Chapter 35

33.2K 1.1K 228
                                    

Fire's POV

Noon, kaya kong itago ang nararamdaman ko. Madalas pa nga na sinasabihan ako nina Thea na manhid at walang pakielam to think na ang soul innate power ko ay ang makaramdam ng nararamdaman ng ibang tao kung gugustuhin ko.

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Aria pabalik sa dorm house namin. This will be her last night of staying with us. With me. Tomorrow, she'll be transfered to another dorm house. Gusto ko sana na ako na lang ang lumipat para hindi na siya mahirapan na mag-adjust ulit pero mukhang iba yata ang plano nina Heiro.

She's quiet at this moment. Hindi ko alam kung ano'ng tumatakbo sa utak niya sa mga oras na 'to. For the first time, I have wished na sana sa akin na lang napunta ang soul innate power ni Kai na makabasa ng isip.

"Aria," I called her name. She didn't bother to look at me but she answered, "Bakit?"

Nakatitig ako sa kaniya habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ang mga tingin ko o sadyang wala siyang pakielam na tinitingnan ko siya.

"Kung gusto mo, ako na lang ang lilipat sa ibang grupo para hindi ka na mahirapan na makisama sa iba," I said. I was expecting that she'll agree. I was expecting her to jump because she's glad that she doesn't have to move to another dorm house anymore. I was expecting that because she can't contain her happiness, she'll shout and will unconciously hug me. I have assumed those things on my mind but none of those things happened.

"Okay lang sa akin. Salamat na lang," she replied without looking at me. I stopped from walking but she didn't mind me. Hindi man lang siya tumigil sa paglalakad. I have this urge to run after her and grab her hand and encircled her in my arms. Pero alam ko na kapag ginawa ko 'yon, lalo na namang lalala ang sitwasyon namin. Ayaw kong nakikitang nahihirapan si Aria. Ayaw kong nakikita na parang hindi na niya alam ang gagawin niya. Since the time that I admitted my feelings for her, she started to suffer a lot. And it hurts me more to hurt her.

Hinayaan ko siyang maglakad. Hindi ko siya sinundan pero nanatili akong nakatitig sa kaniya. Kailangan ko na sigurong sanayin ang sarili ko sa ganito. Iyon bang, hanggang tingin na lang ang pwede kong gawin. Hanggang sa malayo ko na lang siya pwedeng mahalin. Hanggang sa ganitong paraan na lang.

Tatalikod na sana ako para pumunta sa ibang direksyon na patungo sa Green Forest pero bigla akong natigil noong sumigaw si Aria.

"Fire!" I looked back. Hindi ko alam kung bakit nakikita ko sa mukha niya na parang gusto niyang umiyak. Alam kong gusto niya akong lapitan. Alam kong gusto niya akong kausapin pero alam ko rin na may pumipigil sa kaniya.

"Bakit?" I asked. Siguro ay mga tatlong metro ang layo namin sa isa't-isa. Wala na akong nakikitang estudyante sa mga oras na 'to. Tumagal yata kami kanina sa Elemental Head's office kaya naman kami na lang ang nandito sa labas.

"Nakakainis ka!" she shouted. I've frowned after hearing what she said. Nakakainis ako? Bakit? What did I do this time? I asked myself. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Just like the usual, pinipigilan na lang niya ang umiyak. Ramdam ko naman ang bigat at sakit na nararamdaman niya e. Ipinapakita ko lang na hindi ko ramdam. Ipinapakita ko lang na wala akong pakielam at hindi ako nasasaktan pero lahat ng ipinapakita ko ay kabaligtaran ng kung ano ang totoong nararamdaman ko. Aria, I'm sorry.

"Bwisit ka talaga! Leche ka! Walang hiya ka! Talipandas ka talaga! Nakakainis ka!" Sunod-sunod na pagsigaw niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nasasaktan sa sinasabi niya na walang hiya ako, na bwisit ako o na nakakainis ako. Nasasaktan ako kasi nakikita ko kung gaano ko siya nasasaktan.

"Sana kasi hindi mo na lang sinabi na mahal mo ako! Sana kasi hindi ka na lang biglang sumulpot sa kwarto ko at dinala mo pa ako sa secret place mo kasama ang dragon mo na si Nagi! Sana kasi hindi ka na lang naging epal na hahalikan na lang ako nang walang pasabi! Sana kasi dineadma mo na lang ako! Edi sana hindi ganito kahirap! Edi sana, hindi ganito kasakit! Nakakainis ka talaga! Sana talaga, hindi na lang kita minahal! Ay hindi! Mali. Sana pala, hindi na lang kita nakilala!"

Elemental Kingdoms: The Rule Breakers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon