15.

52 8 0
                                    

LITERAL na napanganga ako nang makapasok ako sa loob ng dorm. I saw Hywell lying on my bed while munching. May mga nagkalat din na balat ng mga chips sa paligid.

"Hywell!" sigaw ko na nagpabangon agad sa kanya.

"Kuya!" nagawa pa nyang ngumiti. "Nariyan ka na pala. At may kasama ka?"

Naramdaman ko naman ang pagtatago ni Nix sa likod ko. Oo nga pala, habang pabalik kami sa Superno ay nagpakilala na kami sa isa't isa. I also decided to bring her with me dahil sa sinabi nyang wala syang tinutuluyan kundi kalsada.

I also bought her new clothes. Marami ang magtataka kung dadalhin ko sya sa academy na ang suot ay marumi at sira-sirang damit.

"Wag mong takutin si Nix," saway ko. Bigla na naman ang pagsakit ng ulo ko. Nakaka-stress talaga ang batang ito.

"Hindi ko sya tinatakot ah!" mabilis na lumapit si Hywell sa amin saka sinilip si Nix sa likuran ko. "Hi! Ako si Hywell! Anong pangalan mo?"

I saw Nix looked at me. Tumango naman ako.

"N-nix...Nix Regina."

"Nix Regina?" ngumit ulit ng mas malapad si Hywell. "That's a late latin term for Ice Queen, alam mo ba iyon?"

That caught my attention. Nakakaintindi si Hywell ng old latin?

"Hindi ko alam na may ibig sabihin ang pangalan ko," wika naman ni Nix.

"Teka, ano ang laman ng kahon na bitbit mo kuya Zed?"

Itinaas ko naman ang tinutukoy nya. "Dead cat."

I saw his eyes widened. "Patay na pusa? Pumatay ka ng pusa-"

Mabilis ko namang binatukan sya.

"Aray!" nakangiwing hinimas pa nya ang ulo. "Bakit ka ba nambabatok?!"

"Masyado kang madaldal."

Ngiti na naman ang isinagot nya. "Patingin nga!" mabilis na inagaw nya sa kamay ko ang kahon.

"Uhm," lumapit naman agad si Nix kay Hywell. "Alaga ko iyan-"

"Ganoon ba?" inilabas naman nya ang pusa mula sa kahon. "Gusto mo syang mabuhay ulit?"

"Anong klase namang tanong iyan?" naiiling na singit ko. Naupo na lang din ako sa kama at pinanood sila.

"Manood ka kuya!"

What he did next surprised me. He bit his finger and let a blood dropped on the floor. Ipinatong nya din doon ang patay na pusa.

"Ad vitam revocare!" he chanted.

A blinding light filled the entire room. Pinilit kong tingnan ang ginagawa nya. I saw the dead cat suddenly disappeared.

"Anong ginawa mo kay snow?!" galit na sigaw naman ni Nix.

"Maghintay ka lang!"

Hindi ako umimik. Naghintay din ako sa susunod na mangyayari. Then a faint light suddenly emerge from the floor. Mula sa sahig ay lumutang ang isang nagliliwanag na nilalang. Nang mawala ang liwanag na nagmumula doon ay mas lalo akong nagulat sa aking nakita.

Nakatayo doon ang pusa ni Nix habang dinidilaan pa ang paa. Maging ang sugat nito ay nawala!

"Snow!" mabilis na niyakap naman ni Nix ang alagang pusa.

"You!" baling ko kay Hywell.

His face turned serious. "Wag kang maingay ha?"

"A-anong ginawa mo?"

"Resurrection," he simply answered.




































***

NAUPO ako sa malaking sanga ng isang mataas na puno saka pinagmasdan ang liwanag na nagmumula sa academy. Nang maging kampante na sa isa't isa sina Nix at Hywell ay agad din akong umalis bitbit ang aking bag. Sa dark forest ako nagtungo matapos bigyan ng pagkain ang dalawa.

Hindi pa din mawala sa utak ko ang ginawang iyon ni Hywell. He knows how to resurrect dead. That is a dark magic. Saan nya natutunan ang bagay na iyon? Hindi ordinaryong ability ang ipinakita nya.

"Wag kang maingay ha?"

Lalo akong nagduda sa pinagmulan nya. Malinaw naman na hindi sya mula sa Alegria. Sa suot na damit pa lang nya noong gabing nakita ko sya ay masasabi kong hindi sya taga dito. Ignorante din sya sa batas ng Alegria. I tried asking him one time and he just gave me a confused look.

Dalawa lang ang pwedeng dahilan. Una, maaaring mula sya sa Black council at ipinadala para manmanan ako. Pangalawa, maaari din na hindi talaga sya nagmula dito. Kung ang huli ang pipiliin ko, mula't sapul pa lang ay nagsasabi na sya ng totoo.

Naalala kong tinanong pa nya ako kung nasaan sya.

"Hindi kaya..." natigilan ako. Hindi kaya takas sya o kriminal na pinaghahanap?!

Pero napakabata pa nya para maging kriminal. At hindi basta- basta ang mga selda ng Alegria.

Natawa naman ako. "Nakatakas nga pala ako sa kanila."

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Madaming katanungan tungkol sa pagkatao ni Hywell. He knows late latin and to resurrect dead beings.

"Latin!" natigilan muli ako. Mabilis na kinuha ko ang itim na libro mula sa bag ko. The book is written in late latin and Hywell can understand latin!

Tadhana ba ito na nakita ko sya sa dark forest?

Binuklat ko na lang ang libro at mas lalo akong nagulat sa mga nakita ko.




































***

Hywell's POV

NAPALINGON ako sa bintana. I can feel that kuya Zed already saw my little surprise for him. Ngumiti naman ako. Maliit na bagay lang naman ang ginawa ko sa kanya kapalit ng utang na loob ko sa kanya. I just manipulated the content of his book and changed it to a language he can understand.

"Salamat ulit Hywell!" ang masayang boses ni Nix ang nagpalingon sa akin.

She is currently busy feeding her cat. Mas lalo akong napangiti.

"Ampon ka na ba ni kuya Zed?" naisip kong itanong.

Natigilan naman sya at tila nag-isip. "Tinulungan nya ako at binihisan. Pinakain nya din ako at ipinakilala sayo. Para sa akin, hindi lang sya isang tagapagligtas."

Mukhang mahirap ang pinagdaanan ni Nix para masabi ang mga iyon.

"Utang ko ang lahat ng ito sa kanya. Kung hindi sya dumating ay baka nakuha na ako ng Black council."

"Black council?" pamilyar sa akin ang konsehong iyon. Tama nga ang naririnig ko. Kaya pala hindi sila mapakali.

"Oo," aniya. "Simula ngayon, paglilingkuran ko syang higit sa buhay ko. Inilalagay ko ang aking buhay sa kanyang kamay."

Muli ay napangiti ako. Kuya Zed found a subordinate without him knowing.

"Bukas nga pala, mag-e-enroll ako dito," pag-iiba ko ng usapan. "Gusto mong sabihin ko din kay kuya Zed na i-enroll ka din?"

"Talaga?!" tila nagningning naman ang mga mata nya sa sinabi ko.


Ipagpapatuloy...

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon