Para! (The New Bataan Bus Liner Encounter)

306 3 7
                                    

The death toll from the strongest typhoon to hit the Philippines this year has topped 1,000 and could still rise sharply, the government said on Sunday.

Typhoon Pablo (international  name: Bopha) killed 1,020 people, mostly on the southern island of Mindanao, where floods and landslides caused major damage on December 4.

New Bataan

In New Bataan, Compostela Valley, which suffered more than 500 dead, including 235 bodies that were still unidentified, people still struggled to recover, building makeshift shelters out of scrap wood and rags.

Malamang sariwa pa sa ating kamalayan ang mga pangyayaring ito. 2 buwan na ang nakaraan nang mangyari ang kagimbal-gimbal na trahedya. Maraming buhay ang nakitil at marahil sila ay nalibing ng buhay sa iisang hukay. Mga buhay na noo'y puno ng pag-asa at pangarap na salubongin ang Pasko at Bagong Taon, ngunit sa isang iglap biglang nawala ng walang anuman.

New Bataan, dito kung saan maraming buhay ang nabaon sa putik, may mga nakaligtas at mayron nading malalamig na na mga bangkay.

Dec. 18, 2012. Maraming mga pampubliko at pribadong kompanya ang tumulong sa mga nasalanta, lahat na siguro hindi nag diwang ng kani-kanilang mga Christmas Party sa mga opisina makapag abot lang ng tulong.

Mismong gabi ng Dec.18, isang head ng tanyag na paaralan dito sa Tagum ay pauwi na galing New Bataan kasama ang kanyang isang estudyante. Dahil na din sa pinsala ng bagyo ang mga daan ay sira-sira kaya malimit ang mga bumabyahe dun na sasakyan, swerte lang nila at may bus na papuntang Tagum kaya't dun na sila sumakay. Apat lang ang sakay ng bus, ang driver ang kundoctor ang estudyante at ang guro. 

Habang tinatahak ang daan swerte na siguro kung may tatlo o apat pang pasahero ang sasakay para hindi masyadong lugi ang kita ng bus. Di kalayuan at may mga pumara, marami-rami din sila, tansta pa nga ay napuno ng mga bagong sakay ang mga bakanteng upuan. Walang kibo ang mga ito at balisa. Nag abot ng mga ticket ang kundoctor at nagtanong kung saan ang hinto nila. Niisa walang sumagot at buong puso namang inintindi ng kundoctor ang mga pasahero dahil nga sa nangyari.

Bumalik ang kundoctor sa frontseat para maupo, matapos lang mga 20 minuto nag robing ito para mangolekta ng pasahe. Nabigla at tila takot na takot ang kundoctor ng wala na syang mkitang pasahero maliban sa guro at isang estudyante.

Kundoctor: (tinanong nag driver at takot na takot ang boses) pare? saan na ang mga bagong sakay na pasahero? wala na dito.

Driver: aba ehh hindo ko alam, ikaw yung namigay ng ticket dyan.

Ang driver mismo ay takot na takot, marahil silang lahat, kasi hindi hininto ng driver ang bus at ni hindi din namalayan ng guro at estudyante na wala na silang katabi. Ang mga naiwan nalang na bakas na may sumakay sa bus na iyon ay ang mga ticket na naissue na nasa mga bakanteng upuan nalang.

Ikaw ba sigurado ka ba na ang mga nakakasalamuha mo buhay pa? o baka naman ang mga katabi kung saan saan malalamig na bangkay na pala. 

Para! (The New Bataan Bus Liner Encounter)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon