Accepted it for someone who wanted me to do it
NIKKI'S POV
Hindi ko na alam kung paano ako magsisimula sa bagay na 'to, tsk. Hindi ko na alam ang gagawin ko, simula nang malaman ko ang tungkol sa bagay na 'to, I was surprised but I was also excited dahil akala ko matatatanggap niya rin kami tulad ng pananabik namin na makasama siya sa pamilyang 'to pero hindi ganoon ang inaasahan ko ngayong araw.
Pumasok ako sa bahay na sobrang lungkot, hinanap ko kaagad si Dad, nakita ko siya roon na nagpapahinga nang taimtim kaya hindi ko na lang siya inistorbo pa. Umupo ako sa sala, nakatingin sa litrato naming tatlo na hindi kasama si Adallina noon pa man.You know what, when I find out that Adallina is my sister whom I wanted and wished for, para akong isang batang pinagbigyan ng langit at lupa sa gusto ko. Halos umiyak ako sa tuwa kahit si Dad ay ganoon din ang naging reaksyon nang malaman ang balita. I was eager to know her much, find out what she likes and hates, her favorites and her hobbies; Pero hindi ganoon ang nangyari nang sabihin ko sa kaniya ang lahat lahat.
Lumapit ako sa picture frame ni Mom at dinala ito sa may couch. "Mom, do you think Adallina will be with us sooner? Kaya niya bang tanggapin ang tunay niyang pamilya?" I sighed heavily while looking at my Mom's picture. "Mom, ang ganda ganda niya kanina kahit sobrang stress siya. She does look like you that much hahahahaha."
Habang kinakausap ko 'yong picture ni Mom, nakarinig ako ng yabag ng mga paa galing sa taas kaya ibinalik ko ang litrato nito at naupo ulit sa couch.
"Nikki? Nakauwi ka na pala? Bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin, hmm?" It was Dad, payapos-yapos pa siya sa mga mata niya. "Ikaw lang?"
He sudden asked me that made me bowed and kept being quiet. "Um... Dad."
"Where is she? Bakit hindi mo kasama? What happened?" Sunod-sunod nitong tanong pero hindi ko siya masagot. "I'll guess."
"Dad... Dad, please."
"She doesn't want to be with us, isn't it? Ayaw niya kasi isa lang ang pamilyang tinuturing niya and we're nothing but just NOTHING."
"Dad, she's just stress in everything. Namatayan siya, her relationship was unstable like what her friend told me."
"A friend? Who?"
"Oh. It's Preston, Preston Burke."
Habang nag-uusap kami roon, biglang may kumatok at hinahanap ako. Pumunta ako sa may pintuan para pagbuksan ito pero...
"Anong ginagawa mo rito?" Agarang tanong ko.
-----------------------------------------------
ADA'S POV
I was here in there house, standing and waiting for her to open the door of them. Nang makita kong binuksan na niya ang pintuan, she looked surprised that she doesn't even expected me to come. Actually, I don't want to come here because of what my first family have now pero no'ng makita ko 'yong sinulat ng pasyenteng 'yon ay halos magimbal ako at manlumo.
"Anong ginagawa mo rito?" Agarang tanong nito. "Ada, bakit ka----"
"Bakit ayaw mo bang makita ako rito? Ayaw mo ba?" Tanong ko pero katahimikan lang ang sumasagot sa akin. "Oh sige, Preston! Tara uuwi na tay----" She pulled my hand closer to her and hugged me.
"Why?! You told me, you doesn't want us." She looked at me while crying that made Preston and I to laughed at her. "Walang nakakatawa, kanina ka pa namin pinag-uusapan ni Dad tapos narito ka na? Oh my gosh."
I chuckles. "Kaya siguro kanina ko pa nakakagat ang dila ko." Kinunutan nila ako noo. "Oo, ganoon kaya 'yon. Kapag nakakagat mo ang dila mo, pinag-uusapan ka ng ibang tao."
Narinig ko ang pagtawag ng Dad namin? Yeah, maybe I need some adjustments. Pumasok kaming dalawa ni Preston, nakayuko, hindi kumikibo; Nilapitan ako ng father ko, he cupped my face, hugged me and cried.
"Earlier, we're talking about you. Akala ko no'ng una, ayaw mo talaga pero look at you? I can hug you any time I want. Dang, my daughter." He looked at me with his teary eyes and hugged me again. "How's life? Naasikaso mo na ba ang parents at ng step brother mo?"
"Well... Pinalayas ako ni ate Esha after the accident I did recently, ayaw niya rin akong papuntahin sa burol o sa libing nilang tatlo. Nakikituloy muna ako pansamantala sa bahay ni Preston, that's why, I owe him a lot." I smiled bitterly as I looked to all of them.
"Kayo na bang dalawa?" He pointed us, Preston and I. "Well... All I can say was----"
"We aren't, we're friends. I broke up with Kieran after the accident happened and I cut all connections for the both of us." His mouth formed '0'. "Kayo? How's living in this community, huh? Parang dati, halos galit na galit ako pero ganito rin pala ang kahihitnan nang lahat."
"We're okay, both stable in everything." I nodded. "Dito na muna kayo magpalipas ng gabi dahil baka masita pa kayo. Bukas ka na lang umuwi, Preston."
"No, I... Um, sasama pa rin ako kay Preston kung okay lang." They stared at me, looking worried that much. "But... I can stay if I could adjust. Kaya naman akong bisitahin ni Preston, right?" Preston nodded and they does too.
They got four bedrooms, Nikki fixed my room and Preston's room, decorated it a little bit and cleaned it up habang nag-uusap kaming tatlo roon sa may sala. Ilang oras na ang lumipas, natulog na rin kaming lahat pero heto pa rin ako at nagmumuni-muni habang nakatingin sa kisame ng kuwartong 'to.
"Is it good that I accepted them? Is it right? Do I deserve to be one of them?" Tanong ko sa sarili ko. "Mom, Dad, kuya Livius give me some signs, please." Tumagilid ako at nakita ko ang isang picture frame at kinuha iyon.
I stared at it, maybe it was my Mom where I was being adopted by the EIR'S, hmm. Habang tinitingnan iyon, may nahulog na isang papel, parang papel de hapon; kinuha ko iyon at binasa ang nakalagay doon.
~
Dear Adallina,
I know, I might be a little crazy but then, I just want you to know that I really really love you. Kung sakali mang may makabasa nito, kung ikaw man ang makabasa nito, Ada. Sana'y hindi mo ako itakwil dahil sa mga gawain at desisyon na ginawa ko para ipa-ampon ka. Pina-ampon kita dahil hindi ko alam kung kaya ka bang buhayin, tanggapin o kung kaya kang suportahan ng Daddy mo. All I care was YOU, anak. I'm really really sorry.
Truly yours,
Mommy Dorothy~
Tumulo ang luha ko dahil sa mga nabasa ko, I want to know who am I, who really am I. Sino nga ba talaga ako, paano nga ako nakarating sa orphanage at dinanas ko lahat ng panloloko nina ate Esha at Kieran sa akin. I wanna know all of it, I wanna know it, dang!
Next chapter ahead. Enjoy reading!
YOU ARE READING
LS#4: Save me, Doctor✓
Teen Fiction[COMPLETED] Fool of love, desperate dreamer and lonely most of the time. A professional general surgeon whose heart is like a stone. Isang bitter na babaeng walang ibang ginawa kundi intindihin ang sarili kaysa sa iba. Uunahin ang sariling intesyon...