago nito dinampot ang tasa ng kape nito at humigop mula roon.
"Mahuhuli man ako pero, ang importante ay maipagpatuloy ko," ang kanyang sagot sa kanyang mommy habang hinahalo niya ang kanyang malamig na inuming kape gamit ang hawak niyang straw.
"Sigurado ka ba na...hindi fine arts ang ipagpapatuloy mo?" ang tanong nito sa kanya and she could see the understanding in her beautiful eyes.
Tumango siya. Sa kabila kasi ng pagkagusto niya na magpinta ay naisip niya na ipagpatuloy na lamang ang kanyang kursong architecture lalo pa at may sarling firm si Ocean. Magiging magkatuwang na sila sa Negosyo nito.
"Puwede pa naman ako na magpinta kahit na architect ako," ang kanyang sagot, "saka mas makakasama ko pa si Ocean sa trabaho lalo na at may sarili na siyang firm."
Tumango ang kanyang mommy, "kung iyan ang pasya mo, nga pala mabuti at hinayaan ka niyang bumiyahe na mag-isa?" ang tanong nitong muli at napakungot at napangiwi ang kanyang mga labi nang maalala niya ang katakut-takot na pangungulit ni Ocean para samahan at ihatid siya sa kanyang meeting sa araw na iyun. Kung hindi pa siya nag-blackmail ay hindi niya mapapapayag si Ocean na maiwas sa kanilang bahay.
"Sapilitan pa, saka hindi ko siya puwedeng isama kasi malalaman niya," ang sagot ni Aspen sa kanyang mommy na ngumiti sa kanya nang matamis.
"Kaya mo bang umuwi mamaya na mag-isa ka lang?" ang tanong nito na may pag-aalala.
Tumango siya, "oo naman mommy, kung mahirapan man ako eh, pasusundo ako kay Ocean."
Kumunot ang noo ng kanyang mommy, "kung bakit kasi nasira na naman ang sasakyan ko, jusko, mukhang humihingal na yata ang makina at bibigay na," ang sagot nito sa kanya, "ako na lang sana ang maghahatid sa iyo."
BINABASA MO ANG
Always been You (completed)
Romance"Thou shall not covet thy mother's...LOVER" Hard headed, strong willed, and stubborn as mule. Those were the adjectives use to her by her mother. Aspen Palacio thought her mom's perception of her were all untrue. After all, she will never understand...