[Prologue]

378 17 1
                                    

*In a Subdivision in tagaytay*

*Tok, Tok*

"Mommy may na katok po!" Sigaw ni Lara sa kanyang Mommy na busing-busy sa pagluluto sa kusina.

"Honey, ikaw na ang magbukas. Your Mommy is busy here" tugon naman ni Lanie na nanay ni Lara.

Nakaupo lamang sa sala si Lara at nanunuod ng tv. Si Lara ay 11 taong gulang at siya ay grade six na.

"Mommy Im busy rin eh!" Reklamo naman ni Lara.

*TOK, TOK, TOK*

"Hay! Ikaw talagang bata ka! Hindi kana mautusan! Bwiset!" Nanggagalaiting sabi ni Lanie sa anak. Ipinunas nito ang kanyang basang kamay sa suot na apron at saka binuksan ang pintuan.

"Hi po ma'am. Dito po ba yung naghahanap ng yaya?" Bungad ng isang babaeng may mala-anghel na mukha. Kung titignan ay mukha pa itong mas bata sa kanya ngunit sa totoo lang ay magkasing-edaran lang sila.

"Yes... pasok ka muna para makapag-usap tayo" magiliw na tugon ni Lanie.

Pumasok na ang babae at umupo sa tabi ng batang si Lara. Ngumiti ang babae kay Lara ngunit inismidam lamang siya nito.

"Miss, dito ka muna ha... hihinaan ko lang yung apoy ng niluluto ko" paalam ni Lanie. Ngumiti naman ag babae sa kanya at tumango-tango.

Umalis na si Lanie at nagpunta sa kusina.

"Hi Im Ruth... ikaw? Anong name mo? Ang ganda mo naman" sweet na sabi ng babae kay Lara.

"I know Im beautiful... kaya di mo na kailangang sabihin pa." Pagtataray ni Lara sa babaeng Ruth pala ang pangalan.

Umupo nalang ng maayos si Ruth at di nalang kinausap ang bata.

xxx

"Tanggap kana" ani Lanie. Agad namang napangiti si Ruth.

"Thank you po ma'am. Promise po aalagaan ko ng mabuti tong si Lara" magiliw na sabi ni Ruth.

"Alam mo na ang mga gagawin mo ha... o sige pumunta ka na sa kwarto mo... " Lanie.

"Thank you po talaga ma'am" ani Ruth. Umalis na ito at tinungo ang kwarto niya.

"Mommy! Ayoko magkaroon ng Nanny!" Reklamo ni Lara.

"No! You need a Nanny para may kasama ka dito sa bahay sa tuwing
nasaopisina ako..." paliwanag ni Lanie sa anak. Padabog na umalis ang batang si Lara at nagpunta sa kanyng kwarto.

Habang naglalakad ay nasalubong ni Lara si Ruth.

"Hi Lara" bati ni Ruth.

"Che! Hampas-lupang Nanny!" Pagtataray ni Lara.

Laking gulat ni Lara ng bigla siyang higitin ni Ruth ng marahas sa kanyang braso at pinandilatan siya ng mata.

"Love your Nanny or else...." makahuluhang sabi ni Ruth. Agad na nakaramdam ng takot si Lara sa kanyang bagong Nanny. Nagbigay ng isang nakapanglolokong ngiti si Ruth kay Lara.

Marahas na binitawan ni Ruth si Lara. Nagtatakbo si Lara papasok sa kanyang kwarto at ni-lock ito.

Ngumiti si Ruth. "Good girl"

____________________________

Vote and Comment po...

God Bless us...

NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon