LONG LOST LOVE

3 1 1
                                    

Sabi nila hindi maaaring maging magkaibigan (bestfriend)ang isang lalaki at babae. Maliban na lamang kung ang isa sa kanila ay may nararamdaman higit sa kaibigan. Is it true? Or just another weird beliefs?
Lunes, first day of school. As usual late na naman si Bettany! Meron kasi syang human alarm clock. Ang bestfriend nya, si Justine. He always that responsible. Kabaligtaran ni Bettany. Justine is such a cute guy, sa paningin ng bestfriend niya. Moreno, singkit, matangkad, mabait at higit sa lahat, responsable. Pero itong si Bettany, walang sipag, palibhasa ay nasanay na nariyan si Justine parati.

"Hey! Princess! Wake up. Male'late na tayo! Are'nt you excited to meet your new classmates?" Panggigising ni Jaz kay Bettany. Jaz ang tawag sa kaniya ni Bettany, dahil cool daw.

"Uhm, antok pa ko Jaz. Just another minute please?" Pahikab na tugon ni Bettany.

"No, no more hirit! Get up. Get dressed. Then we'll go." Utos ni Jaz. Sinusunod siya ni Bettany, dahil naniniwala itong lahat ng sinasabi at inuutos sa kaniya ni Jaz is for her own good din naman.

"Alright, wait me downstairs boss." Nakangiting sagot niya rito.

Si Bettany at Justine ay magkaibigan na simula pagkabata. Pareho sila ng subdivision na tinitirhan. Same schools din sila. Kaya naman marami talagang chances na sila lang ang magkasama mula nuon hanggang ngayon. Kung mawala man nga daw ang isa sa kanila, ay parang pilay silang pareho.
Ang ama ni Bettany ay may sarili ng pamilya. Gayun din ang kanyang ina na nasa ibang bansa kasama ang mag aama nito. Naiwang mag isa si Bettany, at ang tanging kasama lamang ay ang kanilang kasambahay na si nanay Felly. Ito na ang nakalakihan niyang magulang.
Si Justine naman ay buo nga ang pamilya sugarol naman ang kanyang ama. Lahat ng kinikita ng kanilang grocery store ay halos ipatalo nito sa sugal. Pero nagsikap silang mag-ina para lamang makaahon. Ngayong college na sila, makakahinga na sila ng maluwag oras na makapagtapos na sila.

After makapag ayos ni Bettany ay bumaba agad siya at umalis na sila ni Jaz. Pareho silang freshmen sa University na kanilang napili. Accountancy pareho ang kurso ng dalawa. Kung titingnan mo nga'y parang hindi lang sila basta magkaibigan. Dahil sa sobrang komportable nilang dalawa sa isa't isa'y aakalain mong mag kasintahan sila.
Bettany is such a sweet girl. Maganda, maputi. At she's totally a girlfriend material. Maraming dumidiskarte sakanya, pero binabakuran siya ni Jaz. Study first daw. Which is tama naman.

"Bakit hindi ka nag breakfast? Ang tigas talaga ng ulo mo." Panenermon sakanya ni Jaz habang naglalakad sa flatform ng University.

"Kasi sabi mo we're getting late na e. Kakain nalang ako mamaya." Nakangiting sagot niya dito.

"Fine. Look,(sabay nguso sa grupo ng kababaihan na nakaupo sa bench) they're staring us like we're nude. Hahaha"

"Baka they think na mag jowa tayo?"
"Siguro nga. Ang gwapo ko kasi eh."
"Wow ha. O sige na nga" pag suporta nya sa kaibigan.

Sa classroom.

Habang nakaupo na ang lahat, may dumating na isa pa nilang kaklase. Si Bree Ramos. Maganda, sophisticated, matangkad at matalino, umupo ito sa tabi ni Jaz.

"Hi. I'm Bree. Bree Ramos, and you are?" Pag papakilala nito.
"Justine, I'm Justine Montenegro." Nakangiting tugon niya rito.
"Nice to know you Justine."
"Glad to know you too."

Habang nag uusap ang dalawa ay busy naman si Bettany sa binabasa nito. And a guy sit beside her.

"Hi miss. I'm Drexx Santillan. I'm glad i have a beautiful seatmate. " puri niya kay Bettany.
"Oh. Thanks. I'm Bettany Flores."
"Hello Bettany"
"And hi Drexx. What a nice name. I love it." Nakangiting puri ni Bettany.
"Oh thank you. You too. Maganda pangalan. Like you"
"I know." Sagot niya dito. At sabay silang natawa.
Napalingon si Jaz kay Bettany ng marinig nito ang tawa ng Princess niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon