The Truth behind

4 2 0
                                    

Tulala lang ako habang nakaupo sa upuang malapit sa kabaong ni Kathryn. Ayaw kong umalis sa tabi ng Asawa ko, ayaw kung maranasan nyang mag-isa. Baka malungkot sya pag umalis ako baka maramdaman nya din ang nraramdaman ko ngayong wala na sya. At ayaw kong mangyari yun.

May isang Babaeng tumayo sa tabi ng kabaong ng Asawa ko, nag-angat ako ng tingin.

Si Doktora Julia.

Kitang-kita ko ang pamumugto ng mata nya dala ng matinding hinagpis, gaya ko alam kong sobra din ang pagmamahal nya sa Asawa ko.

Gusto ko syang sisihin, gusto ko syang paalisin! Gusto kong ipamukha sa kanya na sya ang may kasalanan kung bakit naging miserable ang pagsasama namin ni Kathryn. At kung hindi dahil sa pagsulsol nya sa Asawa kong makipagtagpo sa iba, masaya pa sana kami hanggang ngayon. Pero wala pa akong lakas ng loob. Hindi ko pa kayang makipag-usap kahit kanino.

Ibinalik ko ang tingin ko sa sahig.

Naramdaman ko ang pagtabi nya saken.

Lumingon ako sa kanya, at nakita kung pinunasan nya ang luha sa pisngi nya. Nakatingin lang sya sa sahig.

"Ang kawawang si Kathryn" Sabi nya na gumaralgal pa ang boses dahil sa pagpipigil na mapaiyak.

Umiwas ako ng tingin!
Hindi kailangan ni Kathryn ng awa!!

"Kung hinayaan mo lang sana sya, hindi aabot sa ganito."

Nakuyom ko ang kamao ko.

"Hindi mo manlang sya pinakinggan! Hindi mo sya hinayaang sabihin sayo ang totoo." Pumiyok pa sya sa pagsasalita saka sya tuluyang napaiyak.

Alam ko! Nagkamali akong hindi ko sya hinayaang ibigay ang bagay kung saan sya sasaya. Pero ginawa ko lang naman yun dahil sa sobra kung pagmamahal sa kanya. Mali ba yun?

"Nung araw na umalis sya at di nya nasundo sa school si Kyriel. Nakaramdam sya ng hilo sa bahay nyo, kaya nagpunta sya sa clinic ko para magpacheck-up. Dalawang buwan na daw kasi syang delay, at gusto nyang maconfirm kung buntis ba sya kaya sya nakaramdam ng hilo. At tama nga! 8 weeks na syang buntis."

2 months ng buntis si Kathryn?

"Sobrang saya nya sa nalaman nya, pero napawi ang lahat ng yun nung madiagnos ko base sa laboratory nya na may infection sya sa ovary nya, may blood na kasama yung urinal result nya. Kaya sinamahan ko syang magpatingij sa kakilala kung doktor. At dun nalaman naming may ovarian cancer pala sya."

OVARIAN CANCER? Nanginig ang buo kong katawan pero hindi padin ako makapagsalita.

"Ayaw nyang maniwala! Imposible naman daw dahil ang lakas-lakas nya. But in the end napaiyak nalang sya, at kayo ni Kyriel ng una nyang inisip."

Nangilid ang luha ko.

"Hindi pa naman ganun kalala ang sakit nya, kung maooperahan agad at matatake nya ang mga gamot maari pang mawala. Nakiusap din sya na wag kung sasabihin kahit kanino hahanap pa daw sya ng tyempo para sya mismo ang magsabi sayo. Dahil ayaw nyang mag-alala kayo ni Kyriel."

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko, napasubsob ako sa palad ko.

"Inirekomenda ko sya kay Mr.Gimenez na isang magaling na Doktor at graduate sa ibang bansa pero hindi na nya nagawang magpacheck-up kahit na minsan"

Yun ay dahil sa akin.
Doktor nya pala si Mr.Gimenez! Pero anong ginawa ko? Pinaghinalaan ko sya.

"Sinabi ni Mr.Gimenez na kung ipagpapatuloy nya ang pakikagcontact sayo sexually maari yun makasama sa kanya."

Napamulagat ako. Kaya ba umiiyak sya sa tuwing ginagalaw ko sya? Kaya ba parang nasasaktan na sya pag paulit-ulit ko syang ginagamit?

"Hindi rin maaring ipagpatuloy ang pagbubuntis nya dahil mas magiging delikado yun para sa kanilang dalawa. Pero nung huli ko syang makausap, sinabi nyang itutuloy nalang nya. Ayaw daw nyang mas lalong lumala ang away nyo, pag nalaman mong nagpalaglag sya. Dahil pinagbibintangan mo syang nabuntis ng ibang Lalaki."

Parang hiniwa sa maliliit na piaraso ang puso ko.

"Pinilit ko syang sabihin na lang namin sayo ang totoo, pero sabi nya huli na. Nararamdaman na daw nyang hindi nadin sya magagamot. At isang bwan! Isang bwan mo syang ikinulong sa bahay nyo. Sa loob ng panahon nayun na dapat ay nagpapagamot sya! Sa panahong binawalan mo syang malunasan ang sakit nya! Ikaw. Ikaw ang dahilan kung bakit wala na ngayon si Kathryn!"

Daig kopa ang nasabugan ng bomba dahil sa mga sinabi ni Julia.

Ako? Ako ang dahilan ng pagkawala nya?

Napahagulhol si Doktora Julia. Maging ako'y tuluyan ng napaiyak.

Bakit ang tanga-tanga ko. Bakit hindi ko pinakinggan ang Asawa ko sa panahong gusto na nyang sabihin saken ang totoo?
Bakit hindi ko man lang sya nadamayan sa paghihirap na dinanas nya, anong ginawa ko mas naging dagdag pasanin pako sa hirap ng loob at sakit na nararamdaman nya.

Sa araw-araw palang pinaghihinalaan ko sya! Yun yung mga araw na lalong nagpapahirap sa kanya.

Kaya ba minabuti na ng Diyos na kunin sya?
Para matapos na ang paghihirap nya sa piling ko?

Parang gusto kong magwala! Gusto kong bumalik sa panahong nagkamali ako, sa panahon kung saan pinairal ko ang selos instead na pakinggan ang side ng Asawa ko.

Pero paano? Wala na. Tapos na! Nangyari na! At alam ko na kahit anong gawin ko, hindi na mababalik sa dati ang mga nagawa kong pagkakamali.

"Pero hindi ka nya sinisisi Daniel, nung araw na iwan mo sya at sabihing malaya na sya. Tinawagan nya ko. Sinabi nyang pinapalaya mo daw sya, hinahayaan mo na daw syang mawala. Masaya na sya dun Daniel! Dahil sabi nya kung aalis man sya alam nyang hindi kana ganung masasaktan. Dahil ikaw na mismo ang nagpalaya sa kanya! Sayo na mismo nanggaling na pwede na syang umalis. And thats what happen that day. Yun na pala ang pamaalam nya."

Shit! Napapikit ako ng mariin.

Ang araw nayun. Ang araw na akala ko magiging masaya na sya. Yun pala ang araw na inaantay nya! Ang araw na palayain kona sya.

Akala ko naging masama ang Asawa ko. Akala ko pinagtataksilan na nya ko, akala ko nawala na ang pagmamahal nya saken akala ko nagbago na sya! Mali pala lahat ng akala ko. Hanggang sa huli pala ng buhay nya ang kapakanan kopa din ang inisip nya. Nanatili pala syang tapat sa pagmamahal na sinumpaan namin sa altar limang taon na ang nakakalipas. Mas naging mabuti pala syang Asawa kesa sa akin!

Pero anong ginawa ko? Sinayang ko lahat ng sakripisyo nya dahil lang sa maling Akala at Tamang Hinala! Napakatanga ko, ang Gago ko!

Anong napala ko sa paghihinala ko? Anong nagyari sa pagdududa ko at hindi ko pakikinig sa kanya? Anong kunahinatnan ng nagawa kong katangahan?

Kung maibabalik kolang sana ang nakaraan.

Kung Maibabalik Ko LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon