Excited akong pumunta sa condo ni Matt iwan ko don namimiss na ata ako at biglang nag text and naka ready na din yung supresa ko na tiyak naikakasaya niya/namin. Isang surpresa na iiyak sa tuwa. Mismo ako di maka paniwala pero wala buntis talaga ako. Daming explanation sa doctor na stress ako.
Habang pababa ng taxi iwan ko kinakabahan ako nang hindi ko maipaliwang pero isinawalang bahala ko nalang baka nga excited lang ako. Pukasok nako at nginitian pa yung mga guards and mabilis na tinungo ang elevator papunta sa condo ni Matt.
Andito na ako sa labas at papasok na sa loob. Unang bungad ko pag pasok ko madalim "bat hindi naman ni matt binuksan yung ilaw" sabi ko nalang ang kinapkap yung switch and nagulat ako kasi bat magulo, May mga damit alam ko kung kaninong mga damit to pero kaninong dress to? Naiiyak ako na parang mahihimatay ako sa hindi ko alam na nararamdaman ko kaya sinubukan kung pumunta sa kwarto at tignan.
Yung luhang pilit kung pinigilan ay bigla nalang bumuhos at tumingin sa dalawang tao na alam kong asawa ko at a-Ashley? Kaibigan ko no BESTFRIEND ko? Bigla ako napaiyak na kina gising nila hindi ko alam kung nakikita na nila ako kasi malabo na talaga yung mata ko kakaiyak.
"Oh shhhht" mura ni Matt na parang gulat pa atang nakita ako sa pintuan at bilis tumayo. "What happened?" Rinig ko pang sabi niya at sinabunotan ang ulo. Ako ba pinag loloko niya? Iyak lang ako nang iyak. Tumayo ako at pinasadahan ang matang puno nangluha at tumingin sa kanila. Tumingin ako kay ashley pero wala man lang reaksyon parang masaya pa ata siyang pinag gagagawa nila. At binalingan ko si Matt na nakatitig sakin at lalapitan na niya sana ako kaso umatras ako na nagpagulat sa kaniya.
"Matt, bat naman ganun, bat mo nagawa to sakin. Binigay ko naman sayo lahat ano kulang pa ba ha, ano mga puta kayooooo. At ang mas malala pa pinapunta mo ko dito para ano? Ipamukha mo sakin na nagpapakasasa ka sa sarap diyan sa burikat na kaibigan kong yan? Matt kaibigan ko yan eh" Parang nalilito siyang nakatingin sakin at hindi ko na din talaga kaya nanlalabo na naman ang aking mga mata nahihirapan na din akong mag salita parang feel ko mahihimatay ako na iwan.
"What? Hon, No, please hon, please let me explain. It's not what you think hon please." Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sakin dahil nandidiri ako at hinarap si ashley
"at ikaw Ashley na kaibigan ko na tinuring kong kapatid aahasin mo talaga asawa ko grabe naman yang pagkalandi mo, landiin mo na iba wag lang asawa ko. Pero ano pa bang silbi nitong sinabi ko nagawa niyo na nga diba?" dahil sa tindi ng galit ko napaiyak na naman ako grabe na talaga ang nangyayari, Hindi ko kinaya ang kagaguhan na ang asawa ko pumatol sa kaibigan ko mga hayop.
Hindi ko alam na malandi o sabihin nating sobrang landi talaga tong si ashley o ano kasi kaibigan ko siya alam ko bastus yung bunganga neto pero di ko alam na gagawin niya talaga at sa asawa ko pa. Pinapalagpas ko yung mga bastos niyang bibig kasi alam kung hindi niya yun magagawa pero nag kamali ako maling mali. Parang gusto ko pumatay pero ayokong mabahiran yung kamay ko nang dugo nang mga put*ng*na nila.
"i—ikaw naman na magaling kung a-asawa nag pagapang ka namin grabe ang galing niyo no" hikbi na ako ng hikbi habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Hon, please let me explai—" hindi ko na pinatapos si Matt sa susunod niyang sasabihin dahil inunahan ko na siya ng isang malutong sa sampal.
Pakkkkk
"Huli ko na kayo sa akto mga putcha kayo, sige ipagpatuloy niyo yan mga hayop kayo" sabay talikod at tinawag niya pa ako pero hindi na ako lumingon at baka mapatay ko pa sila nang wala sa oras at mabilis kinuha ang kahon na nahulog at sana ay surpresa ko sa lintek na asawa ko pero ngayon dahil sa ginawa niya ay hindi ko hahayaan na malalaman niya na mag kakaanak kami.
"Simula ngayon pinapatay na kita sa buhay ko Matt" ani ko sa sarili habang umiiyak palabas ng condo niya at kinamalas malasan ay umulan pa nang malakas. Iyak lang ako nang iyak dito sa labas habang nag lalakad di ko na alam kung saan ako dadalhin nang mga paa ko basta gusto ko lang malabas itong nararamdaman ko at pag pakasasa sa ulan.
"Allen" rinig kong tawag sakin pero wala akong pakialam.
"Allen ano ba" bigla niya akong hinawakan sa balikat na nakapag patingin sa kaniya "Anong Nang-ohsht" gulat na tingin niya sakin kasi iyak lang ako nang iyak "Allen anong nangyari sayo bat ka umiiyak? Sabihin mo sakin at nang masapak natin" Iyak pa din ako nang iyak kaya niyakap ko siya at hinahagod niya yung likod ko na parang sabihing tumahan nako.
"Jake please Ialis mo na ako dito please" pakiusap ko sa kanya nang paulit2 kasi hindi ko na kayang mag tagal pa dito gusto kung mag paka layo-layo. "Sige isasama na kita sa america kaya tahan na tsaka mo na sabihin sakin pag kaya mo na okay?" Tango na lang nag naging sagot ko sa kanya at tumingin sa kanya "Ihatid mo mo na ako sa bahay may kukunin lang ako" sabi ko sa kanya mahirap itong desisyon pero naka pag isipan ko na to nang agad-agad. "Hmmm sige tara na di tayo kasya sa payong" habol pa ni jake na nag patawa sakin kahit papaano kasi basa nadin yung balikat niya. Kahit ganun napagaan at nakalimutan ko sa sandaling oras na nangyari at pinasasalamatan ko si jake kasi andito siya kasama ko and hindi pinabayaan at iniwan.
BINABASA MO ANG
Me Before You
RomanceTAGLISH | MPREG Akala mo siya na pero hindi pala Akala mo siya na pero winasak ka niya Akala mo siya na pero yun ay akala mo lang pala Iisipin mo nalang lahat nang mga masasayang alaala na hanggang alaala nalang na hindi na mangyayari ulit. Nasaktan...