9

43 22 0
                                        

Jeremiah's Point of View

Kakagaling ko lang ng eskwelahan ng tawagan ako bigla ni oleng, napansin ko rin na bakas sa boses nito ang pagod sinabi na rin niya sa'kin na nakauwi na raw siya.



Pero ang mas kinatuwa ko ay ng ibalita niya sa'kin na pumayag na si elaine makipag-date sa'kin. halos tumibok ang puso ko sa bilis at saya.



Yes! haha yes! woooooh! elaine sa wakas!



Para akong nanalo sa lotto sa inaasta ko ngayon, para akong nanalo ng milyones at si elaine ang pera, nasa daanan naman ako papunta kila oleng, may mga tao ding napapatingin na lang sa'kin, di naman mawala-wala ang mga ngiti sa labi ko.



Nagmadali na akong makapunta sa bahay nila oleng, tinakbo ko na ito. Nang marating ko ay agad akong tumakbo papasok sa bahay nila hanggang sa makaakyat sa hagdan.



Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko agad si oleng na mukhang kakadating lang. Bigla ko siyang niyakap bilang pagsalubong.



"Oleeeng! hahahahahaha!" Natutuwang sabi ko dito at bigla siyang niyakap at binuhat, pinaikot-ikot ko pa siya habang buhat-buhat.



"Oleng!, Oleng! Thankyou! thankyou! thankyou!" pasasalamat ko sakaniya dahil sa kabutihang ginawa niya para sa'min ni elaine. Siya naman itong nagtataka at halata sa mga mata nito ang pagod.



"Naku oleng! grabe pumayag na si elaine!?, pumayag na si elaine maka-date ako?! dati iniisnob lang ako nun, pano mo nagawa yun?! tapos sasama ka pa sa'min, ang bait-bait mo talaga!" di makapaniwalang tanong ko dito habang siya naman ay mukhang walang gana at pinipilit lamang na ngumiti.



Sa sobrang tuwa at sabik ko ay agad kong hinalikan ang noo niya. "Angbait-bait mo talaga! utang ko sayo ang buhay ko, ang kinabukasan ko! isa kang dakilang kaibigan oleng, isa ka talagang dakilang kaibigan oleng, dahil diyan ipapatayo kita ng monumento sa gitna ng session road ah, pagpapatayo kita dyan ah? okay!?" Sabi ko dito habang natatawa pa, pilit naman itong ngumiti at tumango-tango pa.



"Alam mo je? ang oa mo! date lang yan." natatawang sabi niya naman, natawa rin ako dahil sa inaakto ko.



"Walang oa oa sa'kin! ngayon may chance na'ko kay elaine, may chance na'ko! I love you oleeeng!" Masayang sabi ko at hinawakan ang ulo ni oleng at pinaghahalikan ang noo at dalawang pisngi nito.



"I love you oleng! i love you very very much!" dagdag ko pa sakaniya, siya naman itong umiiwas ng tingin at pilit paring ngumingiti at tumatawa, halata rin ang pamumula ng mga pisngi niya.



"Okay! dahil diyan meron akong unang regalo sayo bilang pasasalamat! teka...... Charaaan!" Masayang sabi ko sabay pakita ng dalawang singsing na tanda ng pagkakaibigan namin at pasasalamat ko sa kabutihang ginawa niya, natuwa naman siya habang nakatitig sa singsing na iyon.



"Akin na yan." agad kong isinuot sa kamay niya ang isang singsing. "A-ano 'to?" tanong niya sa'kin habang nakangiti. "That's the symbol of our friendship, meron din ako niyan." sabi ko naman sakaniya sabay pakita ng isa pang singsing na kapareho nun.



Sinuot ko na ito sa daliri ko at tumingin kay oleng. "Game!" giit ko sakaniya at nagsimula kaming mag-beso gamit ang mga kamay namin na madalas naming gawing magkaibigan.



"Bestfriends forever?" malawak ang ngiting tanong ko sakaniya.



Tumango naman siya habang pumupungay-pungay pa ang mga mata nito, matamis rin ang ngiti sa mga labi niya habang magkahawak ang mga kamay namin at magkatabi ang dalawang singsing na'yun.



Pareho kaming tuwang-tuwa sa isa't isa, sabay naming kinaltokan ang mga ulo namin at tawa-tawa ng masaktan kami dahil dun.



"Okeeey! alam mo oleng? hindi ko talaga alam kung pano ako mabubuhay ng wala ka eh ha? thankyou talaga!" sabi ko pa at muling hinalik-halikan ang noo nito at dalawang pisngi, siya naman itong natawa sa ginawa ko.



Agad ko siyang niyakap ng mahigpit, nakita ko pa sa salamin at sa kabilang salamin ang itsura ng oleng habang yakap-yakap ko siya na unti-unting nag-lalaho ang mga ngiti nito sa labi niya at tila mas lalong pumungay ang mga mata nito.



Ngunit hindi ko na lamang pinansin yun dahil alam kong pagod lang siya at inaantok na. umaasa lang rin ako na baka maging kompurtable siya sa yakap ko ngayon.



Dabest ka talagang kaibigan oleng! buti nalang nandiyan ka at malalapitan! mahal na mahal kita bilang matalik kong kaibigan simula noon hanggang ngayon! oleng napakabuti mong nilalang.



Please...

be with me until we end up, until we reconnect...

until we grow our feelings into devotion of love...

wait for me i'm coming to take you...

---








RyuWrites
#StartingOverAgain

Starting Over Again (CDH Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon