Just a single call from Xerxes and the media flooded the world with Alliyah Fleur-Tse, ang ex-girlfriend ni Adam na isang sikat na artista sa Pilipinas at anak ng kilalang businessman na kasalukuyang nakakulong.
Kalat na kalat na sa buong mundo ang audio and video confession nito patungkol sa totoong nangyari sa kidnapping case ni Anna Rae Diaz-Lopez 6 years ago, at kung sino ang totoong nasa likod nito.
Isiniwalat din worldwide na ang sikat na Filipina-Korean model na si Cindy Santos-Lee ang mastermind sa kidnapping incident ni Anna Rae.
The reports as well revealed it was Anna Liza Villa, Anna Rae's twin, who was kidnap instead of Anna Rae Lopez.
Habang isinisiwalat ang lahat ng ito sa mundo ay pinagdadakip na rin ng kapulisan ang pamilyang Lee- Si Cindy, at ang kanyang mga magulang na nadatnan pang aalis na sana ng bansa upang tumakas.
Dahil doon, Anna's and Rae's names were cleared successfully and all the data consisting the scandal were deleted from the internet.
Aside from those, isa-isang isiniwalat sa media ang mga baho ng pamilyang Lee lalo na ang mga krimeng kinasasangkutan ng pamilya. Halos sabay-sabay namang dumulog sa kapulisan ang mga biktima ng pamilya Lee na nakadagdag sa sentensya ng pamilya.
Ipinasabatas man ng pamilyang Conor, Lim at Lopez at ng mga complainant ang lahat-lahat ng proseso para sa kaso ng pamilya Lee ay nakaabang pa rin ang kanilang mga tauhan upang hindi makatakas o magkaroon ng tsansang makaligtas mula sa batas o sa hatol ng batas ang pamilya Lee.
This brought total peace to everyone's heart lalo na kay Anna at sa pamilya Lopez.
_____
3 YEARS LATER...
"What? Sinagot mo na siya?" Halos magkasabay na tanong nina Anna at Kim kay Melvie.
"W-well, Oo. Ang kulit kasi eh tsaka, gusto ko naman talaga siya dati pa. Issue lang talaga sa'kin noon yung pagka-playboy niya." Paliwanag ni Melvie.
Nakaupo sila ngayon sa hardin na malapit sa mini park ng villa nina Adam at Anna, pinapanood sina Adam at Cedrick na nakikipaglalaro kasama sa kani-kanilang mga anak. Si Adam, kalaro sa swing ang kanyang dalawang taong gulang na kambal na anak na babae at lalaking sina Sky at Shine. Nakaalalay dito si Xerxes na tuwang-tuwa sa mga bata na parang sarili na niyang mga anak ang dalawa. Si Cedrick naman ay tuwang-tuwa na nakikipaghabulan sa anak nilang lalake ni Kim na si Clint na magdadalawang taon na rin sa taong ito.
"Mukhang gustong-gusto ka rin naman ni Xerxes. Buti pinagbigyan mo." Komento ni Anna.
"Sana lang hindi magloko. Bibihira na lang kase ang mga lalaking faithful sa asawa o nobya nila sa panahon ngayon. Buti na lang, hindi playboy si Cedrick ko kahit noon pa." May himig ng pagmamalaki ni Kim na parang kinilig pa.
Anna giggled. "Tama ka, Friend. Pero Melvie, hindi dahil playboy na yung lalake ay magloloko na talaga. May iba nagbabago, meron din namang hindi. Basta, wag mo lang ibigay lahat para hindi ka magsisi sa huli. Tsaka kilalanin muna ninyo ang isa't-isa bago kayo magpakasal." Payo ni Anna.
"Gamitin ang puso at utak sa pag-ibig." Sabay na wika nina Anna at Kim saka tumawa. Isa ito sa ipinayo sa kanila ng tiya Mina nila noong nagdadalaga na sila.
Napangiti si Melvie. "Tama kayo. Basta ako, hindi ko ibibigay ang perlas kong iniingatan since birth para lang sa wala. Ayo'kong magsisi sa huli. Growing up in a liberated country, I saw countless women regretting their decisions. Gusto ko pa ring ibigay 'tong perlas ko sa taong pakakasalan ko. Though, mula nung magkita kami ulit ni Xerxes 3 years ago ay hindi ko na siya nabalitaang nambababae, mas mabuti pa ring makasiguro ako."
BINABASA MO ANG
My Innocent Pretender
RomanceAdam Lim and Anna Liza Villa's Story "It's been 6 years, my love. 6 years, 3 months and 20 days to be exact since you're not here by my side. 6 years, 3 months and 20 days since you died..." pagluluksa ni Adam sa pinakamamahal niyang si Anna. The...