UNO

5 0 0
                                    

"Anak bilisan mo dyan nandito na si Lucas" sigaw ni Aling Helen sa kanyang anak na si Adela na sa ngayon ay natataranta dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang klase.

"Sandali, bababa na ako" sigaw pabalik ni Adela sa kanyang ina. Kinuha niya ang mga nakapatong na libro sa kanyang kama at inabot ang kanyang handbag na sa dulo nito.

Madaling araw na siya nakatulog kagabe sa panonood ng anime, halos mag alas tres na siyang nakatulog at may pasok ng 7:30 sa kinabukasan. Humihikab na binuksan ni Adela ang pinto ng kanyang kwarto at dahan dahan bumaba ng hagdan sa sobrang antok.

"Nako, pasensya kana iho, sadyang pagong talaga kumilos yang si Adela" paghihingi paumanhin ni Aling Helen kay Lucas na maimtim na naghihintay sa kanyang pasahero.

Sa araw- araw ng umagang may pasok sa eskwelahan ay ganito laging mga eksena ang kanyang natutunghanay at nasanay na rin lamang ang kanyang sarili.

Napangiti at napakamot nalang ng ulo si Lucas kay Aling Helen. "Ayos lang po, nasanay na rin ho ako sa inyong anak" habang nakakamot parin sa kanyang ulo, "tama po kayo, sadyang pagong talaga ang anak nyo" mahinang sabi ni Lucas at napatawa na lamang si Alin Helen.

" Naririnig ko kayo, nakapaglinis ako ng tenga kagabe, kaya tigil-tigilan nyo ang pagiging tsismosa sa harap ko" wika ni Adela sabay nguya ng pandesal  na kanyang kinuha sa lamesa. Ito lamang ang kanyang almusal dahil sa wala na siyang oras para dito.

"Bilis bilisan mo kasi anak, nakakahiya naman kay Lucas kung palagi nalang ganito" pagiintidi ni Aling Helen kay Adela, na ngumunguya parin ng pandesal.

Kung pwede lang na patayin ang internet gabi-gabi para makatulog ng maaga ang kanyang anak ay matagal na niyang ginawa ngunit hindi ito pwede dahil ang kanyang panganay ay naka work at home at ito ay isang call center agent.

"Opo, alis na po kami nay" sabay pagmano ni Adela sa kanyang ina.

Agad naman pumwesto si Lucas sa Tricycle at pinaandar ito.

" Mag-ingat kayo sa daanan, Lucas ikaw na ang bahala sa anak ko." Pagbibilin ni Aling Helen.

"Opo." Sagot ni Lucas at sinimulan na ang kanyang maagang byahe.

Malaking tulong sa kanyang pagmamalasada ang nakukuha niyang sikwentang peso sa paghahatid sundo kay Adela sa iskwelahan. Simula ng mawala ang mga magulang ni Lucas. Mag-isang tinataguyod niya ang kanyang dalawang kapatid na mga lalaki na onse anyos at sampong gulang na sa ngayon ay nag-aaral ng elementarya. Namatay ang kanyang ina sa karamdaman sakit sa puso at ang kanyang ama namatay sa aksidente limang buwan na ang nakakalipas. Ito lamang ang tricycle ng kanyang ama ang kanyang naimana at tumutulong sa kanilang tatlo sa pang araw-araw na buhay. Sa hirap ng kanilang pamumuhay ay kailangan niyang sumikap para sa kanyang mga kapatid.

" Bilisan mo, mahuhuli ako sa klase nito eh" pagbubusangot ni Adela dahil mabagal lamang ang byahe at nag-alala para sa kanyang unang klase sa umaga.

"Sabi ng inyong inay ay dapat mag-ingat tayo" tugon ni Lucas

"Wala naman dito si inay" naiinis na sagot ni Adela kay Lucas.

"Kasalan mo naman kung bakit kamahuhuli sa iyong klase. Kung nagising ka ng maaga ay sana hindi mo kailangan mag madali" kalmadong sagot ni Lucas sa dalaga. Hindi na tumugon si Adela dahil alam naman niyang kasalanan rin naman niya kung bakit siya mahuhuli sa klase.

Alas 7:20 at medyo malayo pa ang kanyang iskwelahan. Napapikit na lamang siya ng kanyang mga mata, sa inis sa kanyang sarili at pag-alala sa oras.

Hindi niya makaila sa kanyang sarili na siya ay adik na adik sa panunood ng mga anime. At minsan ay hindi niya matigilan ang kanyang sarili sa panonood ng mga ito.

Napamulat si Adela sa gulat ng maramdaman niya na binilisan ni Lucas ang pagmaneho. Napatingin siya sa gawi ng binata at bigla siyang nakaramdam ng tuwa sa kanyang puso. Ngayon lang rin niya napapansin ang matangos nitong ilong at ang kagwapohan ng binata.

Agad niyang sinabotan ang kanyang sarili sa pag-iisip ng mga ganitong bagay lalo na si Lucas pa talaga.

Napagawi naman si Lucas kay Adela ng mapansin na sinasabunutan nito ang sarili. Napatawa nalamang siya sa kanyang sarili sa kanyang nakikita. Minsan rin niyang napag-isip na baliw ang anak ni Alin Helin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Sweet SorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon